"Ikaw? Hindi ka ba tapos?" Tanong ni Krissa kay Skyler.

"Hindi pa po. Hayaan nyo na po yung tatlong yun, ganun po talaga yung mga yun." Sabi ni Skyler kaya natawa nalang si Krissa.

"Anong ginagawa nyo?" Napatalon sa gulat ang tatlo ng biglang may nagtanong sa kanila nyan. Tinignan nila ito at nakitang si Matthew lang pala.

"Hindi mo ba nakikita Pare? Inaayos namin 'tong table." Sabi ni Jonas na hindi nakatingin kay Matthew.

"Oo nga pare!" Sagot naman ni Karson na hindi din nakatingin kay Matthew. Nagtaka naman si Matthew kung saan nakatingin ang mga ito kaya sinundan sya. At nakita nyang nakatingin ito kay Victoria na ngayon ay kausap si Annika.

"Ang ganda ba?" Tanong ni Matthew sa tatlo.

"Oo! Sobrang ganda!" Sagot ni Luigi at napatango nalang ang dalwa.

"Mga gago! Kapatid ko yan!" Sigaw ni Matthew at isa-isang binatukan ang tatlo.

"Aray ko!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo habang nakahawak sa mga ulo nila.

"Salamat Pare!" Sabi ni Skyler at tinapik sa balikat si Matthew.

"Psh. Umayos kayo ha?" Sabi pa ni Matthew bago iwan ang mga ito.

"Bata pa kasi ee." Natatawang sabi ni Skyler sa tatlo.

*************

"Anak, may nakalimutan ba kayo today?" Tanong ni Jenni sa dalwang anak na babae.Nagkatinginan si Vanessa at Janessa tsaka tinignan ang Mommy nila.

''Wala naman Mom.'' Sagot ni Vanessa.

''Diba an---ahck!'' Natigill si Drexel sa sasabihin ng sikuhin sya ni Vanessa sa tiyan.

''Anong sabi mo Drex?'' Tanong ni Jenni pero umiling lang si Drexel dahil namimilipit pa din sya sa sakit.

''Tara Mom! Paayos natin ang hair natin.'' Aya ni Janessa at hinila na si Jenni papunta sa B.O.B. Hindi yan yung kumakanta ha? It means Beauty Of Bautifulness. (Not my idea -.- it's my sister's. Hahaha)

''Ang brutal mo talaga kahit kailan!'' Inis na sabi ni Drexel kay Vanessa, tinignan sya nito habang nakataas an kilay.

''Hindi ko naman gagawin yun if it wasn't for yoou BIG MOUTH!'' Sabi ni Vanessa.

''Bakit ba ang sungit mo na naman? Kanina lang na kausap kita ayos pa naman tayoo. Tas ngayon nagiging amazona ka na naman?'' Hindi sya pinansin ni Vanessa, imbes ay binilisan nit ang paglalakad.

My Teacher's DaughterKde žijí příběhy. Začni objevovat