CHAPTER 20

183 11 2
                                    

Quarrel

"Baka gusto mong magkwento?" Pibalibutan ako nina Keith at Arra.

Nasa classroom kami ngayon. Kasalukuyan kong sinasagutan ang assignment namin sa Mathematics.


"Ano namang ikukwento ko?" Tanong ko pabalik ng hindi sila nililingon.

"Wow. Maang maangan lang ang peg?" Taas kilay na tanong ni Arra. Umiling ako habang nakangisi.

"Magkwento kana kasi! Ano? May namamagitan ba sa inyo ni Sky? Pansin kasi namin lagi kayong magkasama. At isa pa, saan kayo galing nung Monday? Bigla bigla nalang kayong umaalis ng hindi nagpapaalam" niyugyog ako ni Keith. Wala na akong ibang choice kung hindi ang harapin sila. Panigurado naman kasing hindi ako titigilan ng mga ito.



"Ganito kasi iyon..." sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari. Mula sa kauna unahang naging malapit kami ni Kean. Wala akong nilagpasan kahit katiting. Hininaan ko nalang ang boses ko para hindi ako marinig ng iba naming kaklase. At para narin hindi kami makagawa ng eksena but knowing Keith, wala sa bokabularyo nya ang salitang 'tahimik'.


Ilang beses ko syang nakurot at nabatukan dahil sa walang humpay na pagsigaw nya at pagtili.

"Oh my god. OH MY GHADD! Kinikilig ako!" Sinabunutan ko sya ng tumili sya ulit.

"Tumahimik ka nga! Nakakahiya ka!"


"Bakit ba?! Eh sa kinikilig ako" natatawang sabi nya.

"Grabe. Ang lakas talaga ng charisma mo. Isipin mo iyon? Kahit na demonyita ka, nabighani parin sya sayo---- aray naman!" Napailing nalang ako. Sinabununtan mo na't lahat lahat, ang ingay parin. Aish.

"Deym. So ibig sabihin sya ang first kiss mo?" Uminit ang pisngi ko sa sinabi nya. Wala naman talaga akong balak sabihin sa kanila ang tungkol roon, nadulas lang ako.

"At hindi lang iyon isang beses ah. OMG bianxx. Kailangan maging kayo. Now na!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Tumayo agad si Arra at umakmang aalis.

"Arra! Sh*t. Baliw ka ba?"

"What? Dapat lang na maging kayo. Ano yan? Landian lang? Halos ginagawa nyo na lahat ng ginagawa ng mag- on. Label nalang kulang"

"Kaya nga. Hindi ba sya nanliligaw sayo Bianxx. Wala ba syang sinasabi?" Umiling ako bilang sagot.

"We need to do something" hawak nya ang baba nya habang nag iisip.

"Yes. Kailangan natin syang mapaamin" sang ayon ni Keith. Napairap ako sa kanila.


"Tumigil nga kayo. Magkaibigan lang kami. Baka ganun lang talaga sya nakikitungo sa mga babae" hindi siguradong sagot ko. Tinignan nila ako with poker face.

"Seryoso ka? Nakita mo naman siguro ang nangyari kay Stella diba? At isa pa. Hindi ka hahalikan ng isang tao kung kaibigan lang ang habol nya sayo. Hindi mo naman masasabing hindi iyon sinasadya. Hindi lang isang beses iyon" I know. Hindi naman ako tanga para hindi marealize iyon. Ayoko lang talagang umasa, ayokong masaktan. Kahit na naguguluhan ako, alam kong nakapasok narin sya sa puso ko.


"Ah basta! Kaming bahala. Just sit and relax. Kami na ang bahalang magplano kung paano sya mapapaamin" Arra. Nakaramdam ako ng kaba ng ngumisi sya sakin ng nakakaloko.


"Anong pinaplano nyo?"

"It's a secret" sabay kindat nya sakin.

"Wait. Bago pala ang lahat.. May gusto ka ba sa kanya?" Nagtitigan kami ni Arra.


The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now