Chapter 16

297 37 46
                                    

Chapter 16:

Bago mapasok ang Bayan ng Trimer. The Unibersidad is located at the boundary of Bayan ng Trimer and San Juan. That's the spot where you can find their University. The Unibersidad is open to all of people from first and second class.

I still don't know kung paano ako napunta sa situation na ganito. But thinking that I have my advantage on being Katrina's personal servant is still good.

Mas mababantayan ko sila ni Kahel.

I was left out of words. The whole Unibersidad is really beautiful. I can't deny that fact. Wala kang makikitang mga teknolohiya o mga modernong kagamitan. Pero mas nakakaganda 'yun. Dahil lahat ay natural.

Ayos na sana. Pero ang maisip na ang mga Mayayaman lang ang nakikinabang nito, ay ang pagsibol ng baho ng ganda nito sa isip ko.

Mabibilang ng daliri ang mga nagpapakalat sa hallway. Katulad kay Katrina, sosyal at maganda ang mga ayos nila. Mapalalaki o babae. Wala akong interes sa kanila. But I can't help to give some of my attention, all of these are new to my eyes.

"Malapit na tayo!"

"Katrina. Hihintayin nalang kita sa karwahe...." Lumibot ang paningin ko sa paligid. "Bawal ako dito."

Pagkapasok palang namin, busy na siya sa kakatingin sa paligid. She's hiding herself from Kahel. Dahil kapag naabutan siya ni Kahel na pagala gala at may klase, malalagot siya.

You don't wanna mess with Kahel.

Nilipat niya ang tingin sa akin. She smiled widely.

"Laura. Ayan ka na naman! Hindi ka bawal. Nandito ako. Nangako ako sa'yo, right? And besides, I'll treat you as a friend. Not my personal servant, or what."

At the end, she won. I couldn't say no to her. Gusto kong ipagpilitan, pero ayokong sumama ang loob niya kapag ako ang nanalo.

She deeply sighed as we reached the asigned room. Malaki at kulay brown ang nakasarang pintuan.

"Mabuti nalang wala sa wing na ito si Master Kahel...." Nakatingin lang ako sa kanya habang pumikit ito at humingang malalim.

She open her eyes. "Ah! Ito ang silid aralan namin. Classroom." Aniya.

"Kasama ako?"

Mabilis siyang tumango.

Hindi ko alam kung papabor pa ako sa kanya o ano. Pero tuluyan na akong walang nagawa noong buksan na niya ang pintuan.

"Miss Mirren!"

Sinuri ko ang guro na nagsabi niyon. She looks old. Pero hindi 'yun naging haldang sa lakas ng boses at authority niya.

Nalipat ang tingin ng lahat ng mga kasama niya sa silid sa amin ni Katrina. Hindi sila marami sa loob. Pero hindi din kunti.

"Miss Mirren. Who is she?" Bumaba ang tingin ng iilan sa kanila sa akin. Animo'y sinusuri ako.

"I'm sorry, I'm late, madame. It is my fault. And, uh... she is Laura. My bestfriend. Isasama ko siya sa loob."

"And why is that? What's her class?"

Nagaalinlangan na tumingin si Katrina. She bit her lips.

"Lalabas nalang ako." Pangunguna ko. Pilit kong iniwasan ang tingin ng mga Estudyante.

"N-No."

"Miss Mirren!"

"L-Lower, Madame.. Last class..."

Hindi pa nakakasagot ang matanda nang hilain ako ni Katrina papasok.

"Disrespectful!" Napitlag ang lahat sa lakas ng kanyang sigaw.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon