CHAPTER 23

113 10 1
                                    

*Day 1*

"Sky. Bitawan mo ako" inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa akin.

"How many times do I have to tell you that it's Kean?" Bugnot na tanong nya.

"Eh sa ayokong gamitin, pakialam mo ba? Tsaka ibigay mo nga sa akin ang bag ko, uuwi na ako" naurong ang inis na nararamdaman ko nang makitang tumalim ang tingin nya sakin.

Akala ko ay pagsasalitain nya ako nang hindi maganda pero sa halip ay walang imik nyang ibinigay ang gamit ko at umalis. Nakaramdam ako ng kaunting guilt, agad kong iwinaksi ang pakiramdam na iyon.

No. Hindi dapat.

Kaagad akong umalis at naglakad palabas ng school. Nasa may gate na ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Yes?" Pambungad na sagot ko kay Arra.

"Hello bianx. Nasa school ka pa ba? Can you do me a favor please?"

"Oo, palabas pa lang ako nang gate. Bakit?"

"Great! Pwede bang ikaw na lang ang makipag meet kay Garry? Nandyan kasi sya sa cafeteria ngayon, pakipuntahan nalang sya. Pasensya na, nagkaproblema kasi sa mga gamit na kakailanganin natin kaya nauna na ako dito sa resort"

"Okay lang. No prob."

"Okay then, thanks again. Ingat kayo pagpunta rito. Isabay mo narin sya papunta dito, kasama ko na sila Stephen"

"Okay"

So kailangan ko pa syang isama sa bahay namin?

"Okay, bye. Thanks again" pinutol na nya ang tawag. Tinungo ko na ang cafeteria.

Kaagad kong nakita si Gabby pagkapunta roon. Kinawayan ko rin sya ng kumaway sya sa akin. Glass wall kasi ang dingding kaya kita ang mga kumakain sa loob.

"I'm a bit surprise ng malaman kong ikaw ang im-meet ko ngayon. How are you?" Tanong nya nang makaupo ako sa upuang nasa harap nya.

"Okay lang. Ikaw? Kamusta naman sa school nyo?"

"Im okay too. Medyo pagod but still, kaya parin"

"Buti naman" I smile a little.

"Ano nga pala ang pag uusapan nyo dapat ni Arra ngayon? May problema ba?"

"About that. Wala namang problema. I was about to update her about the plan. May nakausap na kaming DJ for the party. Kinuha na namin yung ka-same age lang natin para masigurong alam nila yung mga tipo nating kanta"

"That's nice. Hindi na ako magtatanong kung professional ba iyang kinuha mo. I know na magaling kang pumili when it comes to those things" napakamot sya sa batok nya na para bang nahihiya.

"Is that a compliment? Thanks. Actually kaibigan namin sya from states, he knows how to play with musics"

"That's good. Sana nga lang ay musics lang ang pinaglalaruan nya at hindi ang feelings ng mga babae" pabirong sabi ko.

"Uhh. Change topic?" Sabay kaming tumawa sa sagot nya.

"By the way, kumain ka na ba?" Right after he said that. Kaagad na nagreact ang tiyan nya.

Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya.

"Hindi ka pa kumain?" Nahihiya syang tumango.

"Pwede bang kumain muna tayo bago umalis?" Natatawa akong tumango.

"Basta ba libre mo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Badboy's Rule (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon