Chapter 14

348 40 91
                                    

Chapter 14:

"Susunod ako, Katrina.."

Naunang pumasok si Katrina sa loob. Mabuti iyon. Dahil kung nandito pa siya ay baka mas lalo akong hindi makapagisip ng tama.

"Do something, please? Para kang naninigas." Halaklak ni Jackson.

Alam kong pansin niya ang pagkailang ko. He must really aware. It just, I can't hide it! In this case, I'm really expressive.

Hindi naman ako ganito. Never akong naging ganito. Kahit kanino, never. Until now, I still don't get myself when it comes to Jackson.

"Oh... Madilim sa daan, e."

Inabot ko sa kanya ng lampara na hawak kanina ni Katrina. Sinadya kong hingiin 'yun.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa inasta ko. Tinititigan pa niya ang lampara na inaabot ko. Matagal iyon.

I couldn't help to raised my eyebrow.

"Nangangalay ako."

Tumawa siya habang inaabot ang hawak ko. Hinagod niya ng tingin ang mata ko kaya muling nanginig ang mga tuhod ko.

"Salamat," Sincere na aniya.

"Para 'yan lang?"

Bahagya pa siyang natawa sa pagulit ko ng linya niya kanina.

Tatalikod na sana ako dahil hindi ko matagalan ang ngiti niya. Pero marahan niyang hinawakan ang braso ko para pigilan.

"May kailangan ka?" Dumaloy ang lamig mula braso ko hanggang likod ng leeg ko.

Dammit, Jackson...

"Pasensya kana sa inasal ng kapatid ko kanina. Hindi kasi kami masyadong magkasundo. Kaya hindi ko din siya makausap ng maayos." Salubong ang kilay niya habang sinasabi iyon.

"Ikaw ba ang nagtaray sa'kin?" Tanong ko.

"Huh?"

"Tinatanong ko kung ikaw ang nagtaray sa'kin?" Ulit ko.

Dahan dahan siyang umiling. Tumaas ang labi niya. "H-hindi..."

"Kung ganon. 'Wag kang humingi ng pasensya." Saad ko pa.

"Damn..." Kinagat niya ang labi at pinigilang ngumiti.

Ngumiti siya at ganon din ang ginawa ko. Nang bumaba ang paningin ko sa kamay niya ay agad akong ngumuso.

"Kamay mo.."

Tiniklop ko ang bibig ko. Inginuso ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Gulat siyang binitawan 'yun.

"Sorry..."

Nahihiyang humawak siya sa kanyang batok. Iniwas ko ang tingin ko at pilit inalis sa utak ko ang ginawa niya.

"Yung sinabi mo kanina... alam ko."  

"Alam mong alin?" He asked.

"Alam kong hindi kayo magkasundo ng mga kapatid mo. Wilson at Miadora."

Kumunot ang noo niya. "Talaga? Paano mo naman nalaman?"

Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ng mahigpit ang kahon ko bilang suporta.

"Wala lang."

"Sabagay, masyadong halata ang mga kapatid ko, kasi, kaya ganon.."

He just smiled. Tumango lang ako. Mukhang naiintindihan niyang ayokong magexplain.

"Salamat sa pagintindi sa kapatid ko."

"Wala, e. Mabait kasi ako."

Parehas pa kaming bahagyang natawa.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon