Georgina's Choice

2.8K 109 8
                                    

"REALLY?"

"Yes, planado na ang lahat," nakangisi at confident na wika nina Stacy at Bea kay Georgina. Gustong-gusto ng mga kaibigan na napi-please at nai-impress siya kaya tila excited ang dalawa na ipaalam sa kanya ang nagawa.

Sina Stacy at Bea ang nakaisip ng paraan para hindi makasipot si Megan sa third monthsary date ng huli at Conrad. Nalaman nina Stacy at Bea na magde-date ang magkasintahan sa isang kilalang five-star hotel. Nagkaroon ng two-day community project na ginanap sa Bataan ang mga taga-Journalism department kaya mamaya pang hapon ang balik ni Megan. Subalit sinabi ni Megan kay Conrad na dederetso na lamang ang una sa date. Ayaw daw kasing ipagpabukas ni Megan ang monthsary celebration. Doon papasok ang plano nina Stacy at Bea.

Sinuhulan ng mga kaibigan si Kingsley—blockmate ni Megan—na sa kotse ng una isabay ang babae at hindi sa Journalism bus service. Magkukunwaring hindi alam ni Kingsley ang daan pabalik ng Manila. Maliligaw kunwa ang mga ito at iyon ang magiging dahilan ng hindi pagsipot ni Megan sa date. Pero siyempre, isasama ni Kingsley ang mga kaibigan ni Megan upang hindi makahalata ang babae na may pinaplano ang una.

"Maaasahan natin dito si Kingsley. Medyo nagkakausap naman sila ni Horse Girl kaya sigurado siyang sa kanya sasama iyon. Nangako rin siyang hindi niya tayo ibubuko kay Megan," ani Stacy.

"Kahit ano naman ang iutos mo sa kanya, gagawin niya dahil super crush ka n'on, 'di ba?" nanunuksong wika ni Bea kay Stacy. Noon nalalaman ni Georgina na marami rin palang koneksiyon ang dalawang kaibigan.

"Yeah, right. Oras na ibinuko niya tayo kila Conrad at Megan, basted na siya sa akin," ani Stacy na ikinatawa pareho ni Bea, saka nag-high-five.

"This is it, girl. Makaka-date mo na si Conrad!" galak na sabi ni Bea.

"Good job, girls. Maaasahan ko talaga kayo."

Wala kasing naisip na paraan si Georgina dahil nag-enjoy siya nang husto sa pamamasyal nila ni Lander sa Pampanga. Sumakay sila ng hot air balloon at nag-banana boat ride. Tawa sila nang tawa nang maraming beses tumaob ang banana boat nila. Sa huli ay nagawa rin nilang patakbuhin ang banana boat nang tuloy-tuloy. Isa na namang hindi makakalimutang karanasan iyon para kay Georgina.

Pinakatitigan siya nina Stacy at Bea.

Kinunutan ni Georgina ng noo ang dalawa. "What?"

"You don't look excited," nagtatakang pansin ni Bea.

"Hindi mo ba nagustuhan ang plinano namin?" tanong ni Stacy.

Bahagyang natawa si Georgina. "Of course I'm excited. Why wouldn't I? 'Like I said, you both did a good job. Makaka-date ko na si Conrad mamaya. This is what I've been waiting for!"

I don't believe you, G. Mukhang labas sa ilong iyang sinasabi mong excited ka, kontra ng tinig sa isip niya. Inignora niya iyon.

"Thanks, girl friends! You really know how to please me," nakangiting turan ni Georgina kina Stacy at Bea. Ngumiti naman ang dalawa. "So, ano pa ang hinihintay natin? Let's go shopping. I need to buy new dress. Kailangang magandang-maganda ako sa date namin ni Conrad."

HINDI mapuknat ang ngiti ni Lander habang nagda-drive. Pupuntahan niya si Georgina sa mansiyon ng mga ito. Excited siya. Well, kailan ba siya hindi na-excite na makita at makasama ang dalaga? Sigurado siyang magugulat ito sa sasabihin niya. Gustong-gusto ni Lander na makitang nasosorpresa si Georgina at ngingiti pagkatapos. Gustong-gusto niyang siya ang dahilan ng pagngiti ng dalaga.

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now