Chapter 13

161 10 1
                                    

Hailey's POV

        "Class, dismiss. You may now take your break" sabi ni Maam Oldi. Inagaw niya yung time ni Sir Theo, mang-aagaw kasee! HAHAHAHAH charot.

"Stiphanie, mag-r-recess ka?" tanong ko kay Stiphanie habang iniaayos ang mga gamit ko. Hindi kasi ako sumasabay kila Heaven kapag recess, kumakain kasi sila ng tanghalian kapag break time. Pag kasi magkasama kami ni Stiphanie, at kasama pa si Manny, hindi kami kumakain sa break. Thus, nag-b-burger kami at soda sa tanghali.

"Hindi, parang busog ako eh. Bili nalang tayo ng burger mamaya" sabi niya at saka inilabas ang cellphone at nagbasa ng wattpad. Simula nung magpasa siya ng app na wattpad, puro iyan na inaatupag niya. Minsan nga hindi na nakakapagreview eh.

Walang natira sa room kundi si Nelo, nakadukdok siya sa desk. Si Nelo ay parang shy type guy. Nahihiya siya sa akin dahil may gusto siya sa akin dati. Umamin siya. Pero ako naman yung nag-a-adjust. Kinakausap ko naman siya minsan lalo pa at magkagrupo kami.

Bago pa ako maging estatwa dito dahil sa walang makausap, tumayo na ako. Naramdaman siguro ni Stiphanie ang paggalaw ng mga upuan. Wala kasing masyadong space dito, at dahil yan sa mga cleaners bawat araw. Tsk!

Tumingin siya sa akin, "Oh? San ka pupunta?" tanong niya.

"Lalabas lang. Ka-OP dito eh, walang makausap. May sarili kang mundo," sabi ko sa kanya. Humarap ako kay Nelo at itinuro siya "pati siya." sambit ko ulit.

"Sige." tsaka bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng wattpad. Hindi naman gumalaw si Nelo sa kinalalagyan niya, siguro nakatulog na.

Paglabas ko sa room, wala ding tao sa hallway. Ang room namin kasi ay nasa 3rd floor, dun sa mga famous na estudyante naman dito ay nasa second floor. Katabi namin ng room sila Ate Shailla, ang ate ni Heaven.

Hindi na ako bumaba ng hagdan. Umupo lang ako sa may gilid at saka nag-abang ng aakyat. Paakyat ngayon ang barkada ni Jasmine, sina Poker at Jolly. Madami sila dati, nagkawatak watak lang. Malay ko kung ano yung dahilan.

Nung makita nila ako, nagsalita si Poker, "Oh? Ano ginagawa mo dyan? Hahaha." tanong ni Poker. Napilitan din akong ngumiti sa kaniya.

"Wala lang, trip lang." tsaka sila tumawa. Umalis na rin sila at pumasok sa room. Sunod naman na umakyat ay ang grupo ni Railey.

Si Railey ang unang nakakita sa akin, lumapit siya kay Harold at saka bumulong. After niyang bumulong, tumingin si Harold sa gawi ko at napangiti siya. Lumapit siya sa akin dala ang bench & bath na bimpo niya.

"Lonely!!" sabay hampas sa ulo ko nung bench niya. Mahina lang naman kaya hindi gaanong masakit. Ade kung malakas yon, ade pinatulan ko na siya.

At tsaka sila tatawa-tawang umalis. Nagpahuli si Railey na umalis at nung nakalayo-layo na ang barkada niya, lumapit siya sa akin at inabot sa akin ang coke niya.

"Oh. Sayo nalang." sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam na sa kabila ng mahangin at mayabang na si Railey Hanz Mendoza, may busilak din pala itong puso. Inabot ko ang coke, "Thank you." sabi ko. Nginitian niya lang ako at saka umalis na. He's really weird. Really, really, really weird. Tsk!

Ininom ko ang coke na ibinigay sa akin ni Railey. Itinapon ko ito sa may basurahan at saka tumayo na. Ang tagal namang umakyat nila Elena! Ano?! Nabulunan na ba sila?! Psh!

Pumasok na ako sa room. Pag-upo ko, pinagmasdan ko ang room. Sila Jasmine, nasa isang sulok. Kumakain sila Jolly at Poker habang naka-earphones naman si Jasmine. Kila Railey naman, as usual, ang lalakas pa din ng mga boses nila na parang kahit nasa malayo sila rinig na rinig mo pa rin. Si Nelo naman, nakadukdok pa din. Iba na nga lang ang posisyon ngayon. At si Stiphanie, nagcecellphone pa din hanggang ngayon. Masyado na siyang tinamaan ng pagiging wattpader.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon