CHAPTER 8

374 28 0
                                    

*Stuck Part 3*

"Done checking me out?"    Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi nya.



Sh*t! Nakakahiyyaaaa!!



"Ndi ah! Ibaba mo nga ako!"  Iniiwas ko ang tingin ko habang sinasabi yon.




Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya sa sobrang kahihiyan. Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko yon?!




"You are blushing"  mapang asar na sabi nya sakin.




"No, Im not"  tanggi ko kahit alam ko naman na totoo yon. Putcha! Feeling ko mas namumula pa ako ngayon.



"Im not asking you. It's a statement"



"Hindi nga sabi ako namumula! Bakit ba ang kulit mo?! Tsaka ibaba mo na nga ako"   frustrated na utos ko.



"I don't want to. I know you're enjoying this" sagot nya at humalakhak.



Bwisit, kailangan kong gumawa ng paraan para maibaba nya ako!



"Lakas din ng confidence mo eh no? Baka naman ayaw mo pa akong ibaba dahil ikaw itong nasisiyahan? Sus, sabihin mo lang. Pagbibigyan naman kita"  panggagatong ko sa sinabi nya. Napaawang naman ang bibig nya sa sinabi ko. Ha! Gotcha!



"Of course not!!"  Inis na sabi nya na halos pasigaw na.



"Sigurado kaba?"  Sabi ko habang nakatitig sa taenga nyang namumula. Napangisi ako ng dahil don. Mas hinigpitaan ko ang pagkakayakap ko sa leeg nya na ikinanlaki ng mata nya, lalo na nang inilapit ko pa ng husto ang mukha ko sa kanya.




"W-what the f*ck are you d-doing?!"




"Ano sa tingin mo?"   Nakangising sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Nakakatawa ang ekspresyon nya! Hahaha.




"Lumayo ka nga!"  Inis na sabi nya, nararamdaman ko ang panginginig nya. Hindi rin mapakali ang mga mata nya na tumitingin kung saan-saan.




Hindi ko na napigilan na bumulagta sa tawa ng makita ko ang kabuuan ng mukha nya. Para syang kamatis sa sobrang pula ng mukha nya, kahit ang leeg nya ay namumula rin.




"Bwahahahaha!!!"    Malakas na tawa ko. Hindi nya ako napigilan ng bumaba ako mula sa pagkakabuhat nya.





Tumingin ako sa kanya pagkatayo ko. halos maiyak ako sa sobrang pagtawa ng makitang tila naguguluhan sya, para syang batang walang kamuwang muwang sa mundo.




"Ang pula mo!"  Sabi ko sa pagitan ng pagtawa. Nakaturo ang isang kamay ko sa kanya, habang ang isa ay nakahawak sa tiyan ko na sumasakit sa sobrang pagtawa ko. Pfft, kung makikita nyo lang ang mukha nya, parang hindi sya yung Sky na kilala ko.




"S-stop it!"  Pilit nyang hinahawi ang kamay kong nakaturo sa kanya. Galit na sya habang pinipigil ako, pero hindi ko magawang tumigil sa pagtawa dahil sa mas lalong pamumula ng pisngi nya.



"Damn it. I said stop it!"   Naglakad sya palapit sa akin pero ipinagsawalang bahala ko yon.





Tumatawa ako habang umaatras palayo sa kanya habang sya ay humahakbang palapit sakin. Napatigil ako ng maramdaman ko ang pader sa likod ko.




Ipinuwesto nya ang dalawang kamay nya sa magkabilang gilid ko para hindi ako makawala. Dapat ay kinakabahan na ako dahil masyado syang malapit pero ni katiting na kaba, wala akong maramdaman. Natatawa parin ako tuwing sumasagi sa isip ko ang itsura nya, inilagay ko ang dalawang kamay ko sa harap ng dibdib nya para hindi sya mas makalapit sakin.




The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now