Face-off

3.9K 168 21
                                    


"AND OUR winner for this interschool swimming competition... Lander Lagdameo of De Bellaroca University! Congratulations! You made it to the championships! Congratulations, DBU!"

Humalukipkip si Georgina. Siya lang siguro ang hindi natuwa sa resulta ng kompetisyon. Samantalang ang mga kapwa niya estudyante sa DBU at mga kaibigan ay hindi magkamayaw sa paghiyaw. Hindi nanalo si Conrad. Hindi ito ang magiging pambato ng DBU sa championships. Hindi bale. Panonoorin pa rin ni Georgina ang mga susunod na laban ni Conrad. Susuportahan pa rin niya ito. Hindi lang siguro pinalad si Conrad ngayon.

"Oh, my gosh! Ang galing-galing talaga ni Lander! Sure win na ang school natin sa championships!" tuwang-tuwang sabi ni Bea.

"I agree!" pagsegunda ni Stacy.

Napatitig si Georgina sa mga ito. "Don't say that. Si Conrad ang mas magaling kaysa sa kanya. Hindi kasi napanood ni Megan ang laban kaya siya natalo," kastigo niya.

"No, girl. Hindi mo kasi napanood 'yong ibang laban ni Lander. Palagi kaming nanonood ng mga laban niya, eh. Mas magaling si Lander kaysa kay Conrad. He's so guwapo pa. Pumapangalawa lang si Conrad—" Hindi naituloy ni Bea ang sinasabi dahil siniko ito ni Stacy.

"Bea," saway ni Stacy dito at pinanlakihan ng mga mata.

Nakuha naman agad ni Bea ang ibig sabihin ni Stacy. Nakagat nito ang ibabang labi. Tumingin si Bea sa kanya. "Sorry, George. Nadala lang ako."

"Whatever. Basta para sa akin, mas magaling at di-hamak na mas guwapo si Conrad kaysa sa Lander na 'yon. But I'm still satisfied. You did it, girls! Hindi nakapunta si Horse Girl sa competition," nasisiyahang sabi ni Georgina.

Sina Stacy at Bea ang gumawa ng paraan para hindi makapanood ng event si Megan. Umupa ang dalawa ng babae upang i-distract si Megan. Nagtagumpay sina Stacy at Bea sa misyon. Hindi niya nakita si Horse Girl doon. Alam ni Georgina na napansin iyon ni Conrad dahil maraming beses itong tumingin-tingin sa audience area na tila may hinahanap. Disappointed ang mukha ni Conrad nang hindi nito nakita si Megan. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi nanalo si Conrad. Hati ang isip ni Conrad kay Megan at sa kompetisyon. Well, kahit may kapalit na konsekuwensiya kay Conrad ang ginawa nila, natutuwa pa rin si Georgina. Iyon talaga ang gusto nilang mangyari. Magagalit si Conrad kay Megan dahil hindi man lang sinuportahan si Conrad ng girlfriend sa laban nito. Mag-aaway ang mga ito at magkakatampuhan. Iyon na ang simula ng pagkakaroon nina Megan at Conrad nang hindi pagkakaunawaan.

Stacy giggled. "Told ya, maaasahan mo kami dito, girl." Kapagkuwan ay tumunog ang cell phone nito. "Oh, wait. Chelsea's calling. 'Yong inupahan naming girl. Mag-a-update siya sa atin." Sinagot nito ang tawag. Aliw na aliw ang mukha ni Stacy nang matapos ang tawag.

"What did she tell you?" tanong ni Bea.

"Girls, ang dali lang daw palang mauto ni Megan. Kaunting drama lang ni Chelsea sa kanya, bumigay agad. Pumayag agad na i-feature ang love story ni Chelsea sa article niya. Tamang-tama dahil in-assign daw si Megan na mag-interview ng mga estudyante about their love life. Noong una ay nag-aalangan pa si Megan dahil nga may swimming competition si Conrad at kailangang naroon siya dahil nakapangako siya at para suportahan bilang girlfriend nito. Pero no'ng umiyak na si Chelsea sa harapan niya, wala na siyang nagawa. In-interview na niya si Chelsea."

Natawa si Georgina. "Really? God, she's so pathetic. Dahil sa ginawa niya, magagalit si Conrad sa kanya. Ipinagpalit niya ang boyfriend niya para sa ibang tao. Doon sila mag-aawat at magkakaroon nang hindi pagkakaunawaan."

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now