Chapter 2

714 82 469
                                    

Chapter 2:

Nawala sa isip ko lahat ng nakakatakot na nangyari sa akin kanina nang makita ko ang landlady ng aparment na tinitirhan ko sa labas ng gate.

"Hinintay talaga ako ni Aling Jessa!?"

Malayo palang kita ko na agad siya. Nagpalate na ako ng uwi pero naghintay pa din siya! Basta singilan talaga!

Nakakatuwa sanang isipin na hinihintay ako nito, dahil nagaalala ito dahil malalim na ang gabi. But the reality slap me that she was waiting for me because of my rental fee.

I tried to stretch my arms. I have no choice but to climb the hallway of the apartment. Hindi pa sapat ang pambayad ko, kaya hindi dapat malaman ni Aling Jessa na umuwi ako ngayong gabi.

"I'm good..."

Napangisi ako ng hindi ako nakalikha ng kahit anong ingay sa pagbagsak ko. It feels good. Masyado na siguro akong sanay.

"Bakit bukas ang pinto ko?"

Isa lang ang dahilan na pumasok na isip ko. At hindi nga ako nagkakamali.

"Danilo?"

Nakita ko ang nagiisang kapatid ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan.

"Ate.."

Tumayo ito sa pagkakaupo sa nagiisa kong upuan na monoblock at ngumiti sa akin ng makita ako.

Hindi ko ito pinansin. Sa halip nagdere-deretsyo ako sa kusina upang kumuha ng tubig.

"Ate, malaki na ang utang mo dito sa apartment. Ayaw mo ba talagang sumama sa akin kila Lola?" saad niya.

Napatigil ako sa paginom dahil sa naging tanong nito.

"Paano mo nalagpasan si Aling Jessa?" Pagiiba ko sa usapan.

"Ate naman! Ayaw mo ba talaga akong makasama?" Ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita nito.

Agad akong humarap sa kanya.

"Tama ka. Ayoko."

Nakita ko ang pagbabago nito ng ekspresyon sa mukha. Alam kong nasaktan ko ito sa sinabi ko. Pero, mas mabuti na 'to.

"I-ikaw nalang ang pamilya ko.. alam ko namang sinisisi mo lang ang sarili m---"

"Stop it, Danilo.."

Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"Pero, ate! Wala kang kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang natin!"

Napapikit ako sa narinig. We don't have parents anymore.. They died when I was eleven years old. Simula noon, nawalan na ng dereksyon ang buhay ko. Nasa pangangalaga ng mga kamag-anak namin ang kapatid ko. Samantalang ako, galit sila sa akin. Dahil sinisisi nila ako sa pagkamatay ng mga magulang ko. Kaya naman naiwan akong magisa. So, I started make a living in a young age, for me to survive everyday and to survive this cruel world.. Kapag walang kita, wala akong kakainin sa isang araw. Mabuti na lamang may mga kapitbahay na handang tumulong. But that generosities are not enough to break the ache in my heart.

Ayokong makita ng kapatid ko na mahina ako. Ayokong isipin niya na hindi ko kaya ang sarili ko. He sometimes cold to others, but to me, he's really soft. That's the reason why I've send him off to our relatives. I can't stand to see him suffering everyday just because I can't give the things he deserved.

"Ate.. please, just this once? Pansinin mo 'ko? I really miss you so much."

Napapikit ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin ang kapatid ko.

He hugged me tight. So do I. Hinaplos ko ang buhok niya. "Malalapagpasan din natin 'to..."

At the age of sixteen. Hindi niya dapat nararanasan ang mga ganito.

Into His Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon