Chapter 3

426 15 0
                                    

TJ's POV

       Ang tapang nung babae na yon ah. I like him! Not to be my girlfriend, but to be my enemy.

Pagkatapos magyaya ni CJ na umalis sa cafeteria, tumambay kami sa isa sa mga bench ng school. Class hours na ngayon, pero wala akong balak umattend. I'm a topnatcher student and kelangan kong ma-maintain yon. Kaso nga lang, nakakatamad pumasok ngayon lalo na at alam mong alam mo na yung ididiscuss ng prof. niyo. Hays! Nag-a-advance reading ako eh.

"Bro, ang tapang nung babae na yon ah! Sarap patulan. Tsk!" sabi ni Pollo, isa din sa pinakamagaling mag ML sa school, except sakin.

"Oo nga. Parang hindi naghabol satin" sagot naman ni Cayle.

"Mga bro's, hayaan niyo na yon. Baka mamaya isumbong pa tayo non sa faculty staff, malintikan pa tayo." sabi naman ni Carlo.

"Sabagay mga pre. Teka nga, hindi ba kayo papasok? Class hours na mga ulol!" sabi ulit ni Pollo. Tumayo si Eugo at nagsalita, "Kung hindi kayo papasok, wag niyo kong idamay. Kelangan kong makapasa sa next semester. Bye" and he bid goodbye.

Tumayo na din ako at nagsalita, "Ako, hindi papasok. May pupuntahan lang ako saglit. Bahala na kayo kung ano yung gusto niyong gawin. Geh" at tsaka ako umalis. Pumunta ako sa parking lot at kinuha ang susi ng kotse ko kay Kuya Lino. Nagpaalam ako na may inutos sakin si Mrs. Deogracias. Siya naman lagi yung pinagpapaalam ko kase hindi kayang kausapin ni Kuya Lino si Mrs. Deogracias. Kuung tinatanong ko kung bakit? Aba malay ko! Tanong niyo.

Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot ito. Pumunta ako sa malapit na cafe sa school namin. Pinarada ko lang ito sa malapit sa may sign na nakasulat na 'No Parking'. Topnatcher nga ako pero hindi ako sumusunod kung kani-kanino, lalo na kung di ko kilala.

Bumaba na ako. Dumiretso ako sa may isang seat at naupo sa malapit sa glass window, para tanaw ko yung kotse ko. Tinawag ko lang ang waiter at umorder lang ako ng Choco Mousse Cake tsaka isang pitsel ng Nestea.

Tinignan ko ang clock na nasa wall ng cafe. 10:00 na pala. Dito na lang ako mag-s-spend ng oras.

Ilang minuto lang din dumating na ang order ko. Kahit lalaki ako, mahilig akong mag-post sa Instagram kaya pinicturan ko muna ito bago kinain. Pagkatapos, inedit ko na. Mamaya ko na lang ipopost. Nakakatamad ang araw nato!



Hailey's POV

       Hindi ako sumabay sa mga Mobile Players ngayong break time. Tinatamad akong pumasok sa next subject kaya tatambay nalang ako sa may malapit na cafe dito.

Bumaba na ako sa room namin. Nakita ko sina Heaven at Niana sa may play ground. Nakaupo silang parehas sa swing habang seryosong nag-uusap. Hindi ko marinig ng mabuti ang pinag-uusapan nila kase may nakaharang na damo sa pagitan namin. Kaya hindi na ako nag-abala.

Dumaan naman ako sa cafeteria at nakasalubong ko ang mga grupo nung panget na TJ na yon! Pero infairness, hindi siya kasama. Tinanggal na kaya siya? Ohhh! Sanaa.

Hindi siguro ako napansin nung tatlong mga unggoy kase tutok sa cellphone. Si CJ, siya ang nahuhuli. Nakita niya ako pero deadma lang siya. Ha! Deadmahan pala! Tignan natin kung gustuhin mo pa. Hahahahaha.

Dumiretso na ako sa gate. Nasa may tapat ng gate si Kuya Lino. Hiningi ko lang ang gate pass ko sa kanya at saka ako lumabas. Hindi na nagtanong si Kuya Lino, baka alam niyang wala ako sa mood ngayon. Psh!

Pumara lang ako ng traysikel at nagpahinto sa pinakamalapit na cafe. Bumaba na ako at nagbayad ng P10.00. Papasok na sana ako ng makita ko ang pamilyar na kotse. Kay TJ kaya ito? Baka naman namamalikmata lang ako. Hu bahala na nga!

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon