CHAPTER 16

297 17 2
                                    

Party


"Anong balita? Pumayag ba?" Tanong ni Arra sa amin. Naalala ko ng nangyari kahapon dahil sa tanong nya. Nasa school kami ngayon.


"Oo. Okay na. Nakausap na namin si Tita Sheena" natatawang sabi ni Keith habang tinitignan ako.


Mukhang naalala nya rin ang nakakabasag eardrum na bangayan nila Ace at Sean kahapon. Hindi ako tumawa, bakit ako tatawa eh wala naman nakakatawa. Bwisit. Palibhasa sarap na sarap sya kahapon habang nakikita akong nahihirapan, tuwang tuwa sya sa panunuod sa bangayan nila ace habang nasa pagitan ako at pinag aagawan.


"Ang saya mo ata? May nangyari ba?"


"Eh kase kahapon, pinag-aawayan nila Sean at Ace itong si Bianca----- ayy teka mali ata? I mean pinag aagawan sya kahapon. Sayang lang at wala ka, nag enjoy ka din sana" masayang sabi nya.


"Tumahimik ka nga dyan. Isa ka pa eh" iritadong sabi ko. Kasama din sya sa bangayan kahapo, ewan ko ba, pinaparusahan ata ako. Bat ko pa kasi nakasama ang tatlong isip bata na mga to? Ang sakit sa ulo.


"Nakakatuwa kasi talaga bwahahahaha!!!"

"Weh? Baka tumatawa ka lang para hindi namin mahalata na nagseselos ka?" Napangisi ako sa pang aasar ni Arra. Hindi ko mapigilang makipag high five. Whoo! Buti may kakampi ako.



"Hoy hindi ah! Asa ka pa" tinawanan lang namin sya at hindi na nagsalita.


"So ingayy" pagpaparinig ni Stella.


Oo nga pala. Nakabalik na ang bruha galing hospital, hindi siguro nakayanan ng mga doctor kaya pinalayas na. Pero hula ko babalik ulit sa hospital yan, nag-iinit ang ulo ko eh. Kanina pa sya sabat ng sabat, kapag hindi ko natantsa to ibabalik ko ulit sa hospital.


"Kung ako sayo, Stella. Mananahimik nalang ako. Kung tutuusin, second life mo na yan. Huwag mong hintaying mairita ako sayo. Ire-remind lang kita, mahirap mang isipin pero tao ka. Hindi ka pusa kaya wala kanang third life" sabi ko at pinakitaan sya ng matamis na ngiti. Nagkunot ang noo nya sa inis.


"Excuse me?!" Asar na sigaw nya. Napairap ako sa hangin, ang hirap pumick-up neto.


"Daan kana" walang ganang sagot ko habang winawagayway ang kamay.


"Ugh!! I really hate you"  sabi nya, hindi nya nagawang lunapit sakin. Subukan nya, alam naman nyang hindi ako nagbibiro sa mga banta ko.


Kung hindi ngalang sya pinatulan ni Sky, baka ako ang magiging dahilan kung bakit mapupunta sya sa hospital. Pero hindi ko naman gagayahin ang ginawa ni Sky, masyadong marahas yon. Kahit ingudngod ko lang mukha nyan sa pader, magpapahospital na kaagad. Maarte eh.

"May naalala ako, nasaan ka nga pala kahapon?" Tanong ko kay Arra pagkaharap ko sa kanya.


Umiwas sya ng tingin sakin at humarap nalang sa librong hawak nya.


"Wala naman, may inasikaso lang akong... aso kahapon" napatawa ako sa sinabi nya. Kailan pa sya nagkaroon ng aso?


"Aso??!"


"Oo, niligpit ko lang. Kahol kasi ng kahol" sabay kaming natawa sa sinabi nya.


Clyde's POV

"Atsaka alam nyo ba? Kung makadikit sya kahapon kay bianca, para syang ano... parang... lamok! Oo! Para syang lamok! Buong oras syang nakatabi kay Bianca. Akala mo naman mawawala si Bianxx sa bahay namin. Bobo ba sya? Nandito kaya ako! Pwede ko syang hanapin kung mawawala man sya. Grabe, kung nandon lang kayo kahapon. Nakakabwisit sya! Kung makaasta sya akala mo bestfriend sya ni Bianca. Ako kaya totoong bestfriend ni bianca, sya fake lang!" Pagtatalak ni Sean. Kanina pa nya kinukwento samin ni Sky ang nangyari kahapon. Ang totoo, si Sky lang talaga kausap nya, hindi naman ako nakikinig. Busy kong tinitignan ang gwapo kong mukha na nadungisan ngayon.


The Badboy's Rule (ON-HOLD)Место, где живут истории. Откройте их для себя