Chapter 4

337 13 0
                                    

Hailey's POV

       Pagkatapos kong kumain ng cake at uminom nang tubig, pinatay ko na ang T.V. at saka umakyat na ako sa taas. Iniwanan ko si Ate sa baba para she can take her time. Hahhahahah.

3:30 pm na. Nandito pa din ako sa aking kwarto at nanonood ng Mr. Bean sa aking flat screen na T.V. Simula nang umakyat ako dito, Mr. Bean na ang pinapanood ko. Na-miss ko kasi ang childhood ko. Hihi!

Tumayo na ako sa kama at saka ito pinagpagan. Hindi kasi ako naghugas ng paa kaya malamang, magaspang ito.

After kong ayusin ang kama, binunot ko na din ang saksak sa T.V. at saka tinanggal ang CD sa player at inilagay sa drawer ko where all of my CD's are safely hidden.

Pagkatapos, kumuha lang ako ng pajama at t-shirt kasi malapit na ding mag-gabi. Masyado akong advance mag-isip kaya maglilinis na ako para mamaya, kakain nalang. Hahaha!

Nakapagbihis na ako, nagsuot na din ako ng blazer dahil feeling ko ang lamig-lamig kahit na ang tindi ng sikat ng araw na tumatama pa sa may glass window ng veranda ko. Yes, I have veranda. Hindi lang ako masyadong pumupunta kase wala din akong gagawin don. Nakatapat ang veranda ko sa kapitbahay namin at hindi sa daanan ng mga sasakyan kaya wala din akong titingnan.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Walang tao dito sa baba, kahit sa sala. Kahit si Ate na natutulog dito kanina ay wala na. Sabagay, ilang oras din naman siyang nakahiga eh.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Mama na nagluluto ng masarap na ulam habang naka-earphone. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako mapapansin. Kumuha lang ako ng malamig na tubig at saka uminom. Lumabas na din ako after that.

Dumiretso ako sa labas ng bahay. Nakita ko si Ate with someone. I think, a girl? Maybe.

Pumunta ako sa kinalalagyan nila at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Habang papalapit ako sa kanila, namumukhaan ko kung sino ang babaeng kausap ni Ate ngayon. At habang papalapit ako, mas lalo akong naeexcite dahil ngayon na lang siya bumisita samin ever since na lumipat kami ng bahay.

Hindi pa din nila napapansin ang presence ko pero ako, ramdam na ramdam ko ang presensya nila. Lalong-lalo na ni Ate Kimber Nisha. Si Ate Nisha ang pinsan ko na sobrang yaman. Kapag gumagala ako sa kanila, lagi niya akong pinapahiram ng mga barbie dolls and hello kitty stuffs. Favorite niya ang hello kitty kaya naimpluwensyahan niya ako sa pagiging pagkapaborito non.

Malapit na ako ng makita ako ni Ate, "Oh Nisha, eto na pala si Hailey eh. Hailey, Ate Nisha mo. " nakangiting salubong at pag-akbay sa akin ni Ate. Iginiya niya ako sa upuan at saka pinaupo. Parang ang pormal ng galawan namin ngayon.

Tumayo si Ate Nisha dala ang kanyang maningning na mga mata. Nilapitan niya ako at saka hinawakan sa pisngi. "It's been a long time, Mira. I miss you so much. That much!!!" sabi niya sabay yakap sa akin ng sobrang 'higpit'. Yung tipong hindi na ako makakahinga dahil sa taba niya. Hahahahha charot lang!

Yumakap nalang din ako pabalik sa kanya. Nang bumitaw siya sa yakap, tsaka ako nagsalita, "Na-miss din kita, Ate Nisha. Tagal mo na akong hindi napapahiram ng barbie dolls eh! HAHHAHAHA!" sabay tawa ko. Hinila ko ang upuan niya paharap sa akin at saka siya umupo.

"Oo nga eh. Gusto mo laro tayo?"

"Sure. HAHAHHAHA joke lang! Masyado na akong malaki para dyan, Ate. Lalo kana HAHAAHAH!"

"May ibang ibig sabihin yan Nisha." sabay tawa ni Ate. Grabe! Panira na naman.

"Uy wala Ate Nisha ah?! Wag kang makikinig dyan laging fake news alam niyan."  sabay kindat ko pa kay Ate Nisha.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon