Deal

3.4K 119 3
                                    

Hello, guys! It's been a while! Char! Haha! Pakibasa pala ulit iyong Revenge part nito, may binago kasi ako doon na malaking role para sa story. Thanks! :D

-

"WHAT?!"

"I'm sorry, Georgina. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko," nakayukong hinging-paumanhin ni Peter kay Georgina. May malaking black eye ito sa mukha.

"You fool! Hindi ka kasi nag-iisip!" galit na asik ni Georgina.

Lalong napayuko si Peter. "I-I'm sorry. Sinubukan ko naman, eh. Kaya lang, hindi ko pala kaya."

Hindi sinasadyang masabi ni Peter kay Megan ang lihim na pagtingin sa huli. Hindi na nabawi ni Peter ang sinabi kaya pinanindigan na lang nito. Desperado na rin daw ito. Araw-araw, habang nakakasama ni Peter si Megan ay tumitindi ang nararamdaman nito sa babae. Hindi na raw nito magawang ilihim ang nararamdaman. Sinabi ni Peter na liligawan nito si Megan. Pero siyempre, hindi pumayag si Megan dahil may boyfriend na at pagkakaibigan lang ang maibibigay kay Peter. Hindi sumuko si Peter at pinilit si Megan na pumayag. Natakot si Megan kay Peter at iyon ang eksenang nadatnan ni Conrad. Sinuntok ni Conrad si Peter at binalaang layuan na si Megan.

Nang dahil sa katangahan ni Peter, lalong magiging overprotective si Conrad kay Megan! Ugh!

"I know I've been rude to her kaya siya natakot. Nagsisisi nga ako. Oo, masaya ako na nakasama ko si Megan, pero nasasaktan din ako. Palagi niyang sinasabi sa akin kung gaano niya kamahal si Conrad at kung gaano magningning ang mga mata niya. Ang saya-saya niya kapag pinag-uusapan namin ang boyfriend niya. Hindi ko kayang ipagkait kay Megan ang kaligayahan niya," madamdaming pahayag ni Peter.

Malamang. Sino ba naman ang hindi sasaya kung si Conrad ang magiging boyfriend niya? Feel na feel ni Horse Girl. Georgina rolled her eyes. "I have no time to hear your cheesiness, Peter. So, ganoon na lang 'yon? Susuko ka na agad? Hindi mo man lang ba ipaglalaban si Megan?" nauubusan ng pasensiyang sabi niya.

Napatingin si Peter kay Georgina at inayos ang pagkakalagay ng makapal na salamin sa mga mata. "Oo, Georgina. Kung si Conrad ang makapagpapasaya kay Megan, titigil na ako at lalayo sa kanya. Hindi ko kayang manatiling kaibigan lang niya dahil hindi ako makaka-move on. Totoo ang nararamdaman ko para kay Megan. Iyon nga lang, naunahan ako ng iba. Disadvantage ng pagiging torpe at duwag."

'Buti alam mo.

"I love her so I'm willing to let her go and be with the one she truly loves. Ayaw ko nang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Lalo lang akong masasaktan. Tanggap ko nang hindi para sa akin si Megan."

Natigilan si Georgina.

Gosh, G. Don't tell me natatamaan ka sa sinabi niya?

Of course not! Bakit naman ako matatamaan? Are you nuts? Peter is an ugly nerd. We are way, way different, nanghihilakbot na turan ni Georgina sa maliit na boses sa kanyang isip.

"But I still thank you. Dahil sa 'yo, nagkaroon ako ng pagkakataong makasama si Megan. At Georgina..." Napatingin si Peter sa kanya. Tila nag-aalangan pang ipagpatuloy ang sasabihin. "Ahm..."

Pinaningkitan ni Georgina si Peter. "What? Sasabihin mo bang tigilan ko na sila Megan at Conrad? Na huwag ko na silang paghiwalayin?"

Napalunok si Peter. "K-kasi Georgina, m-mahal na mahal ni Conrad si Megan, eh. Mahal na mahal nila ang isa't isa. T-tanggapin mo na lang din na hindi para sa 'yo si Conrad. You're beautiful. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa 'yo kaya nagtataka ako kung bakit mo ito ginagawa. I-isa pa, ito rin kasi ang in-advice sa akin ni Lander. I-I think, he's right."

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now