Chapter 19

136 8 0
                                    

Hailey's POV

       Argh! Ang sakit ng ulo ko! Kanina ko pa iniinda yung pain na to. Ayaw ko namang sabihin kila Mama dahil ayaw ko naman silang mag-alala.

Nung isang araw pa ako nag-eemote kase nga hindi natuloy yung trip to Baler namin. Urgent kasi yung pag-alis ni Daddy at ni Tito, kelangan na daw kasi sa trabaho. Ano ba naman yan! Kakauwi lang, umalis na agad? Tsk.

Nasa garden ako ngayon habang nagdidilig ng halaman ni Mama. Masyado na kasi siyang pagod sa loob, alanganing sabihin ko pa sa kanya na hindi pa nadidiligan yung mga halaman niya.

Sa pagdidilig ko, naaninag ng mata ko mula sa malayo ang kotse ni TJ na nasa tapat ng bahay nila CJ. Although malayo-layo ang bahay nila CJ dito, nakikita ko pa rin.

Ilang minuto lang, nakita ko si CJ at TJ na sumakay sa kotse ni TJ. Dumiretso sila doon sa kanan.

Hindi ko na pinansin yung kotse na yon. Baka mamaya may biglaang lakad lang sila eh, sabihin pa ni CJ sobrang chismosa ko. Psh!

After kong magdilig, pumasok na din ako sa loob. Kumain lang kami ng tanghalian at ako na ang nag-prisinta na mag-urong. Pagkatapos, umakyat na din ako sa kwarto ko tsaka ginawa ang mga routine ko. Isinarado ko din ang veranda sa kwarto ko at saka humiga sa kama.

~*~

Hmmmmm!

Kakagising ko lang. Dumiretso agad ako sa C.R. para maghilamos ng mukha. Binuksan ko ang veranda ko. Pagbukas ko, sinalubong ako nang malamig na simoy ng hangin ng December. Yes, it's December 1 now, Sunday. Dumiretso ulit ako sa C.R. at saka nagsuot ng jogging pants at V-neck shirt.

Pagbaba ko, nakita ko si Ate na nagluluto ng breakfast. Sinilip ko ang niluluto niya. May hotdog, bacon, tsaka cocktail hotdog. Binuksan ko yung takipan ng ulam at nakakita ako ng egg w/ onion at saka corned beef. Kumuha ako ng small knife at saka dumukot ng itlog. Yiiii! Ang sharap!

"Hoy! Ulam natin yan!" sabi ni Ate habang ibinababa ang mga frozen foods na niluto niya. Ibinaba ko naman ang takip at inilagay ang knife sa sink.

"Teka Ate, asan si Mama? Bakit hindi siya yung nagluto?" tanong ko kay Ate habang kinukuha ang tubig sa ref.

"Ano ba yan! Hindi mo man lang ba na-appreciate ang niluto ko?! Grabe, pinag-effortan ko pa naman yan!" she hissed.

Kinuha ko ang tubig at baso at saka ibinaba sa mesa at saka nagsalin, "Hoy! Maka-emote re! Hinahanap ko lang si Mama! Tamad ka kako kasi kaya hindi ko ineexpect na magluluto ka!" sabi ko kay Ate tsaka tinungga ang tubig. Tinakpan ko na ang lalagyanan ng tubig at tsaka inilagay ulit sa ref.

"Wow! Ako pa ang tamad?! Sino kaya yung late nang nagising?! Ha?!" pangsusumbat sa akin ni Ate.

"Ha? Hakdog!" sabi ko sabay dukot ng isang cocktail hotdog sa nakatakip na alam. Tumakbo ako ng mabilis kasi I'm sure magagalit si Ate. WAHAHHAHA!

"HOY HAILEY AMIRAH CORREA! IBALIK MO YANG HOTDOGGGG!" sigaw ni Ate. Tyak, kung may tulog pa kaming kapitbahay, nagising na at nag-iskandalo na dito sa sobrang ingay ni Ate. Parang megaphone eh. Aga-aga. Tss.

Bago ako lumabas ng bahay, hinablot ko ang jacket kong Hello Kitty sa sofa. Isinuot ko ito at tsaka lumabas ng bahay. Naupo ako sa may bench at saka kinain ang cocktail hotdog. Masyado ko itong tinitipid kasi sure akong hindi na ako papakuhanin ni Ate sa ulam. Masungit yon eh. Hindi ko alam kung saan nagmana. Tss!

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon