Alice

3.2K 101 3
                                    

NAPANGITI si Georgina sa mga ipinamili niya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, nag-grocery siya nang mag-isa. Puwede naman siyang magpasama kay Yaya Nita o utusan ang huli pero pinili ni Georgina na gawin iyon nang mag-isa. She wanted to do those things on her own. Na hindi lang siya basta nakaasa sa iba. Gagawan kasi niya si Lander ng paboritong chicken sandwich at pasta.

Nagpaturo si Georgina kay Yaya Nita kung ano ang mga dapat bilhin. Inilista niya iyon sa notepad para hindi makalimutan. Nagulat pa nga si Yaya Nita nang sabihin ni Georgina na siya ang mamimili. Hindi niya masisisi si Yaya Nita. Lahat kasi ay ipinag-uutos ni Georgina sa yaya. Kaya lahat ng kasambahay nila sa mansiyon ay hindi makapaniwala. Tinawanan lang niya ang mga ito. Hindi pumayag si Yaya Nita noong una na si Georgina ang mamimili at ang una na lamang ang gagawa niyon para sa kanya pero kalaunan ay hinayaan na rin siya ni Yaya.

Aaminin niyang nahirapan siya. Nangalay din ang mga paa ni Georgina sa kalalakad. Ang lawak-lawak ng grocery store sa mall na pinuntahan niya. Hindi niya basta-basta makikita agad ang mga kailangan kaya nagpatulong siya sa lalaking crew. Halos ang crew na nga ang naghanap ng mga nakalista sa notepad. Natawa na lang sila pareho. Nagpasalamat si Georgina sa crew pagkatapos nilang makompleto ang groceries. At least, alam na ni Georgina kung saan pupunta sa susunod na maggo-grocery siya.

Binilhan din ni Georgina si Lander ng blue shirt sa Armani. Paborito kasi ng binata ang kulay asul. Siguradong bagay na bagay kay Lander ang damit. Puwede itong maging modelo kung gugustuhin nito. Sa looks at height ni Lander, papasa itong modelo. Naisip din ni Georgina na si Lander ang magmo-model ng men's fashion collection niya kapag nagkaroon na siya ng sariling clothing business. Hindi napigilan ni Georgina ang ma-excite kapag nangyari iyon. Pero siyempre, ibang usapin na kapag ang ipepresenta ni Lander ay underwear at shorts. Makikita ng mga tao ang katawan ng binata. Pagpipiyestahan ng mga babae ang nobyo niya. Hindi makapapayag si Georgina. Gusto niyang exclusive lang para sa mga mata niya ang magandang katawan ni Lander. Siya lang ang dapat na makakita ng katawan nito. Napahagikgik si Georgina sa mga naiisip niya.

Masaya ang unang linggo ng relasyon nila Georgina at Lander. Hindi ipagpapalit ni Georgina sa kahit ano ang mga araw na pinagsasamahan nila ni Lander bilang magkasintahan. Kapag kapwa walang pasok ay namamasyal sila. Hilig ni Lander ang sorpresahin si Georgina. Naroong magugulat si Georgina pagbukas ng notebook ay may makikita siyang nakaipit na bulaklak doon. Katulad ng ginagawa ni Lander noong high school pa sila. Pinapangiti siya ng nobyo sa gitna ng klase. Kaya naman inspired na inspired mag-aral si Georgina.

Mabilis ding kumalat sa buong DBU ang balita. Masayang-masaya para sa kanila ang mga kaibigan niya. Tinukso-tukso pa si Georgina nina Stacy at Bea na ikinatawa lang niya. Laman din sila ng mga confession sa The Bellarocan Files. Marami ang kinilig, marami ang natuwa, marami ang nakapansin ng pagbabago ng attitude ni Georgina, at marami ring hindi natuwa. Kesyo hindi daw sila bagay ni Lander. Na hindi deserved ni Georgina si Lander. Hindi na lang niya pinapansin ang mga iyon. Wala siyang balak patulan ang mga naninira sa kanya. Ang mahalaga, masaya sila ni Lander.

Tutal ay nasa mall na, naisip ni Georgina na mag-shopping na rin. Natatanaw na niya ang shop ng isa sa mga paborito niyang local brand na Plains and Prints. Tamang-tama dahil kahapon ay nabalitaan ni Georgina na may new set of collection ang nasabing brand ng damit. Tinahak na niya ang daan patungo sa shop nang hindi sinasadyang mabunggo si Georgina ng isang babae.

"I'm sorry," hinging-paumanhin ng babaeng nakabunggo kay Georgina.

"It's okay," sabi niya. Pareho silang nagulat nang mapagsino ang isa't isa. "Megan," nakangiting pag-acknowledge ni Georgina.

"Georgina, ikaw pala," nakangiti ring tugon ni Megan. Kapagkuwan ay tila nahiya ito. "S-sorry ulit. Hindi ko sinasadya. Nasaktan ka ba?"

"Ano ka ba, okay lang talaga. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nasaktan." Nakita ni Georgina ang dala-dalang shopping bag ni Megan na may tatak ng isang brand ng sapatos. "Nagsiya-shopping ka rin?" tanong niya.

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now