Chapter 14

161 9 0
                                    

TJ's POV

       Kakauwi ko lang galing school. Sobrang nakakabwisit umuwi ng bahay kaya mga 6:00 na ako nakauwi. Pagkapasok ko sa bahay, bumungad sa akin ang nakacross arms ang mga kamay na si Derisha.

Nagdire-diretso lang ako hanggang sa magsalita na siya nung nasa hagdan na ako, "Hoy! Bat ngayon ka lang nakauwi?! Nakipag-date ka na naman ba?! Nako! Isusumbong talaga kita kay Tita! Sobrang flirt mo!!! Hindi ka na nagtino!" mahabang pagsasalita niya.

Ano ba namang klaseng babae ito? Napaka-amazona. Ang laki laki pa ng bibig kaya ansakit-sakit sa tenga. Psh!

"Ano ba! Una sa lahat, hindi ako nakipag-date! Ayoko lang umuwi dahil ikaw na naman ang bubungad sa akin!" sabi ko sa kanya. Sa halip na umakyat ako, dumiretso nalang ako sa sofa at saka nahiga. Pinaandar ko din ang T.V. at nilakasan ang volume.

"Wow! So iyon pala yung pinuputok ng butche mo! Bakit kasi hindi mo nalang sinabi kay Tita na ayaw mo ako sa bahay niyo nang--"

Pinigil ko na ang pagsasalita niya. Umupo ulit ako at saka tumingin sa kanya, "Kase ayaw kong magalit siya sa akin! Sa tingin mo sasabihin niya kay Tita Dahlia na ayaw ka niya dito sa bahay?! Diba hindi?! Ako pa nga ang pagbubuntungan niya ng galit kung sakaling sabihin ko yon eh!" sabi ko naman sa kanya.

Umupo siya sa isang single sofa na malapit sa akin at saka mahinahong nagsalita, "Sandali nga, liwanagin nga natin. Bakit ba kasi ayaw mo ako dito sa bahay niyo? Bakit ayaw mo akong makasama?!" sabi niya sa akin.

In-off ko ang T.V., "Gusto mo talagang malaman?" tumango lang siya at saka ko pinagpatuloy ang sinasabi ko. "Kase diba may past tayo? Ayaw kong madikit sayo kasi magagalit yung future girlfriend ko kung magiging close tayo. Yun lang! Ganun ka simple."

"Kaya ayaw mo akong makasama sa iisang bahay ay dahil sa sinasabi mong future girlfriend mo?! Oh come on TJ! Kelan ba dadating yang future girlfriend na yan?! Anong oras? Saang parte ng mundo? Sa papanong paraan? Bakit pa siya dadating? Ano?! Bakit kasi hindi nalang ako?! Hinhintay mo pa ba si Ms. Right?! Naniniwala ka pa ba dun? Ano ba yan TJ! Matanda kana! Be mature!"

"Wala kang pakialam kung wala pa akong girlfriend, hindi naman ikaw yung magsisisi. Tsaka ano naman kung naniniwala ako sa Ms. Right, Ms. Right na yan. Bakit? Bakla na ba ako? Sige lang. Sabihan mo na akong bakla. Pero wag kang mangingialam sa buhay ko. Past na kita, ibig sabihin limot na. Kaya wag kang mag-assume na magugustuhan pa kita."

Pagkatapos kong ipamukha sa kanya yun, umakyat na ako sa taas. Alam kong sa baba yung kwarto, marami naman kaming guest room, dun nalang muna ako.

Dumiretso ako sa may dulong room. Pagkapasok ko dun, biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag ang asungot. Tsk!

I answered it, "Bakit?"

"Kakadating mo lang, beastmode agad?! HAHAHAHA tara dine kila Cayle! Ansaya-saya WOHOOOO!" sabi ni Pollo. I'm sure they drinking right now. Tss.

"Hindi ako pwede. May gagawin pa ako."

"Pero T-----"

And then I ended the call. Wala akong time sa inuman na yan, mas priority ko ang pagiging top natcher at pagiging mabait sa paningin ni Hailey, kahit masama na agad ang first impression niya sa akin. Tss.

After the call, I charged my phone. I opened my notes and I start reading. I'm sure Derisha will call me any minute by now to eat dinner. Mom is not here because she's on her work and Kuya is always with his trops. Kapag hindi ako tinawag ni Derisha, it's either galit siya or nahihiya siyang tawagin ako dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin kanina.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon