Chapter 44: Malling

121 11 0
                                    

Niana's POV

        Pagkatapos nung malling kahapon, which is libre ni TJ, wala namang napag-usapan ang barkada na may lakad ngayon.

Kaya eto ako, nasa labas at hinihintay sila Mama. Pupunta daw kasi kaming palngke ngayon para mamili ng mga gulay at prutas. Wala na kasi kaming stock non, inuubos lagi ni Ate. Psh!

8:00 na. Si Kuya ang nagprisinta na mag-drive. Yung kotse na binili ni Papa nung last na umuwi siya ang gagamitin namin.

If hindi niyo alam, I have a elder brother which is si Kuya Ford. Nung umalis si Papa and nag-migrate sa States, si Kuya na ang tumayong Kuya at Tatay naming magkapatid. Siya yung gumagawa nang lahat ng ginagawa ni Papa nung nandito pa si Papa, nung dito pa siya naka-stay. He's a protective and supportive brother naman. Sinusuportahan niya kaming magkapatid pero syempre, in good traits lang.

Maya-maya pa, lumabas na si Ate at Mama na may dalang Gucci na bag.

Teka, san nila nakuha yon?! Mahal yun ah?! At take note, parehas pa silang may dala. Naka-jumper si Ate habang naka-pants and t-shirt naman si Mama.

Ano to?! Pupunta lang ng palengke kailangan nakagayak pa?! What da!

"Ma, bakit nakaganyan kayo ni Ate?! Saan ba tayo pupunta, sa mall?! Tsaka saan niyo nakuha yung Gucci na bag na yan?! Parehas pa kayong meron."

Napangiti si Ate at saka lumapit sa akin at ako'y inakbayan.

Ate: "Bunsoy, padala ito ni Papa from States. Nagpadala na kasi kahapon ng package. Wala ka kasi kaya hindi mo alam."

Kuya: "Oo nga. Alis ka kasi ng alis. Mas priority mo na kasi ang boyfriend boyfriend na yan."

Nung narinig ko yung sinabing yun ni Kuya, agad akong napalingon sa kanya.

"Kuya! Wala pa naman akong boyfriend ah?! Barkada ko ang kasama ko kahapon."

Kuya: "May nanliligaw na sayo diba? At isa yon sa mga itinuturing mong barkada."

"Friends lang naman ang turing ko sa kanya. Wala pa sa state ng pagkagusto, o di kaya pagka-crush."

Kuya: "Siguraduhin mo lang. Baka mamaya kayo na nung kabarkada mo na yan ha? Isusumbong talaga kita kay Papa."

Magsasalita pa sana ako nung lumapit sa amin si Mama.

Mama: "Ford anak, okay lang naman sa Papa mo kahit magkaroon ng kalaguyo itong kapatid mo. Mukha namang mapagkakatiwalaan yung manliligaw niya kaya wag ka nang mag-alala."

Bigla namang sumingit si Ate.

Ate: "Hoy, puro kadramahan na yan! Tara na nga! Mamamalengke lang may ganyan pang scene. Ikaw Niana, wag kang mag-alala, may imported chocolates namang ipinadala sayo si Papa. Mamaya mo nalang kainin."

Tsaka pumasok na si Ate sa kotse. Sumunod na din ako. Si Mama ang nakaupo sa passenger seat.

Bago pa pumasok si Kuya, tinignan ko muna ang oras sa phone ko. It's 8:50 na. Malapit na palang magsara yung palengke.

Minsan kasi, mga 9:00, nagsasara na yung palengke. Parang feeling ko, pagdating namin don, sarado na. Huhu. I want fruitssss!!

Pagdating namin doon, saktong magsasarado na yung tindahan nun. Agad-agad bumaba si Mama at saka dumiretso na dun. Sinamahan muna namin ni Ate si Kuya na maiparada yung kotse niya sa parking lot nitong palengke.

Pagkaparada namin, bigla din namang dumating si Mama. Ano ba yan! Hindi man lang nakababa ng kotse.

Ate: "Ma, ang bilis naman!" pagrereklamo niya nung makaupo na si Mama sa passenger seat.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon