Chapter 20

353 31 160
                                    

Chapter 20:

Hindi ko pa man dinidilat ang mga mata ko ay nararamdaman ko na kaagad ang pagod. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Bago ko pa masuri ang sarili ko ay nakita ko si Soledad na nakasubsob sa gilid ng kama kung nasaan ako.

Nilibot ko ang paningin ko nang mapansing wala ako sa kwarto ng mga servants. Mukhang isa ito sa kwarto ng Hacienda. At nang bumaba ang tingin ko sa katawan ko ay nakita kong purong puti din ang kasuotan ko.

Mukha akong ibuburol.

Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko para alalahanin ang mga nangyari noong magising si Soledad.

"Gising kana pala," Nabawi niya kaagad ang pagkagulat.

"Anong nararamdaman mo?" Maasim ang itsura niya habang tinatanong iyon.

Umayos ako ng pagkakaupo.

"Mabigat. Pero ayos lang." Nagulat ako sa boses ko. Namamaos ako.

Masama ang itsura niya. I don't like the calm on her face. Gusto kong kabahan sa pinapakita niya. Umayos ito ng upo. Ilang segundo lang ay tumayo ito.

She nodded.

"Ikukuha kita ng tubig. Ipapaalam ko din sa pamilyang Mirren na gising kana. Alalang-alala sila sa'yo." Aniya.

"Parang galit ka. Galit kaba?" Hindi ko siya hinayaan na makalabas.

Hinawakan ko ang mga dahon na nakadikit sa katawan ko. Maharas ko iyong pinagtatanggal. Naramdaman ko pa ang mga hapdi sa katawan ko pero pilit kong hindi binigyang pansin ang mga iyon.

Naramdaman ko kaagad ang pagkauhaw at gutom. Pero mas minabuti kong tiisin muna.

Nilingon niya ako. Nakita niya ang ginawa ko sa mga halamang gamot. Nakita ko ang pagpipigil niya sa sarili niya na magpakita ng pagaalala.

Pilit niyang pinasama ang itsura niya.

"Tatlong na araw kang walang malay. Gusto mo ba maging masaya ako para sa'yo?" She sarcastically asked.

"Tatlong araw?" Hindi ko naitago ang pagkakagulat ko.

Ganoon katagal? Masyadong napagod ang katawan ko. Hindi maganda ito. Walang lugar ang pagod sa akin ngayon.

Tumaas ang kilay niya. "Yes. Three days, laura. Three days."

Sinuri ko ang sarili ko. Nananatili ang iilang mga sariwa na sugat sa buo kong katawan.

"That's too much. Anong araw naba?" Niligon ko si Soledad na matalas ang tingin sa akin.

"Linggo," sagot niya.

Pilit kong nilabanan ang nakakapaso niyang titig. "Okay,"

Inis itong tumawa. "Hindi kaba talaga nakakaramdam? Sobrang sama ng loob ko sa ginawa mo, alam mo ba 'yun? I know that I don't have to care since you can handle yourself. But, you know what? This is too much! This is really too much!"

Namumula ang kanyang mukha sa galit. "Soledad..."

"Nakakalimutan mo na ba? Maaari kang mamatay dito!"

Habang pinakatitigan ko si Soledad. Parang itong may pinanghuhugutan. Nanunubig ang mga mata niya na animo'y may inaalala. Gusto kong malaman iyon. Pero mas minabuti kong pigilan ang sarili ko.

Pinikit ko ang mata ko. "Sol-"

"Ah! Kukuha muna ako ng tubig." Pilit niyang iniwasan ang sasabihin ko.

Padabog akong umalis sa higaan at hinawakan ang braso niya. Hindi naman ako nabigo dahil nagpapigil naman siya bago pa niya mabuksan ang pinto.

"Si Katrina at Kahel lang ang Misyon ko. Sila ang dapat kong alalahanin." Pangunguna ko.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon