Chapter 18

381 36 97
                                    

Chapter 18:

"Nabalitaan namin 'yung nangyari sa tulay." Inosenteng sambit ni Lionel. "Why did you that, Kahel?" Aniya sabay kagat ng mamon.

Nasa loob sila nang office na kinalalagyan ni Kahel. Mahinahon man, but they really want to scold Kahel. But they can't do that inside the University. That's one of the school premises. Respect the people who has position in University. Sinusunod nila iyon minsan. Pero madalas, hindi.

"Lionel. You know him," Napatingin sila kay Jackson. "May sapat na rason si Kahel. Hindi ba?" Aniya sabay inom ng kanyang kape.


Kahel looked at them. Inaakala nilang sasagot ito. Pero ilang segundo lang itong nag-angat ng ulo. Bumalik na agad ito sa pagli-lipat ng mga papers na punong-puno ng records ng students.

"Kahel..." Nagaalalang sambit ni Brandon. "Ano ba?"

"Sino ba nagsabi sa inyo niyan?" Iradong saad ni Kahel.

"Your brother. Isaac told us. Kani-kanina lang. Mali ba siya?" Jackson answered. Titig na titig sila kay Kahel habang naghihintay ng progress sa reaction nito.

Tumaas lang ang kilay ni Kahel. Kasabay ng paggalaw ng panga niya. Na animo'y hindi kumportable sa pinaguusapan.

"That's not true. Nagpapahangin lang ako no'n." Sagot ni Kahel.

Ngumiwi ang tatlo at napaurong ng mukha sa pagkabigo sa paghihintay ng maayos na sagot mula kay Kahel.

"Getting some air? In the middle of the night while raining? Brad. Concern lang kami. Okay." Duda ni Brandon. Ayaw niyang sabihin iyon. Pero hindi niya napigilan. Hindi niya gusto ang narinig mula kay Isaac na ginawa ni Kahel.

"I told you. Kuya is just overeacting. Kilala ni'yo naman 'yon." Iling ni Kahel.

Napahalakhak naman sila no'ng maalala kung gaano ka-OA magreact si Isaac sa mga bagay bagay. Nawala sa isip nila ang ginawa ni Kahel. Mas naging light ang paligid sa naging tawanan.

"Dito dito lang 'yan. Pati kay Isaac. 'Wag ni'yo hayaan na kumalat 'yan sa Bayan natin. Hindi magandang balita ito kapag nagkataon. Baka ma-misinterpret ng iba. Kahel is the next leader of our City. We must help him to maintain his name. Clean." Paalala ni Jackson.

Nagkatinginan si Brandon at Lionel sa isa't-isa at nagkanya-kanya ng ngisi. Hindi naman nila napansin si Kahel na napatigil sa pagaasikaso ng papel at lihim na napangisi.

"Aw. Ang sweet ni Jackson kay Kahel." Humawak si Lionel sa dibdib at kinagat ang labi sabay tingin kay Brandon. "Dapat siguro sweet din tayo, brad- Oh. Should I call you baby now?" Halinghing ni Lionel kay Brandon ta's lingkis sa braso nito.

Nanlaki ang mata ni Brandon. "Fuck!" Tinaboy niya ang braso ni Lionel.

"Gago! Kadiri!" Mura niya pa.

Hindi na nila muli pang kinulit si Kahel. Marami kasi itong ginagawa. Lalo na't maraming marangya ang umangat. Maraming umalis patungong Espanya at Estados Unidos. At marami ding bagong pasok sa paaralan.


"Iyong personal servant ni Lady Mirren. 'Yong kanina? Anong tingin n'yo sa kanya?" Pago-open ng topic ni Lionel sabay lingon kay Kahel na hindi naman nagangat ng tingin.

Napangiti naman si Jackson habang sinisindihan ang panibagong lampara. Dumidilim na kasi ang lugar. Lumubog na ang araw. Pero nanatili sila doon at sinasamahan si Kahel na malapit ng matapos sa ginagawa.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon