Chapter 22

331 21 84
                                    

Chapter 22:

"Sa tingin ko nakita ko na ang bituin sa madilim kong gabi."

Kislap na kislap ang mga mata ni Hans habang nakahalumbaba ito at nakatitig kay Miadora.

"Anong sabi mo?"

Inangat ni Mia ang tingin kay Hans. Mas lumapad tuloy ang ngiti ni Hans dahil sa malapit nilang mukha. 

"Ang sabi ko, ikaw ang bi-"

"Hindi kaba marunong tumingin? Nasa taas ang mga bituin. Don't you even compare me to those stars!" Mia fired.

Paano kasi. Pagkarating palang namin sa bahay nila Lola Minerva. Kinukulit na ito ni Hans. Na kasalukuyang nakikikain din sa labas nila Gino. Na-love at first sight raw ito kay Mia.

"Mia. Wa'g mo ngang sigawan si Hans. Buti nga may nakaka-appreciate sa'yo." Inakbayan ni Jackson si Hans na katabi lang nito.

Humagikgik naman si Hans. "Salamat, bayaw. Maaasahan ka talaga sa oras ng panganib."

Naging close kaagad si Kahel, Lionel, Brandon at Jackson kay Hans. Maliban kay Mia na iritado sa presensya nito.

Ngumuso naman si Gino. "Akala ko ba si Ate Laura ang gusto mo, Kuya Hans? Nagpalit ka na naman!"

Hans eyes widened. "Ssshh! Dati 'yun! Wa'g ka maingay! Baka magselos si Mia!"

"Nagkagusto ka pala kay Laura?" dagdag pang tukso ni Lionel.

Nasa kaliwa na puwesto ko lang si Lionel kaya nagawa niya akong akbayan.

Nagkamot ng noo si Hans. "Oo, pare. Pero dati na 'yun! 'di ba, Laura?"

Ngumisi ako at tumango. Bumaling ulit si Hans kay Mia.

"O, 'di ba? Kaya wa'g ka magselos, Mia, ha. Ikaw lang talaga. Ikaw lang ang prinsesa ko."

"Ano?! Uh! Pakialam ko naman!" Dabog na naman ni Miadora.

Palihim akong kinurot ni Miadora na katabi ko sa kanan. Kaya napaawang ang bibig ko. 

"Not sorry...." Ngisi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Naghalakhakan sila noong magbato na naman ng joke si Hans. Nasa bakuran nila Lola Minerva kami kumakain. Kaya ang iilan na napapadaan ay napapatingin sa puwesto namin.

"Nakakatuwa talaga itong mga bago mong kaibigan, anak." Sabi ni Lola Minerva pagkabalik niya sa paglilinis ng pinagkainan.

"Sa susunod dalhin mo ulit sila rito. Tignan mo at tuwang-tuwa itong si Gino." Ani Lolo Fernan.

Tumango ako at ngumiti bilang sagot.

Hindi ako nakarinig ng kahit katiting na reklamo kay Lola Minerva, Lolo Fernan at Gino nang dalhin ko sila Kahel, Mia, Lionel, Jackson at Brandon sa bahay nila. Like as usual, they're still accepting people like there's no people in this world may abuse their kindness.

"Ihahanda ko na ang tulugan ninyo. Ipagpatuloy niyo lang iyan." Ngumiti si Lola Minerva sa amin. Sinama na niya si Gino na kanina pa antok na antok.

"Sama po ako." Tumayo si Hans. At saka bumaling kay Mia. "Kailangan magbanat ng buo para sa kinabukasan ng pamilya namin ng Prinsesa ko." Kumindat pa ito kay Miadora.

Lumipad ang mata ni Miadora sa hangin. Hindi ko maiwasan mapangisi sa mga nakikita ko.

"Sama tayo. Masubukan man lang natin 'yung mga gawaing bahay. Exciting 'yun! Tara! Ano?" Pang-anyaya ni Jackson sa tatlo.

"Ayoko. May pagkain pa oh. Sayang 'to." si Brandon.

"No fun! Boring mo, pare! Ang sabihin mo tinatamad ka lang!" si Lionel.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon