CHAPTER 18

220 16 7
                                    

Annyeong guyseu🙌👋. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag- UD, sobrang busy lang po talaga sa school. Kinailangan naming ipractice yung theater namin everyday and pinagawan pa kami ng individual thesis😭. Sana po maintindihan nyo but thankful ako kase kahit matagal akong mag-UD, hindi parin kayo nagsasawang maghintay😊. Sana magustuhan nyo, annyeong👋!

***********\\\\\\\\\\\\************

The Kiss



"Let's go"

Napatingin ako kay Sky ng magsalita sya. Kinuha nya ang bag nya at tumayo. Kunot noo ko syang sinundan ng tingin.


"Saan?"


Yumuko sya at bumulong sakin. "Basta" kinuha nya rin ang bag ko at hinila ako palabas ng classroom. Natanaw ko pa sina Arra na nakatingin sakin at parang gustong magtanong. Hindi na ako nakapagpaalam ng makalabas na kami ng room.


Mabibilis ang hakbang nya habang hila-hila ako. Hindi ko napigilang umangal ng makita kung saan kami papunta.


"Woah teka lang.. Saan ba talaga tayo pupunta? Bat nasa parking area tayo? Huwag mong sabihing magka-cutting tayo" sunud-sunod na tanong ko habang hinihila nya ako papalapit sa kotse nya.



"Yeah" maikling sagot nya. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para makawala sa kanya.


"Baliw ka ba? Ayoko! Hindi ako sasama, ikaw nalang mag isa mag-cutting. Gago to" inirapan ko sya bago tuluyang tumalikod at tinahak ulit ang daan patungo sa next class namin.


Hindi pa ako nakakalayo ng hinila nya ulit ako palapit sa kotse.


"Sky.. ano ba?! Hindi nga ako sasama. Papasok ako!" Pilit kong inaalis ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sakin.


"Vacant"


"Ano??" Tanong ko.


"Walang prof" Umirap sya sakin bago tumalikod at binuksan ang front seat ng sasakyan. May kinuha syang kung ano sa loob at isinara ulit iyon.


"Hold this" utos nya at ibinigay sakin iyon. Nagningning ang mata ko ng makitang gitara ang ipinahawak nya sakin.


"Sakin nato?" Nakangiting tanong ko habang tinitignan ang disenyo ng gitara.


"Tsk" kinuha nya ulit sakin yon at inilagay sa likod ng sasakyan. Binuksan nya ulit at front door. Nag aalanganan ako kung papasok o hindi. Pero sa huli, napagpasyahan ko naring sumama. Ang sabi nya wala kaming prof diba?




Pagkatapos nyang sinara ang pinto, umikot na sya papuntang driver seat at binuhay ang kotse.


"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang dinadaanan namin.


"It's a secret" nakangiting sabi nya. Napairap nalang ako, wala na akong choice kung hindi ang maghintay. Hindi naman siguro nya ako ipapahamak, hindi ba? May kabaitan naman itong taglay kahit papaano. Masungit sya pero.. mabait parin naman.


Napatingin ako sa kanya ng tumawa sya. Tumingin ako sa labas para tignan kung may makakatawa ba. Nasa labas na kami ng school at wala akong nakikitang nakakatawang bagay, kaunti lang ang mga taong nakalabas.


"Shut up" sabi nya habang natatawa parin


"Sinong kausap mo?" Kuryosong tanong ko sa kanya pero umiling lang sya habang nakangisi.


The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now