Chapter 36

95 7 0
                                    

Eisha's POV

Pollo: "PDA yung dalawang yon!!"

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayong dalawa. Sabi kasi ni Hailey may pupuntahan lang daw muna siya, sabi naman ni TJ samahan na daw niya si Hailey. So ayun, kaming dalawa ngayon.

Yung dalawa dun, ewan ko ba. Masyadong mga OA eh. Ewan ko lang kung tapos na sila. Nung umalis kasi sila Heaven, nagsi alis na din kami. 12:00 pa lang naman.

"Okay na yon. Atleast makakapagbonding silang dalawa."
Kinikilig pa din ako talaga dun sa dalawang yun. Grabe kung hilahin ni Eugo si Heaven. Si Heaven naman, nagpahila. HAHAHHA!

Pollo: "Sabagay. Okay na nga din yon, para ma solo kita."

Tiningnan ko siya at nginitian niya lang ako. Inirapan ko nga. Kunwari hindi ako kinilig. Mang-aasar na namin kasi yan kapag nalaman niyang kinilig ako.

Pollo: "Uy kinilig!" panunukso pa niya sa akin.

"H-hindi ah!"

Huminto siya, so huminto na din ako. Wala namang masyadong tao dito sa hinintuan namin.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat at saka hinarap ako sa kanya. Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Uy! Anong g-gagawin mo?!"

Natatakot na ako. Feeling ko hindi na ako makakaalis ng buhay dito. Huhu! Mamaaaaa! Help meeeeeeee!

Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

"Hoy Pollo! Tumigil ka nga! H-hindi bagay sayo!"

Pollo: "Hindi ka talaga kinilig?"

Seryoso pa din siya. Ano ba! Dahil lang dun, magagalit na siya?! Ang babaw niya!

"H-hindi."

Pollo: "Okay."

Binitawan niya ako at saka inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa niya. Naglakad na siya palayo nang hindi ako iniintay.

Hinabol ko siya.

"Huy! Galit agad?"

Hindi siya lumingon. Ni hindi man lang siya huminto para lingunin ako.

May PMS din ba ang mga lalake? Argh!

"Huyy!"

Pilit ko pa din siyang hinahabol. Kahit naglalakad lang siya, ang bilis bilis pa din niya.

Aminin ko na kayang kinilig ako?

Lumingon muna ako sa paligid at wala namang masyadong tao dito.

Huminga muna ako ng malalim.

"OO NA! KINILIG NA AKO!"

Nakapikit pa ako nung time na yan. Nakakahiya kaya!

Nung dumilat ako, nakita ko siyang huminto pero hindi pa din siya lumilingon. Siguro nga galit siya.

Napayuko nalang ako. Kahit walang kami, parang ang sakit sakit pa den. Parang anytime by now, maluluha na ako.

Hinintay ko lang na tumulo ang luha ko pero biglang may nagtayo ng ulo ko.

Pollo: "Hoy, wag kang umiyak. Nasasaktan ako."

Seryoso pa din ang mukha niya.

"Pano naman akong hindi iiyak? Galit ka kaya sakin!" pagmamaktol ko pa.

Pollo: "Hindi ako galit sayo, nainis lang. Magkaiba yun. Hindi ko kayang magalit sayo."

Parang hindi ko na alam ang ginagawa ko kaya bigla ko nalang siyang niyakap. Tumulo na din ang luha ko nun.

Niyakap niya din naman ako pabalik.

Pollo: "Wag ka nang umiyak, bahala ka, papanget ka."

Pinunasan ko ang luha ko at saka tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Kapag ba pumanget ako, hindi mo na ako magugustuhan?"

Nagulat siya sa sinabi ko.

Pollo: "Pano mo nalamang may gusto ako sayo?"

"Halata naman sa mga galaw mo. Kaya wag mo nang ideny."

Pollo: "So, ngayong alam mo na yung feelings ko sayo, papansinin mo pa ba ako bukas? Sabihin mo lang, nang mapaghandaan ko."

Advance mag-isip? Hindi naman ako ganung tao.

"Hindi mo na kelangang maghanda. Papansinin naman kita eh. Hindi naman ako katulad nung ibang mga babae na kapag may umamin sa kanila, kinakabukasan hindi na mamamansin"

Pollo: "Okay. Pero ito, may tanong pa ako sayo."

"Magtanong ka ng magtanong, sasagutin ko."

Pollo: "Bago kita tanungin, umupo muna tayo dito sa may bench. Baka mangawit ka. "

Hanggang ngayon, ako pa din ang inaalala niya.

How sweet of him naman talaga.

Pollo's POV

       Inalalayan ko siya sa kanyang pag-upo.

Eisha: "Oh? Ano na yung itatanong mo?"

Grabe itong babaeng to. Humarap pa talaga sa akin tsaka tinitigan ako sa mata. Nakakailang tuloy! Sh*t! Nababakla na yata ako.

"A-ano......diba kasi umamin ako sayo.."

"O tapos?"

"Gusto ko lang sana itanong if may nararamdaman ka din sa akin."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Okay lang if wala. Maiintindihan ko." then I gave her my smile na ibinigay ko lang sa kaniya.

"Hindi. Sa totoo lang, may gusto na ako sayo, before ka pa magkagusto sa akin." mahiya-hiya niya pang sambit.

At ako naman ang nagulat sa sinabi niya.

Totoo ba ito? Ang babaeng gusto ko, ay gusto din ako?!

"H-how?"

"Eh diba famous ka sa school nato--"

"Sige, sabihin na nating famous ako. Pero lima kami dito. Bakit sa aming lima? Ako yung nagustuhan mo? Pwede paki-explain?"

Bakas pa din ang ngiti sa mga labi ko.

"Eh sayo unang tumibok yung puso ko eh. Diba sabi nga sa kanta, 'Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito'" sabay kanta niya pa.

Nakakainlove yung ganda nung boses niya.

"Sabi na nga ba't eh! Gwapo ko kasee!"

"Oo na! Gwapo ka na!"

Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap. Yung isang mahigpit na yakap na sa unang babaeng gusto ko lang ipinaramdam.

Ang sayang malaman na yung gusto mo, may gusto rin sayo. Ang sarap pala sa feeling non.

Maya-maya lang, bumitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan ang wrist watch ko.

Eisha: "Gosh!"

"O baket?"

Eisha: "Malapit nang mag-1:00, baka hindi ko maabutan yung practice ni Heaven!"

"Sus wag kang mag-alala. Maabutan natin yon.

Eisha: "Maaabutan natin yon kung magsisimula na tayong maglakad. Ano?"

"Sige na nga. Mapilit ka eh."

Inirapan niya lang ako. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

Sabay kaming tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya at hindi naman siya umangal. Parehas kaming nakangiti sa lagay na yun. 

'Ang saya ko talaga sa mga oras na ito!'


End of Chapter 36

     

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon