INTRODUCTION

4.5K 93 6
                                    


A post from the admin of The Bellarocan Files

Wow! Salamat sa pag-flood sa wall, comments, likes, and shares ng page natin tungkol sa Girls MEANistry. And it seems like you, guys, can't get enough of the girls. Well, may isa uli akong ipapakilala sa inyo. Meet Georgina Ashley Montez, The Gorgeous Disaster. Everyone is calling her that. And here's one why she's the gorgeous disaster.

Confessor: OMG Girl

Title: Georgina Montez, The Gorgeous Disaster

Course: BS in Philosophy

Confession: OMG! Alam n'yo ba, ang saya-saya ko ngayong araw. Kasi, pagbukas ko pa lang ng Facebook ay nakita ko agad ang pangalan ng idol kong si Georgina Montez na ipinakilala sa The Bellarocan Files at napasama sa Girls MEANistry. Well, hindi na ako nagtaka na napasama si Georgina sa GM. Fan pa rin niya ako. Napangiti ako. Naalala ko kasi iyong araw na pinansin ako ni Georgina noong nagkasalubong kami sa hallway. I said "hi" to her. And she greeted back with a nandidiring expression on her face as she looked at me. Sabi niya, ang pangit daw ng buhok ko, parang pugad. 'Tapos, pinatid niya ako. OMG! Iyon na ang pinaka-memorable moment sa buhay ko! Pinagtinginan ako ng mga tao at naging sikat! Lalo ko tuloy minahal si Georgina. She's such a gorgeous disaster!

Hi, G! 

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now