Chapter 12

374 42 48
                                    

Chapter 12:

Nasa loob palang ako ng kalesa natanaw ko na ang iilang taga bayan sa labas ng bahay kubo nila Lola Minerva.

Parang may pagpupulong or meeting na nagaganap. Umikot ang mata ko sa lugar. Nakita ko si Hans na nakatapak sa mataas na upuan. Nagsasalita ito ng malakas para marinig ng mga tao na nakapalibot sa kanya.

"Manong Neo, dito nalang po."

Naramdaman ko ang pagalog ng kalesa. Unti unti itong bumagal. Pagkahinto ay mabilis akong sinilip ni Manong Neo.

"Lady Laura, malayo pa. Bakit dito tayo tumigil?" tanong niya.

Bumaba ako sa kalesa at hinarap siya.
"Manong Neo. Ilang ulit ko po bang sasabihin sa inyo? Hindi po ako isang Maharlika, kaya walang dahilan para tawagin ninyo akong lady." saad ko habang hinihimas ang kanyang kabayo na kulay puti.

Nagkamot ito ng kanyang batok.

"Pasensya na, hija, Hindi ko lang mapigilan. Napakaganda mo at ang iyong balat ay katulad ng sa mga Maharlika..." Aniya.

Isa si Manong Neo sa mga kutsero ng pamilyang Mirren. Sinabi ko kay Katrina na hindi ko naman kailangan ng maghahatid sa akin. But she insisted. Nauna na kasi ito sa Hacienda nila. Madami pa kasi siyang aasikasuhin.

"Masyado naman pong maganda ang tingin ninyo sa'kin..." saad ko at tumawa.

Habang papalapit ako sa bahay nila Lola Minerva, mas malinaw na sa mata ko ang dami ng mga tao na naroon. Naging malinaw din ang mga binibitawang salita ni Hans at ang mga pag-sangayon ng mga taga bayan.

"Sasagipin natin ang aking prinsesa!" Malakas na sigaw ni Hans. 

Tinaas niya pa ang mahabang kahoy na hawak. Tinaas din ng mga tao ang kanilang mga kahoy na armas bilang pag sangayon.

"Ililigtas natin si Laura!" saad pa nila.

I chuckled.

Hindi ko mapigilang magpakawala ng tawa sa bibig. Ang mga itsura nila ay parang sasabak sa digmaan. Nakita ko pa si Gino na may panyo sa ulo. May pintura din ang kanilang mga mukha.

Sumiksik ako sa kumpulan. Para makapunta sa ibaba kung nasan si Hans. Hindi nila napansin ang pagsiksik ko. Nang makarating ako sa unahan, tiningala ko si Hans. Hindi pa din nila ako pansin.

"Susugod tayo sa Kaharian kung nasan nakakulong si Laura, ililigtas natin siya!" Ani Hans.

"Ililigtas natin siya!" 

"Sasagipin natin siya!" Sigaw muli ni Hans.

"Sasagipin natin siya!"

"Kailan ba natin ililigtas si Laura?" Natatawang tanong ko kay Hans.

Kinagat ko ang aking labi.

Nakakunot ang noo nitong niyuko ako. "Ililigtas natin si Laura pagsapit ng dilim." Sagot niya sa akin. Nagtaas itong muli ng tingin.

Ngumisi ako. Ilang segundo ang nakalipas, bigla ulit itong lumingon sa akin.

"LAURA!?" Gulat niyang saad ng marealize na ako ang nagsalita.

Dahil sa sigaw niya, napatingin din sa akin lahat ng taong naroon. Pinamulahan ako ng pisngi. I am really touched. They are too many of them are willing to rescue me. If ever.

"Bakit?" Natatawa kong sagot kay Hans.

Mabilis siyang tumalon sa upuan na kinapapatungan. Muntik pa itong matapilok.

"Laura! Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa 'yo? Gusto mo bang sugurin ko sila!?" Saad Hans.

Napailing ako nang nakangiti. Hindi ko na siya nasagot dahil nakita ko ang papalapit na si Gino.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon