Chapter 17

151 9 0
                                    

Nelo's POV

         Pagkaalis ni Niana, mga 20 minutes pa akong nag-stay. Umalis na din ako kasi baka mamaya mapagsaraduhan pa ako ng guard, hindi na ako makakalabas. Ang taas kasi ng mga pader dito sa school na to. Kaya minsan nga, halos hindi na kami makahinga dahil sa sobrang kulob.

Paglabas ko, pumara lang ako ng traysikel at saka sumakay na. Nagpadiretso lang ako sa amin.

Pagdating, nagbayad lang ako at saka dumiretso na sa loob. Alam kong wala na naman dito si Mama kasi lagi naman siyang late umuwi. Teacher kasi siya sa isa sa mga elementary school dito sa lugar namin. Kaya masyado siyang busy.

Sigurado din ako na wala din si Papa dito. Nagtatrabaho siya sa isa sa factory ng mga chocolate. Gabi na siya kung umuwi, tapos madaling-araw pa din kung lumakad. Pero kapag umaga naman, laging may chocolate sa ref. Kaya pagkatapos kong kumain, iyon yung kinakain ko.

Si Kuya naman, kung hindi nag-extend yung oras nung klase nila, tsak na nakipag-date yun. Kaya nga hindi na kami sabay na pumapasok ni Kuya sa school kasi minsan, 6:00 na siya kung dumating. Nung first day of school ko kasi nung high school, sabay pa kami ni Kuya, pati man yung pinsan kong nag-aaral sa St. Marcus. Ngayon hindi na. Namamasaheros nalang ako.

Pagkatapos kong magbihis, dumiretso muna ako sa ref at saka kumuha ng chocolate. Hindi ko muna ito kinain, dumiretso muna ako sa kwarto ko at saka doon nagsimulang kumain. Kinuha ko din ang cellphone ko at saka nag-online.

Nanood lang ako ng mga video sa YouTube habang kumakain ako ng chocolate. Nung ma-bored ako sa panonood, nag-offline na din ako. Naligo lang ako, nag-toothbrush at saka diretso nang humiga sa kama ko.
Habang nakahiga ako, naalala ko yung scene namin kanina ni Niana. Mahilig talaga akong mamilosopo, lalo na kung close ko. Parang hindi matatapos ang araw kapag hindi ako nakakapangpilosopo.

Yung tinatanong naman ni Niana na kung ano yung ginagawa ko dun, wala lang, nakatambay lang. Medyo nag-alala kasi ako kay Jasmine kanina kasi hindi siya namamansin. Hindi naman siya ganon sa akin. Tinuturing ko na siyang bestfriend kasi lagi kaming magkausap, magkachat. Pero ngayon,  wala akong narinig mula sa kanya. Pagkatapos niya akong kausapin nung break time, wala nang kasunod iyon.  Masyado siyang tahimik sa ngayon.

Flashback:

Nung break time, kaming dalawa lang ni Jasmine ang natira dito sa room. Iniwanan kasi siya nina Poker after niyang umiling nung tinanong siya ni Jolly na, "Jasmine, mag-r-recess kaba?" Umiling lang siya at saka dumukdok na ulit. Nagtaka naman sila Poker pero lumabas pa rin sila.

Nung bored na bored na ako, lumipat ako sa upuan ni Manny, sa tabi ni Jasmine. Inuga-uga ko siya pero wala siyang respond.

"Huy Jasmine! Bat ayaw mong mag-recess?! Baka magutom ka nyan!" tanong ko sa kanya.

Hindi pa din niya itinataas ang ulo niya pero sumagot siya, "Hayaan mo."

"Tara! Recess tayo?!" tanong ko ulit kay Jasmine.

"Ayoko. Ikaw nalang. Matutulog lang ako."

Hindi ko na siya ginulo. Hinawakan ko na lang ang leeg niya pero hindi naman mainit. Bakit kaya wala sa mood ito? Ano kayang ginawa ni Glenn kay Jasmine?

Bumalik na lang ako sa upuan ko at saka dumukdok nalang din. Hihintayin ko na lang na may manggulo sa akin.

End of Flashback

Cayle's POV

      I'm at the bar with Jhared. Siya lang kasi yung free ngayon. Masyadong tutok sa studies si TJ, samantalang yung dalawa naman ay kelangan daw agad makauwi. Tss.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon