CHAPTER 14

269 21 4
                                    

Call me Kean

"Matulog ka na"  mahinang sabi ko sa kanya. Nginitian nya ako at pumikit. Inilagay nyarin ang kamay namin sa may bandang dibdib nya at niyakap gamit ang isa pa nyang kamay.

Hindi ko na naisip na tanggalin yon, sa halip ay sinuklay suklay ko pa ang buhok nya gamit ang malaya kong kamay para makatulog sya. Naramdaman ko ang malalim nyang paghinga pagkadampi ng kamay ko sa buhok nya.


"Kung alam ko lang na makakasama kita ng ganito katagal at kalapit sana ay dati palang nagpaulan na ako para nagkasakit ako"



"Baliw ka na talaga. Sa lahat ng tao, ikaw lang ang kilala kong wini-welcome ang sakit. Ang hirap kaya pag hindi maganda ang pakiramdam mo"


"Ano naman ngayon? Nandyan ka naman para alagaan ako" napatingin ako ng dahil sa sinabi nya.


"Hindi naman sa lahat ng oras nandito ako para alagaan ka" sabi ko sa kanya as a matter of fact. Hindi sya umangal sa sinabi ko. Wala rin syang sinabi.





"Sky?"


"Hmm?"



"Bitawan mo na yung kamay ko" hindi sya kumibo, inayos nya lang ang pagkakahiga nya. Ang init...



Ang init na nang kamay ko! Ano bang akala nya? Na malamig sya? Pati kamay ko dinamay nya sa pagiging hot nya.

"Akeasha"  napatingin ako kay Sky ng nagsalita sya. Mahina lang iyon pero sapat na para marinig ko.




Naikunot ko ang noo ko habang nakatingin sa kanya, nagtama kaagad ang paningin namin ng magmulat sya ng mata. Yun ba ang pangalan ng ex nya? Matagal din nya akong tinignan, para bang minememorya nya ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang naiisip nya, halo halong emosyon ang nakikita ko sa mukha nya.


"Bianca.."

"B-bakit?"


"Can you call me Kean?" mas kumunot ang noo ko sa hiling nya.


"Kean?" Tanong ko, nginitian lang nya ako at pumikit ulit.


"Say it again"


"Bakit gusto mong tawagin kitang ganon? Sky din naman ang tawag sayo ng iba diba?" Nalilitong tanong ko sa kanya.


"Exactly" sagot nya na mas nagpalito sakin.


"What?" Bumuntong hininga sya at nagmulat ng mata.


"Basta. I just want you to call me with that name. Pwede naman siguro iyon diba? It's not a big deal"


"Uhh? Yes? O-of course"  hindi siguradong sagot ko.

"Good. Say it again"

"Kean.." nagbuga sya ng hangin bago ngumiti.


"It feels good" sabi nya at pumikit na, hindi parin nawawala ang ngiti sa labi nya.


Hindi ko na napansin na napangiti narin ako habang nakatingin sa kanya, ilang minuto rin siguro akong natulala. Payapa na ang paghinga nya, mukhang nakatulog na sya dahil lumuwang na ang pagkakahawak nya sa kamay ko.


Tumayo na ako at kinuha ang pagkakataon na makaalis habang natutulog sya. Ipinatong ko ng maayos ang kumot nya hanggang balikat, nagulo kasi iyon kanina. Naglakad na ako palabas ng pinto, doon ko naalala ang naiwan ko sa baba.


The Badboy's Rule (ON-HOLD)Kde žijí příběhy. Začni objevovat