CHAPTER 4

456 34 4
                                    

*Don't Touch Me*



Clyde POVs


"Pssssst!"


Tawag ko sa isa sa kaibigan ni Bianca. Nandito ako ngayon sa likod ng isa sa mga building dito sa Carlson University. Para syang mini garden kasi may mga bulaklak----



[N/A: tanga mo Clyde, natural garden yan. May nakita ka na bang garden na walang puno at bulaklak? -__-]



Nakoo, Ms. Author ah. Nagpapa pansin kana naman sa gwapong si Ako. Baka naman nagseselos ka *smirk*?


[N/A: nagseselos? Tss, antayin mo yung scene mo mamaya, tignan kolang kung makapag mayabang kapa. *evil grin*. Bwahahaha]


Okayy, wala akong narinig. Back to the present tayo---teka san na nga ba ako??


"Ano na naman bang problema mong bwisit ka? Tsaka bakit moba ako sinundan dito?"   Matabang na sabi ni Zafarra.


Isa pa to, bat ba ang taray nilang dalawa ni Bianca? Pasalamat talaga sya at maganda sya. Hindi ko sinasayang ang oras ko sa hindi karapat dapat.

"Ayaw moba yon, baby? Kasama mo ang ubod ng gwapong si ako"  


natawa ako ng makita ko syang ngumiwi. Dude, if you can only see her face, pffft priceless.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. At pwede ba? Huwag mo akong tawaging baby kapag ako hindi nakapag pigil, baby-gtiin kita rito ng patiwarik"   tumawa lang ako sa sinabi nya

"Ayaw mo ng baby?? Sige, ibahin nalang natin ang lovesign natin. Gusto mo ng Babe? Honey? Sweety? Love? Honeypie? Sweetheart? Babylove? Ano? Labidabs?"    Natawa ako sa huli kong sinabi. Nakss, ganda nun ah?


"Gago, pwede ba tigilan moko? Wala akong panahon makipag lokohan sayo"  


kaagad syang tumayo pagkasabi nya non. Nakaupo sya kanina sa ilalim ng puno habang nakasandal ako sa wall nitong building.

"T-teka lang. Aalis kana? Kadarating ko palang ah"   pinalungkot kopa ang boses ko para mas kapani paniwala pero inirapan nya lang ako at naglakad paalis.

Bago pa sya tuluyang makaalis ay nahawakan kona sya sa kamay. Napangisi ako ng nakitang nagulat sya sa ginawa ko. Hinapit ko sya palapit sakin, akmang isasandal kona sya sa wall ng building ng sinipa nya ang pinaka- importanteng bahagi ng katawan ko.


"Araayyyy, sh*tt!"   Napasigaw ako sa ginawa nya at namilipit sa sakit. Sh*t! Ang sakit non!.


"Buti nga sayo"     nakangising sabi nya bago nya ako iniwang namimilipit sa sobrang sakit.


P*tcha, kapag ako nabaog hindi ko patatahimikin ang babaeng yon! Sa lahat ng pwedeng sipain ba't yung 'kaibigan' kopa?. Ang tagal kong iningat- ingatan to tas bibinyagan nya lang basta?? Aisssst!. Umupo nalang muna ako at hinayaang humupa yung sakit. Ilang minuto rin akong nanatili roon bago tuluyang pumunta sa classroom namin. Humanda sakin ang babaeng yon pag nakita ko sya -_-# .


Hindi pa man ako masyadong nakakalapit sa room namin ng makarinig ako ng sigawan.

"Ano yon? May sabong?"

Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang makarating na sa room namin. Nanlaki kaagad ang mata ko ng makita kung ano ang nangyayari. Sh*t, may sabong nga.


Nakatayo si Sky sa harapan at halatang galit na galit habang ang isang kamay nya ay mahigpit na hinahawakan ang leeg ni Stella.


"I already told you to not f*cking touch me!!"

The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now