Chapter 17

396 36 42
                                    

Chapter 17:

"Hindi pa din ako makapaniwala!" Ani Katrina "This is really the first time!"

After Madame Dilmi which is their Filipino professor. To be followed by Don Fidel their Aritmetika professor. Mabilis natapos ang klase. Hindi katulad kay Madame Dilmi. Mabilis akong natanggap ni Don Fidel.

Kaya nang matapos kaagad ang klase ni Don Fidel. Agad kaming niyaya ni Jackson. Halata naman tuwang tuwa si Katrina sa nangyayari. Kaya wala na akong nagawa.

Nasa kaliwa bandang likuran lang ako ni Katrina kaya naririnig ko ang usapan nila ni Elle.

"First time? 'E, ang pagkakaalam ko. Naglunch kayo together with his family, right?" Elle asked.

"Yes. But this is different, you know. Ngayon ko lang nakasabay si Master Kahel dito." Animo'y nakalutang pang saad ni Katrina.

Nakangiting tumango si Elle. "Your family must really lucky, Kat... that's rare,"

"I know, Elle. I know..."

Pinilig ko nalang ang ulo ko at hindi na muli pang nakinig sa kanila. I'm invading their privacy.

"Magandang araw, Master Kahel..."

Maraming bumabati kay Kahel na may paggalang tuwing nadadaanan sila nito. Nasa pinakaunahan sila ni Jackson. Habang nasa likod nila si Brandon, Lionel at Miadora. At nasa likurang bahagi si Elle, Katrina at ako naman sa pinakadulo.

"Laura? Bakit nandiyan ka?"

Umangat ang ulo ko noong marinig ang boses ni Jackson. Nakita ko siyang nasa gilid ko at sumasabay sa akin sa paglalakad sa dulo.

"Bakit nandito ka?" I asked back.

Ngumiti siya sa tanong ko. "Kasi nandito ka?"

Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

When I'm trying to divert my attention. Kasabay naman 'nun ang pagdako ng tingin ko sa harap. Nakita kong tumigil si Kahel sa paglalakad. Kaya napatigil din ang mga kasama niya sa paglalakad.

"Bakit ka tumigil, Kahel?" I heard Lionel asked.

Sinamaan siya ng tingin ni Miadora. "It is Master Kahel. Not Kahel. Nasa labas tayo, Lionel. You should be careful, baka mamaya may makarinig sa'yo."

Lionel laughed and raised his both hands. "Chill! I'm sorry, okay?"

Biglang tumalikod si Kahel kaya nagkasalubong ang tingin namin. Nalipat ang atensyon nilang lahat sa amin.

"Why are you there?" Kahel hissed at Jackson.

Kitang kita ko ang biglang pagimpit ng tawa ni Lionel at Brandon.

"Bakit, bawal ba?" Nakakalokong tanong din ni Jackson.

Hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga mata ni Kahel. Pumungay ito ng mahuli ang tingin ko.

"Kahel, masyado ka namang clingy kay Jackson..." Sabay sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Lionel.

"Nasa likod lang si Jackson miss mo na kaagad?" Gatong pa ni Brandon at saka sila nagtawanan ni Lionel.

"Stop that. Let's go. Pinagtitinginan na tayo." Ani Miadora sabay tingin sa amin. Umirap ito sa hangin ng makita ang tingin ko.

"KJ.." Bulong ni Brandon.

Mabilis silang sumunod kay Miadora na nakapasok na sa loob ng kainan ng Unibersidad. My eyes scan the whole place. Napakamoderno. Mabango. Napakabango ng mga pagkain.

"Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito. Sayang nga lang at hindi ka estudyante rito..." Biglang saad ni Jackson sa gilid ko.

There's no way I would like to be a student here, Jackson. Tama na ako sa nababantayan ko si Kahel at Katrina.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon