"Kasi okay lang si Franco at Aris. Pero si Trench he's still unconscious." She replied.

"Ha?!" Dammit. Malamang sa malamang nag space out 'yun habang nagmamaneho kaya naaksidente! Alam ko kung gaano kabilis magpatakbo ang mga 'yun kaya hindi na ako magtataka kung mamalasin sila. But not like this. I don't like this.

"P-pwede ka bang pumunta dito? Franco and Aris are grounded. Akala mo mga bata. Ang tanda tanda na, naga grounded pa rin! Hirap na hirap ako dito sa ICU mag-isa. Wala akong karilyebo." Ani Dyann.

Kapatid ni Dyann si Aris, habang kapatid naman ni Franco si Trench. Ako lang ang walang kapatid sa aming magpipinsan kaya naging close ako sa kanila. I found the warmth I longed for when I spent my childhood with them.

Nasa ibang bansa ang mga magulang nila Trench at duda ko, wala rin silang alam tungkol dito.

"Alam naba nila tita 'to?" Tanong ko.

"Hindi pa. Hindi ko masabi, Paige. Natatakot ako. Si daddy lang ang may alam kaya grounded yung dalawa sa bahay. I need you here. Please, uwi ka muna." Naiiyak na naman siya.

"I'll be there before sunset. May aasikasuhin lang ako." Sagot ko. Magpapaalam ako sa opisina at aasikasuhin ko pa ang pasyente dito. May sakit din si Henry at hindi ko siya pwedeng pabayaan.

"Okay. Hintayin kita." She hung up.

Lumabas naman si Henry mula sa banyo. Wala itong pantaas at may nakatapis lang na tuwalya from his waist down.

What a piece of art.

"Pwede bang magdamit ka na? May sakit ka, for goodness sake!" Pinagalitan ko siya. "Bakit ka naligo?!"

"Dapat ba madumi ako at mabaho dahil lang may lagnat ako? Come on, Paige. It's just fever."

"Anong just? Hindi joke ang lagnat, Henry. Hindi yan sakit. Symptom ang lagnat. It's the way your body tells you that something is wrong."

"I know." He raised his hands in the air as if surrendering. "But slow down. I'll take those meds you brought me and I'll rest. Wag ka ng exaggerated."

"Hindi ako exaggerated. Gusto ko lang na okay ka bago ako umalis." Sabi ko. Ayokong bumyahe pa-Buenos habang ang utak ko ay naiwan dito, inaalala si Henry kung kumusta na siya.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" He queried.

"Sa Buenos. Nasa ICU si Yñigo. He met an accident." I replied. "Will you be fine here? Kasi pupunta pa ako sa office tapos uuwi na ako ng Buenos."

"Anong gagawin mo sa office? You can just notify them through phone." Aniya.

"I'll hand in my letter of resignation." Sagot ko. "In my line of work hindi pwedeng mabakante ng matagal ang posisyon ko. It's better if they find someone to replace me kaysa sa maghintay sila sa akin."

"Babalik ka naman, diba?"

Napaiwas ako ng tingin.

"Diba?" Pag-uulit niya.

"Hindi na siguro, Henry. Walang kasama si Dyann sa pagbabantay kay Yñigo. Hindi pa rin alam ng mga parents ni Yñigo ang nangyari kaya matatagalan ako sa Buenos." Sagot ko. "Take your medicine and rest. Aalis na ako. I have to get there before sunset."

"Let's go." Aniya.

"Anong let's go?" Napakunot ang noo ko.

"Ihahatid na kita." Aniya.

"Okay lang ako. Magpahinga ka. Malapit lang naman yung office, magji-jeep lang ako." Sabi ko. I appreciate the thoughtfulness but he's not well. He needs to rest.

"This is just fever, Paige. Sige ganito nalang. Pagdating natin ng ospital sa Buenos, magpapatingin ako doon para maprove sayo na lagnat lang 'to and nothing serious. Deal?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. I thought he was only planning to drive me to my workplace.

"Ihahatid mo ako sa Buenos Grande???" Hindi makapaniwala kong sambit.

Tumango siya. "You have to get there as quickly as possible. Hindi mo magagawa 'yun kung magcocommute ka lang. Ihahatid na kita."

"But-"

"No buts, Paige. Baka nakakalimutan mo 'yung deal natin?"

Huh? Deal?

Is he referring to the distraction thing?

"Nakalimutan mo na?" Untag niya.

"Hindi." Sagot ko, kahit hindi talaga ako sigurado kung 'yun nga ba o may iba pang deal na nangyari habang intoxicated ako. "Magbibihis lang ako. Magdala ka na rin ng extra shirt mo, in case."

"In case ano?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Easy." He winked. Iniwan ko na siya at nag impake na ako.

Plano kong magbihis nalang pero malagkit ang pakiramdam ko kaya naligo muna ako. Habang naliligo ako ay di ko napigilang mag-isip.

Ano'ng deal ba?

Ayoko namang magtanong. Hindi keri ng powers ko.

Sana lang wala na akong pausong ginawa kagabi. I have super bad memory after drinking kaya umiiwas ako kung kaya. Masyado yata akong nag enjoy at naparami ang inom ko.

Ang ending, wala akong matandaan pagkatapos nung distraction proposal churva.

Mananalig nalang ako na wala na akong ibang ginawang nakakaloka- like throwing myself at him and stuff like that- because that would be the end of my life.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now