Miss

3.6K 111 2
                                    

"MISS Georgina?"

Mula sa sketch pad ay nag-angat ng tingin si Georgina kay Ivory. "Yes?"

"Coffee n'yo po," ani Ivory, saka iniabot ang medium-sized cup ng kape sa kanya.

Nabuhayan si Georgina. "Thanks! From Lander?" pag-asam na tanong niya.

Dahan-dahang umiling si Ivory. "Ah... no, Miss Georgina," bahagyang nag-alinlangan ang hitsura ng babae pero nakangiti pa rin. "Galing po sa aming staff n'yo. Pinag-order ka po namin ng kape."

"O-oh." Nalusaw ang tuwa ni Georgina. Nakaramdam din ng hiya. Pero tulad ni Ivory ay nanatili pa ring nakangiti si Georgina. Baka isipin ng babae na disappointed siya na hindi sa inaasahang tao galing ang kape. "Thanks, Ivory."

Tumango ito. "You're welcome po." Magalang na nag-excuse si Ivory at iniwan na siya.

Tumingin si Georgina sa kapeng hawak. Wala roong nakalagay na note. Sunod ay bumaling siya sa sketch pad. Bahagyang namangha si Georgina. Sa loob ng isa't kalahating oras, wala pa pala siyang naiguguhit! Blangkong-blangko pa rin ang sketch pad niya.

Bumuntong-hininga si Georgina at sinapo ang gilid ng noo. Hindi siya makapag-focus. Ang isip ni Georgina ay lumilipad sa isang tao—lalaki. Kahit ano ang gawin niya, hindi mawala-wala ang lalaki sa isip niya.

At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Lander.

At nami-miss niya ito.

Isang linggo nang hindi nakikita ni Georgina si Lander. Ang huling pagkikita nila ay noong naglaro ang parents nila ng golf sa Manila Golf and Country Club. Nagpa-impress pa si Lander kay Georgina sa paggo-golf. Na-impress naman si Georgina dahil magaling din pala ang binatang maglaro ng golf. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na uli nagparamdam si Lander sa kanya.

Hindi na pumupunta si Lander sa mansiyon upang bisitahin si Georgina at ipagluto ng breakfast. Hindi na siya sinusundo ng binata sa opisina. Hindi na siya pinadadalhan ni Lander ng kape na may kasamang note. Hindi na siya ginugulo ng binata katulad ng sinabi kay Georgina.

Ano ba talaga, girl? Hindi ba dapat ay matuwa ka dahil hindi ka na ginugulo ni Lander? That would help you get out of this so-called arranged marriage, right? Bakit ngayon, nami-miss mo siya? Galit ka nga sa kanya, 'di ba? Did you hit your head?

She didn't hit her head but that voice in her mind was right. Dapat ay masaya si Georgina. Pero paano magiging masaya si Georgina kung palagi niyang naaalala ang mga sinabi ng ama limang araw na ang nakalilipas? Kinausap siya ng ama nang masinsinan at inamin ang totoong dahilan kung bakit ipinagkasundo si Georgina ng mga magulang kay Lander.

"Georgina, anak, kaya kita gustong makausap ay dahil may aaminin ako sa 'yo," anang kanyang daddy. Nakaupo sila sa swing na nasa malawak na garden.

"What is it, Dad?" curious na tanong ni Georgina, tiningnan niya ang ama nang mataman.

Bumuntong-hininga ito. "I know you're still upset with me and your mother. Nagtatampo ka pa rin sa amin. Hindi ka naman namin masisisi. Napagpasiyahan ko nang sabihin sa 'yo ito para tuluyan ka nang maging masaya. Anak, ang totoong dahilan kung bakit namin kayo ipinagkasundo ni Lander sa isa't isa ay para magkabalikan kayo."

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now