Georgina

3.5K 115 6
                                    

Seven years later...

"CONGRATULATIONS!"

"Thank you, girls," masayang wika ni Georgina sa mga katrabaho sa G. Hawak-hawak niya sa dalawang kamay ang bouquet ng tulips.

"'Told you, girl, makakasama ka sa top designers dito sa Pilipinas. Nakikita na namin, eh. We're so proud of you!" tuwang-tuwang sabi ni Stacy.

"Ang galing-galing mo kasi, girl," puri ni Bea.

"Wait, bakit ako lang ang kino-congratulate n'yo. Congratulate yourselves, too, guys. This is our achievement. We are a team. We help each other. So hindi ko lang ito tagumpay. Tagumpay nating lahat ito." ani Georgina.

"If weren't for your beautiful designs and spectacular skills about fashion, hindi rin namin magagawa ito. Para sa 'yo ito, George. You worked and earned hard for this," ani Zia.

"Oh, c'mon. If weren't for you, guys, hindi ko mararating ito. I wouldn't have come this far without you. You've been very supportive of me from the very start. At hindi ko lang kayo katrabaho, close friends din. Congratulations to us," sinserong pahayag ni Georgina at nagkibit-balikat.

Napa-"aww" ang mga ito, pagkatapos ay nag-group hug sila.

"Ikaw pa. Sa outfit mo pa lang, kabog mo silang lahat. You're an eye catcher. Ang tarush ng boots mo, sister!" nakapilantik ang mga daliring bulalas ng effeminate na si Esha. "Ernesto" ang tunay na pangalan nito pero ipinagpipilitang "Esha" ang itawag. Nagsitwanan sila sabay sexy pose ni Georgina.

"In addition to what Zia said, you worked hard for this. Kaya deserved mo lang talaga ang parangal na 'yan, G," ani Suzie na kinindatan si Georgina.

"College pa lang kami, super fan na kami ni George. She was popular in our school. It's a privilege na makasama namin siya sa trabaho." pagmamalaki ni Stacy.

"Absolutely right," pagsang-ayon ni Bea.

Natawa si Georgina. "Tama na nga 'yan. Baka lumaki nang husto ang ulo ko niyan. Hindi na ako makabangon sa kama," pagbibiro niya na ikinatawa uli ng mga kaibigan.

Masayang-masaya talaga si Georgina. Sa araw na iyon ay hinirang siya na isa sa mga top and best designers sa Pilipinas. Hindi niya inaasahan iyon sapagkat nagsisimula pa lang siya. Bago pa lang si Georgina sa mundo ng fashion designers. It was a goal met for her.

Nag-focus si Georgina nang husto sa pag-aaral nang magdesisyon siyang iwan ang De Bellaroca University at mag-transfer sa college school sa New York, United States. Doon niya ipinagpatuloy ang kursong Fashion Design. Back to level one si Georgina dahil hindi naman pareho ang curriculum sa Pilipinas at US. Umulit siya ng isang taon. Siyempre, sa una ay nanibago si Georgina. Hindi rin siya nakapag-adjust agad. Ibang-iba ang kolehiyo sa ibang bansa kompara sa nakasanayan sa DBU. Hindi siya sikat sa nilipatang campus. Hindi siya si Georgina Montez na kasama sa Girls MEANistry. Subalit ayos lang iyon sa kanya. Pabor iyon kay Georgina dahil makakapag-focus siyang mabuti. At nagawa niya. G-um-raduate siya nang may Latin honor. Cum laude.

Pagka-graduate ay nagtrabaho si Georgina sa Fab, isang sikat na modeling company sa Amerika. Pero hindi rin siya nagtagal doon. Ayaw pa ngang pakawalan si Georgina ng kompanya dahil malaki ang potensiyal niya pero walang nagawa ang mga ito. Nag-enjoy naman si Georgina sa pagtatrabaho sa Fab ngunit tila wala sa Amerika ang puso niya. Hindi niya makita na maggu-grow ang career sa ibang bansa. Tutal, handa na si Georgina at gusto nang i-pursue ang pangarap na magkaroon ng sariling clothing store, bumalik siya sa Pilipinas. She wanted to start her career in the Philippines as a professional fashion designer that she always dreamed of.

Nakipagkita si Georgina kina Stacy at Bea. Na-miss pa rin niya ang mga kaibigan kahit araw-araw silang nagkukuwentuhan via E-mail at Skype. Hindi nawala ang communication nila sa isa't isa kahit lumipat siya ng eskuwelahan. Nanatili ang pagkakaibigan nila. Sinabi ni Georgina kina Stacy at Bea na magtatayo siya ng clothing store. Hindi lang siya susuportahan nina Stacy at Bea, magtatrabaho din ang dalawa para sa kanya. Ayaw na rin kasi ng mga kaibigan sa pinagtatrabahuhang kompanya. Tuwang-tuwang pumayag si Georgina. Hindi lang naman ang mga kaibigan ang sumusuporta sa mga desisyon niya, pati ang parents niya. And so G was born.

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя