CHAPTER 10

349 24 4
                                    

*Be Friends*


Umiling lang sya bilang sagot. Nanatiling nakapahinga ang ulo nya sa armrest ng upuan.



Nang matapos kong punasan ang buhok ko ay ibinigay ko ulit sa kanya ang tuwalya.



"Oh, magpunas ka rin. Bakit ba kase hindi mo ginamit yung payong? Basang basa ka tuloy" kinuha naman nya ang tuwalya pero ipinatong nya lang iyon sa balikat nya at humiga ulit sa armrest.


Aishh, hirap din namang kausap neto.



"Uyy Sky, magpunas kana para makaalis na tayo"




"Later"



"Anong later? Ngayon na! Kailangan ko nang umuwi, baka nag-aalala na sakin sina Mama hindi ako umuuwi ng ganitong kagabi" napapitlag ako ng padabog syang tumayo.




"Tsk, let's go" sabi nya at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto. Sinundan ko lang sya ng tingin. Problema ng mokong nato?



"Magpunas ka nga muna! Baka ikaw naman ang magkasakit nyan"


"Later" napabuga ako ng malakas sa sinabi nya. Arghhh!



Nagmartsa ako palapit sa kanya at hinigit ulit sya papasok ng room.



"What?" Naiiritang tanong nya habang kinakaladkad ko sya papasok.



Napairap nalang ako. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya, kaagad kong nakita ang mukha nyang nakabusangot. Inirapan ko sya bago ko kinuha ang tuwalyang nakasampay sa balikat nya at sinimulang punasan ang mukha nya. Kitang kita ko ang pag-awang ng bibig nya sa ginawa ko.



"Sino ang mama mo? Hindi ka nya pinalaki ng maayos!" Panggagaya ko sa linya ng napanood kong Kdrama (DOTS po ang tinutukoy ko. Sensya na, may drama fever pa si author😂😂🙏).


Nanatili lang syang tahimik. Sinunod kong punasan ang buhok nya ng matapos akong punasan ang mukha nya. Nag-eenjoy pa ako habang pinupunasan ang buhok nya. Grabe, ang lambot. Ano kayang shampoo ang gamit nya?? Cream Silk?... charot, huwag nyo akong niloloko, conditioner yon diba? Ayy ewan.



"May spare clothes kaba?" Tanong ko habang nakatingin sa buhok nya na pinupunasan ko.



Napatingin lang ako sa mukha nya ng hindi nya ako sinagot. Doon ko lang nalaman na busy sya sa pagkakatulala, nakatingin lang sya sakin gamit ang malalamlam nyang mga mata. More on... nakatitig.




"Sky" medyo pasigaw na tawag ko kaya napapitlag sya.


"W-what?"


"Tinatanong ko kung may spare clothes ka" sabi ko at nagpatuloy sa pagpupunas ng buhok nya.



"M-meron sa bag" naikunot ko ang noo ko ng nautal sya.



Tinignan ko sya ulit sa mukha para alamin kung bakit. Ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng napansing nakatuon ang mata nya sa labi ko. S-sh*t. Heart, stop beating so fast!



"O-okay, kunin mo na. P-palitan mo yung damit mo para hindi ka lamigin" napamura nalang ako sa isip ko ng nautal ako. Shete, bakit ba ako kinakabahan?!




"Sky" mariing tawag ko ng hindi sya gumalaw. Nanatili lang syang nakatingin sa labi ko.


Mas dumoble ang kabang nararamdama ko ng dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sakin. Sh*t, a-anong balak nya? Huwag nyang sabihing binabalak nyang halikan ako?! Goddd! No please! Kailangan kong gumawa ng paraan.



The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now