CHAPTER 22

85 10 0
                                    

Jealousy

"Anong ganap?"

Napahinto kami sa pagkain ng dumating sina Kean, Clyde, at Sean.

Nasa canteen kami ngayon at kumakain. Kakatapos pa lang ng klase namin.

Napatingin ako sa mga bagong dating. May kanya kanya silang upuan na dala. Kaagad na umupo si Sean sa pagitan namin ni Keith. Si Clyde naman ay tumabi kay Arra, na nasa tabi ni Keith. Itinuon ko ang paningin ko kay Kean ng mapansing sya nalang ang hindi umuupo.

Nag-iwas ako nang tingin ng makitang nakatutok sakin ang mga mata nya. Nakita ko ang dahan dahan nyang paglapit gamit ang peripheral vision ko, naglakad sya papunta sa tabi ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain ng tuluyan na siyang umupo.

"Gaya nang napag-usapan. After class, uuwi muna tayo sa mga bahay natin. Magkikita-kita nalang tayo sa malapit na Café"

"Eh paano nyan? Mauunang matatapos ang klase ninyo sa amin" tanong ni Sean.

Pinagkunutan sila ng tingin ni Arra. "Wait. Kasama kayo?" Naguguluhang tanong nya.

"Oo. Inimbitahan ko sila. Hindi ko pa ba nasabi sayo?"

Sinamaan sya ng tingin ni Arra "HINDI"

"Hehe sorry. Akala ko nasabi ko na sayo. Hayaan mo na, okay lang iyan. Nagvolunteer naman sila na tutulungan tayo"

"Eh?! Tinanong mo ka------" kaagad tinakpan ni Keith ang bibig ni Sean at may kung anong ibinulong sa kanya.

Naalis ang atensyon ko sa dalawa ng maramdamang dumampi ang braso ni Kean sa braso ko. Napatingin ako sa kanya, naabutan ko syang seryosong binibigyan ng kanin ang plato ko.

"Eat a lot. You're too skinny" mahina at seryosong sabi nya. Napapikit ako at huminga ng malalim.

Bakit ba naaapektuhan ako sa mga maliliit na bagay na ginagawa nya?

"Busog na ako" maikling sabi ko para hindi kami marinig ng iba pa.

Nagpatuloy lang sya sa ginagawa nya na parang hindi ako naririnig.

"Skyler---"

"It's Kean, Akeasha. Always remember that. Hindi magbabago iyon kahit na galit ako sayo" ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.

"It doesn't matter okay? Hindi naman big deal kung ano pa ang itawag ko sayo" may bahid na inis na sabi ko.

"It is! I told you to call me with that name!" May kalakasang sagot nya.

"Don't be ridiculous, Sky--" napasinghap sya tanda ng pagdisgusto nya sa pagtawag ko sa pangalan nya, tumagilid sya sa pagkakaupo paharap sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
Ramdam ko ang pagtingin nya sa akin. "Seriously? It's just a name! Bakit ba ang hilig mong gawing big deal ang ganitong pag uusap? Hindi ka naman siguro mamamatay kung tatawagin kita sa ibang pangalan, diba?"

"But I wan't you to call me with that name-----"

"Then go and tell Stella to call you with that name! Gusto mo pa lang tinatawag kang ganoon edi sabihin mo sa kanya! I assure you, buong puso ka nyang susundin!" Gigil na sagot ko. Hindi ko na napigilan ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Tinignan ko sya, nakaawang ang bibig nya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko, paano ba napasok sa usapan si Stella?

Argh!

"Didn't you hear me? I said the word 'you', not 'her'. Ikaw ang gusto kong tumatawag sa akin ng ganoon" mahinahon ng sabi nya.

The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now