CHAPTER 1

993 37 42
                                    

*Encounter*

Sean's POV

Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa Carlson University, nagsigawan na ang lahat. Alam nyo ba kung bakit? Ako kasi hinde. Wala naman akong pinagkaka-utangan dito e. Hayy, baka sina Clyde?

Napatingin ako kina Clyde at Sky. Seryoso lang si Sky habang si Clyde kumakaway sa mga babae, napailing iling nalang ako. Hindi ko alam kung tanga o sadyang baliw lang itong si Clyde, sinisigawan na nga sya may gana pa syang kumaway. Tss, buti nalang kaming dalawa ni Sky matalino. Lagi nalang kaming sinisigawan, nagtransfer na nga kami dito para iwas gulo pero parang mali ata napuntahan namin. Abnormal ata mga tao dito. Hayy, mababait kaya sila *cross finger* ? Sana naman matino.

"Uyy Sean, sino na naman ba yang iniisip mo at tulala ka? Chicks ba yan  pre? Pakilala mo naman ako" tanong ni Clyde. Napangiwi ako, bat ba ang hilig nya sa sisiw?

"Ahh ehh wala akong sisiw Clyde, si Sky nalang tanungin mo baka meron sya" sagot ko. Tumawa lang sya tsaka umiling-iling. Bigla akong kinilabutan, baliw na ata talaga siya.

Sa totoo lang, meron naman talaga akong sisiw, hindi ko lang sinabi sa kanya. Baka kasi kung anong gawin nya, kawawa naman. Baka magalit sakin yon, iwan pako. Hindi pa naman kami masyadong close, kahapon ko palang kasi pinabili yon kay manang

"Nandito na tayo" sabi ni Clyde ng makarating na kami sa room. Halata naman ginawa pa kaming bobo. Pagkabukas namin ng pinto, natigilan ang mga tao sa loob habang nakatingin samin. Hindi pa sana ako gagalaw ng maglakad na si Sky papasok kaya pumasok narin ako. Sayang, akala ko pa naman nakikipaglaro sila. Uupo na sana kami sa pwesto namin ng--------

"Kyaaahhhhhhhhh!!!"

Sigaw nung mga babae kaya napatalon ako sa gulat. Dali dali akong  sumampa sa upuan ko at tumingin sa sahig, tinignan ko kung may langgam, baka kasi nakakita sila kaya sumigaw sila. Nakakatakot pa naman ang mga yun. Kung makakagat akala mo aagawan ng pagkain, sila pa madamot e pinupulot lang naman nila yon. Nung isang araw nga may nakita akong langgam sa may mesa namin na nagdadala ng asukal. Kinuha ko yung asukal at binalik sa lalagyan, ang liit palang nya marunong na kaagad syang magnakaw. Tapos maya maya lang may kumagat sakin na malaking langgam. Mama siguro nya yon o kaya papa, hula ko nagsumbong yung langgam kaya kunagat ako. Nagkabukol panga yung kinagat nun e. Nagpapadala ako kay manang sa hospital pero tinawanan lang ako *pout* mula noon hindi kona kinukuha yung pagkain nila, binibigyan ko pa nga sila kaso hin------

"Kyahhh girls, classmate natin ang The gorgeous princes"

"Oh my Ghadd! As in OMG! Kyahhh"

"Ahhhh! Kill me now please. Im so kinikilig"

"Clyde, get me pregnant. Kyahhh"

"Damn, Skyler! Marry me please"

"Awww Sean, why so cute?"

Sabi nila habang tumatalon talon. Haha, cute ko daw? Pero diba sa aso yon? Umupo na kami sa pwesto namin habang halos ng mga girls sa room, pinalibutan kame. Tinignan ko ang mga kasama ko kung anong ginagawa nila. Si Sky nagsa-soundtrip habang si Clyde---tss, nakaupo nga sya pero kindat naman ng kindat. Bakla bato??

"Excuse me, excuse me!!"  Napalingon kami sa harapan ng may biglang nagsalita. Napahinto rin yung mga babae at tumingin sa nagsalita. Nagtaka ako ng tumabi sila at nag- give way sa paparating. Nang tignan ko sya napanganga ako. Ang saya neto, hindi ako nainform na may classmate kaming clown

"Oh Em Gee!! Why so gwapo? Hihi by the way boys. Im Stella Marie Ocampo. Im single but now im ready to mingle. Hihi youre so gorgs, right girls??" Impit ang boses na sabi nya. Ganon ba talaga ang boses nya?

The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now