Chapter 4

626 79 553
                                    

Chapter 4:

"Lola Minerva, sino po ba siya? At bakit parang hindi siya tulad natin. Tignan niyo po, kulay mestisa po ang kanyang balat."

"Gino, apo. H'wag kang maingay. Baka masiging siya."

"Pero, Lola. Ramdam kong hindi siya dukha tulad natin, at kapag maharlika siya, mapapahamak tayo!"

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga bulong sa kung saan. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Again, it takes for me a seconds to see clearly. Napatakip ako sa mata ko, dahil sa liwanag na sumalubong sa akin mula sa bintana.

Sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na bubong. Muli pa akong pumikit na isa. Just to make sure that I am not dreaming anymore. I slowly scan the whole place. Nasa isang makalumang lugar ako... isang bahay kubo.

Naaninag ko ang isang matandang babae at isang lalaki na nakatalikod mula sa kinaroroonan ko.

"Akala ko pa naman panaginip lang 'yong kagabi.." bulong ko sa aking sarili.

But where am I? Kaninong bahay 'to?

Hinawakan ko ang ulo ko at dahan dahang umupo sa papag. "Ouch..." daing ko sa sakit ng ulo na naramdaman.

"L-lola... lola! Gising na s'ya!"

"Hija... anong nararamdaman mo?" nagmadali ang mga ito sa paglapit sa akin.

Palihim ko silang pinagmasdan sa likod ng aking palad na nakahawak sa noo. Isang matanda na sa tantya ko ay mga nasa 60's na. She looks so old because of her white hairs. Kumikintab ang mga mata nitong may pag-aalala. At isang batang lalaki na may itim at magulong buhok.

Napatingin ako sa sarili ko. Mukhang pinalitan nila ako ng damit. I'm wearing old white dress. Para itong bestida na kapag tumayo ay aabot hanggang lapag ang haba.

"S-sino kayo?" Ani ko sa mahinang tono. 

Bakit pakiramdam ko hinang-hina ako.

"Nakita ka namin ng asawa ko sa tulay ng tri kagabi, babagsak kana sana. Mabuti na lamang naagapan." Aniya.

Walang lumabas na salita sa aking bibig. I lost words. I only nod as a response.

Tulay ng tri, ang ibig niya bang sabihin ay ang Tri bridge? Doon pala ako bumagsak kagabi.

"Where am I?" tinanong ko ang kanina pa nasa isip ko.

Inalis ko ang puting kumot na nakapatong sa akin. At dahan dahang umalis sa papag. Napatingin ako sa kanila, nagtaka ako dahil sa mga gulat nilang ekspresyon.

"L-lola... iba ang kanyang lengguahe!" Ani Gino.

Mataman akong tinignan ng matanda. Natigilan ako ng makitang nagkaroon ng interes ang mga mata nito.

May mali ba akong nasabi?

"Ingles...." sambit ng matanda. "Mga matataas na pangkat lamang ang may karapatang matuto ng ganyang salita. Ang mga maharlika at dugong bughaw.." Hindi nakaligtas ang pagkabahala sa kanyang mukha.

Mabilis akong napatingin sa kanila. Maharlika, dugong bughaw? Where the hell am I?!

Mabilis akong tumayo. Hindi ko pinansin ang pangyapak sa ilalim. Wala akong pakialam kung naka yapak lamang ako! Tumakbo akong nagtungo sa pintuan.

"Hija, maghunos dili ka!" rinig kong sigaw ng matanda. Pero, hindi ko ito pinakinggan.

Maharas kung binuksan ang pintuan. Napatakip ako ng bibig ko sa sumalubong sa akin.

N-no... 'asan ako... hindi ito ang hacienda nila Katrina! Kailangan kong mapunta doon, kailangan ko silang bantayan, kailangan kong matapos ang misyon ko, gusto ko ng makabalik sa mundo ko!

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon