CHAPTER 17

220 19 3
                                    

Bianca POVs

"May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Clyde?" Kuryosong tanong ni Keith. Kanina nya pa paulit ulit na tinatanong yan... at paulit ulit din syang sinasagot ni Arra.


"Wala nga sabi, bat ba ang kulit mo?" Asar na sagot ni Arra sa kanya.

Kung hindi ko lang talaga kilala kung sino ang crush ni Keith, mapagkakamalan kong may gusto sya kay Clyde, daig pa ang reporter kung makapang intriga eh.

"Weh?? Sigurado ka ba? Eh kung makapag usap kayo kanina parang kayo lang dalawa ang tao dun. Okay lang naman samin kung may something sa inyo, hindi kami hahadlang promise!" Nang aasar syang ngumiti at tinaas baba pa ang dalawang kilay nya.

Medyo napatango tango ako sa sinabi nya. Tumpak sya doon, okay lang kahit na may magustuhan syang lalaki. Magpaparty ako kapag may naging boyfriend to. Hindi naman sa pinagtutulakan namin syang magkaroon ng boyfriend. Ang sa amin lang, sana naman ay bigyan nya ng interes yung mga boys. Asides kase kina Ace at Trevor, wala na syang ibang kinakaibigan na lalaki. Ewan ko nga kung anong nangyare dyan at bigla nalang nagbago.



Hindi lang halata pero playgirl dati yan. Hindi na namin mabilang kung nakailang BF na sya. Kung makapagpalit ng boyfriend akala mo nagpapalit lang ng damit. Masaya kami na binago na nya yung ganoong ugali nya, kaya lang napasobra ata ang pagbabago nya kaya kahit pakikipagkaibigan lang ay hindi na nya ginagawa. Palapit palang yung mga lalaki, tatarayan na nya agad.



"Wala nga! Never kong papatulan yung lokong yun ano... ayys! Tigilan mo na nga ako!"

"Huwag ka nang makulit dyan Keith, para kang timang. Baka naman gusto mo lang malaman kung ano ang namamagitan sa kanila para kung maging crush mo sya, walang sagabal" tamad na sabi ni Ace habang nakasandal sa puno at naglalaro sa phone nya. Nasa tambayan na kami ngayon, ang Sparnas Ort.


"Sinasabi mo? Wala akong gusto sa kanya ano. Iba ang crush ko" sagot nya at umirap.



"Tumahimik ka nalang kase Keith. Napaghahalataan ka masyado eh. Baka naman napalitan na si Trevor?" Pang aasar ko.

Crush nya si Trevor since naging magkaibigan kami, baka nga nakipagclose lang sakin ang babaeng to para mapalapit sya sa kanya.


"Eww yuck! Ano ba bianxx? Di ko sya pagpapalit para lang sa playboy na yon ah. Kadiri ka"  pinisil nya pa ang ilong nya na parang nakaamoy ng mabaho.


"Speaking of Trevor, Kamusta na pala siya, bianxx? Wala na kaming balita sa kanya, tinawagan ka naba nya?" Napatingin ako sa nagtatanong na si Arra.

"Hindi pa eh. Baka busy sa school?"


"Baka busy kamo sa babae. Ang tagal na nyang hindi nagpaparamdam, hindi man lang nya naisip na may nakakamiss sa kanya" nakangusong sabi ni Keith.


"Bakit hindi mo tawagan? Tsaka ano ka ba? Parang hindi ka pa nasanay doon. Siguradong walang malilink na babae sa kanya. May pagka man of few words yun eh. Dika kakausapin kung hindi importante"


"Agree ako dyan. Isa nga tayo sa kaibigan nya pero bilang lang yung pagkakataon na nakakausap natin sya ng matagal. Tas kapag kausap mo parang laging may kaaway, nakakunot lagi ang noo. Ayoko namang tawagan sya, baka hindi nya ako sagutin" pagsang-ayon ni Keith kay Arra.


"Mabait naman yon. Baka nahihiya lang sya sa inyo kaya ganun sya"


"Sayo lang naman sya ganoon, bianxx. Kapag kami na ang kaharap nya parang nangangain lagi ng tao. Buti nalang talaga gwapo sya, kahit anong gawin nya bagay parin sa kanya" Kinikilig na sabi ni keith. Bilib din ako sa isang to ah, kanina lang malungkot ngayon parang uod na binudburan ng asin sa sobrang pangingisay sa kilig.


The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now