Chapter 23: Kurt's Scent

Bắt đầu từ đầu
                                    

Dahan-dahan nitong ibinaba ang anak niya. Maingat nitong naibaba ang anak niya. Hindi pa nakakalakad ng isang hakbang si Kurt ay umiyak na naman ang anak niya. Nag-atubili naming kunin na naman ito ni Kurt. Hiyang hiya na siya sa binata.

“Shhhh…baby naman parang girl. Iyak ng iyak. Bakla ka ba?”

Hinamapas niya ang binata. “Ikaw talaga!”

Nagkatawanan silang dalawa. “Amia, pahiga naman sa papag oh. Ang bilis lumaki ng baby mo parang ang bigat bigat na niya.”

“Naku,pasensiya ka na talaga. Halika dito.”

Humiga ito sa kama at inilapag si Baby. Tumabi ito tinapik tapik si Baby. Pakanta-kanta pa. “Gusto yata ng anak ko ang amoy mo, Kurt. Ayaw umalis sa tabi mo oh. Laging nakasiksik.”

“Pansin ko nga rin, eh. Ang dalas maglambing. Baka nga. Edi kung ganoon edi bibigyan kita ng pabango ko para kapag umiyak na naman eh ipaamoy mo lang.”

“Adik ka talaga!”

Natawa rin ito. “Why don’t we try? Pati anak mo nabihag ng charm ko.”

“Kapal mo.”

Para siyang tanga katatawa habang naaalala niya iyon. Tama si Kurt, pabango nito ang nagpapatahimik kay baby Samuel. Kaya tuloy siya amoy Kurt na rin dahil siya ang gumagamit ng pabango nito. Paboritong pabango ito ni Kurt at siyempre paborito na rin ng anak niya.

Inilapag na niya ang anak niya sa kunang binili rin ni Kurt. Nagligpit na muna siya ng bahay. Lumabas siya ng bahay nang may maramdamang ugong ng sasakyan. Hindi kotse ni Kurt ang pumarada sa harap ng kubo niya. Nilabas niya ito.

“Sa…Samuel?” Nanlaki ang mga mata niya.

“Hindi ako si Samuel. Bunga lamang iyon ng kasinungalingan mo.”

Tuloy tuloy itong pumasok sa kubo niya. Halos masira ang pintuan niya sa pagkakapasok nito. “Hiro…”

“What?!” iritadong lingon nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Para siyang naparalisa na lamang. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Matagal na panahon na niyang hindi nakikita si Hiro.

“Pa…patawad…”

“Shut up!” sigaw nito. Naiyak na lamang siya. Sabay silang napalingon ni Hiro sa isang iyak ng sanggol. Nilapitan ito agad ni Hiro.

Biglang lumambot ang anyo nito habang nakatingin sa anak niya. Sa anak nilang dalawa. “Oh god….” Rinig niyang bulong nito. “My son….”

Umatras siya. Kinain na naman siya ng konsensiya niya.

“Pwede ko ba siyang kargahin?” sabi ni Hiro na hindi maalis ang tingin kay baby Samuel.

“Pwe..pwede..”

 

 

 

[HIRO’S POV]

 

“Oh, God….”

He hugged her son. He can’t control the tears coming from his eyes. He was so happy to control it. Dahan dahan niyang niyakap ang anak niyang umiiyak. “My son…I’m your Daddy…”

Pumikit siya. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaligayahan. Napakaliit ng anak niya. Kamukhang kamukha niya ito. Ganoong ganoon siya noong baby pa lamang siya. He kissed his son. “Anong pangalan niya?” malamig na tanong niya sa babaeng kinamumuhian niya.

“Sa..Samuel..Samuel ang pangalan ng anak natin,” anito.

“Ayoko ng pangalang ‘yan. Alexander ang ipapangalan ko sa kanya.”

Yumuko lamang si Amia. “S-Sige. Kung iyan ang gusto mo.”

“Gusto ko talaga ang masusunod, Amia. Hindi mahalaga ang opinyon mo sa kahit anong bagay.” Malamig na turan niya rito. Matigas na matigas ang puso niya sa babaeng ito. Galit nag alit pa rin siya.

“Iuuwi ko anak ko sa mansion. He deserves a perfect life. Aalis kami ngayon. Ihanda mo ang mga gagamitin niya. Kahit bottled milk.”

“Ano?! Saan mo dadalhin ang anak ko?”

“Wala kang pakialam!”

“Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang anak ko, Hiro!”

“Anak ko rin siya baka nakakalimutan mo.”

“Ikamamatay ko kapag inilayo mo sa akin ang anak ko.”

Ngumiti siya ng pagak ditto. “Edi mamatay ka! Mabuti na nga iyon, Amia.” Yumuko na naman ito. Alam niyang umiiyak ito kahit nakatakit ang mga kamay nito sa mukha nito. “Sumama ka kung gusto mo.”

Agad na siyang lumabas ng kubo. Dala dala niya ang anak niyang nakatulog na sa bisig niya. Habang kaharap niya si Amia ay para siyang nasusuka dito. Hindi rin siya makahinga sa lugar na ito dahil nananariwa sa kanya lahat ng panloloko sa kanya nito.

“Sumakay ka na at hawakan mo ng mabuti ang anak ko.”

Malamig na sabi niya kay Amia. Sumakay na ito sa sasakyan niya dala ang isang hindi kalakihang bag.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ