Chapter 9

218 11 1
                                    

Niana's POV

        Nang matantya kong hindi na ako makikita ni Cayle, palundag-lundag ako at nakangiting pumunta sa may bench na walang tao. Inilabas ko ang panyo na ibinigay sa akin ni Cayle, bilang souvenir daw eka niya.

Hinalungkat ko ito at nakita ko itong nakaipit sa gitna ng scratch notebook ko. Buti nalang hindi niya tinignan kung ano yung nakasulat. Hahahaha!

Nang makuha ko na iyon, inamoy-amoy ko ang panyong ibinigay niya sa akin. Hindi na ito ganong kabango dahil may luha ko na. Hahahha! Para namang ang baho ng luha ko.

Inilagay ko nalang ulit ito sa bulsa ng bag ko. Isinukbit ko na ulit ang bag ko at saka nakangiting naglakad. Baka mamaya sabihin ng mga tao baliw na ako. Hahhahaha!

Hindi ako pumasok kaninang second subject, hindi na din ako papasok ngayon. Dumiretso na ako sa may gate at nagpaalam sa guard na masakit ang ulo ko. Effective naman ang pag-aura ko dahil pinayagan ako ng guard. Siya nalang daw ang bahalang magpaalam sa faculty. Yesss! Hahahahhah!

Pagkalabas ko sa school, pumara ako ng taxi. Hindi naman ganong kalayo ang bahay namin dito. Madalang kasi ang traysikel dito, kaya taxi nalang ang pinaparahan ko.

Pagkapara ko sa taxi, sumakay na ako. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-text kay Heaven,

Compose Message

    Hi Heaven! Wag ka nang mag-alala sakin, wag mo na din akong hanapin sa school. Umuwi na ako. Nagpaalam na ako sa guard na masakit ang ulo ko at siya na daw ang bahalang magsabi sa faculty. Bukas ko nalang ikukwento ang nangyari, at I'm sure kikiligin ka sa ikukwento ko. Hindi ako galit sayo, nagtampo lang. Hehe! Bukas na lang. Goodbye!

Send

Pagka-send ng message, ibinaba ko lang sa gilid ng upuan ang cellphone ko. Baka kasi magreply si Heaven.

At hindi nga ako nagkamali. Ilang minuto lang, tumunog na ang cellphone ko meaning may nag-text. Magkaiba kasi ang ringtone ng text message at call ko. Hihi!

Heaven's Message

        Hayy! Hindi ako pumasok nung second subject kakahanap sayo. San kaba nagpunta? Nag-alala ako sayo. Sige, sige, pagaling ka. Sana bukas makapasok ka para maikwento mo na sa akin ang nakakakilig kamong scene na yan. Siguraduhin mo lang na nakakakilig yan, ha? Hahahhaha. Sige, pasok na ako. Wag ka nang mag-reply, baka lalong sumakit ulo mo. Papunta na din ako sa room ngayon, baka dumating na yung prof. Sige na. Bye! Mwapsss!

-Heaven💛

Pagkabasa ko ng message niya, saktong pagdating naman sa tapat ng bahay namin. Nagbayad lang ako kay kuyang taxi at saka pumasok sa bahay namin. Walang tao ngayon dito kase pumunta sila sa grocery. Kapag kase nag-g-grocery, pati si Ate Francia, kasama din. Excited maggala! HAHAHAHHA!

Pagdating ko sa bahay, naglinis lang ako saglit ng bahay. Kung nagtatanong kayo kung bakit ako nakapasok, may duplicate key kasi ako para daw kapag emergency at wala sila sa bahay, katulad nito, pwede akong makapasok.

Pagkatapos kong magwalis-walis at mag-ayos-ayos, kinuha ko ang panyong ibinigay sa akin ni Cayle. Hinalikan ko muna ito bago ko ito ibinabad at binanlawan sa batya. Pagkatapos, isinampay ko lang ito at tsaka pumasok na ulit sa loob.

Pagkapasok ko, ni-lock ko na ulit ang pinto. Pumasok ako sa kwarto namin ni Ate at saka nagbihis. Pagkatapos, nahiga ako sa kama ko habang naka-charge ang cellphone ko. Natulog muna ako saglit bago mag-online.

TJ's POV

      "Huy TJ! Ano bang ginawa ko sayoo?! Bakit ka umiiwas? Huhuhu!"

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon