Good Morning, Brat

4K 133 3
                                    

A/N: Hi, guys! Subscribe naman kayo sa YouTube channel ko. Type n'yo lang Duchess Marissa. Nilagay ko 'yong link ng kalimba cover video ko sa taas, click n'yo na lang din 'yon. Thank you! ^_^ ♥



BUMUNGAD kay Georgina ang matinding sakit ng ulo pagkagising. Sapo ang tila binibiyak niyang ulo na bumangon. Never in her eighteen years of living would she experience this kind of pain. Ayaw na niyang maranasan iyon kahit kailan. This was all Horse Girl's fault!

"Mabuti at gising ka na."

Natigilan siya. How come that she was hearing Lander's voice inside her room? Epekto marahil ng alak kaya kung ano-ano ang naririnig niya. Pero sa lahat ba naman ng hearing hallucination na mararanasan, ang kay Lander pa ang maririnig niya!

"Masakit ba ang ulo mo?"

She paused again. Bakit pakiramdam niya, hindi iyon basta hallucination lang, na talagang naroon si Lander sa kuwarto niya? Nilingon niya ang pinanggagalingan ng tinig. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap. Biglang nawala ang pananakit ng ulo niya. Nakita nga niya si Lander na nakatayo at nakatingin sa kanya!

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito. "Good morning, baby. Surprised to see me? That you're just not hallucinating?"

Inilibot ni Georgina ang paningin sa paligid. She wasn't inside her room! At ang suot niyang damit, iba na! Isang oversized white t-shirt na hanggang tuhod ang haba na ang suot niya.

Tiningnan niya ito nang masama. And as much as she wanted to shove the thoughts that were coming in her mind, she couldn't. Napakaguwapo nito sa suot na gray long sleeved polo na bahagyang nakatupi ang dulong bahagi at puting pantalon. Nakayapak lang ito. His hair was wet and disheveled. Halatang katatapos lang mag-shower. Nagustuhan niya ang amoy ng pabangong gamit nito. He looked so fresh, damn it!

"Baka matunaw naman ako niyan, Georgie baby," mayabang at nakangising untag nito sa kanya.

Napakurap siya nang dalawang beses. Hindi na siya lasing, pero pinuri pa rin niya ito gamit ang isip niya. Inirapan niya ito. "Where am I? What did you do to me?"

"You're in my pad," tila bale-walang sagot nito, hindi pansin ang masamang tinging ipinupukol niya.

"Why did you take me here, you pervert!" singhal niya. Umurong siya sa gilid ng kama.

Ngumisi ito at humalukipkip. "Wala ka ba talagang natatandaan kagabi?"

Inalala niya ang mga naganap kagabi. Kasama niya si Conrad sa pag-inom. Subalit nang sabihin nito sa kanya na hindi nito basta-basta isusuko ang pag-ibig nito kay Megan, nagalit siya at uminom nang uminom ng alak kahit hindi siya sanay. Nalasing siya. Natatandaan pa ni Georgina na muntik na siyang matumba sa sahig pero may sumalo sa kanya. And it was... Lander! Tandang-tanda niya ang init na idinulot nito sa katawan niya, ang kapanatagang nararamdaman niya habang nakakulong sa mga bisig nito. His security... His scent... His touch... His embrace...

My God! What the hell was she thinking? Yuck! It was Lander, for Pete's sake. She should stop thinking that way!

"Ano'ng ginagawa mo sa bar na iyon? Are you following me?" Hanggang doon lang ang natatandaan niya. Hindi na niya maalala kung ano ang nangyari pagkatapos niyon.

"Yes," deretsang tugon nito. "Hindi ka kasama ng mga kaibigan mo kaya naghinala ako. Napilit ko silang umamin sa akin kung nasaan ka. I told you before that I'd keep my eyes on you. And I'm guessing na hindi naging maganda ang kinalabasan ng ginawa mo. Sinabi sa akin ni Conrad na baka may problema ka kaya ka naglasing. Hindi niya alam na siya ang problema mo dahil hindi ka niya magustuhan."

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now