Who Really Are You?

3K 117 3
                                    

TAHIMIK na nagbabasa ng latest fashion magazine habang nakahiga sa pool lounger si Georgina. Hindi siya makapaniwalang nasa mansiyon uli siya ng mga Lagdameo. Wala siyang pasok sa school kaya nag-shopping sila ng mommy niya at nag-bonding dahil naging abala ang ina sa negosyo nang masalubong nila sina Tita Der at Lander sa mall. Parang kailan lang, iniisip ni Georgina kung ano ang mangyayari kapag nagkakilala ang mommy niya at ang mommy ni Lander. Now that it happened, they were in big trouble. Kailangan nilang panindigan ang pagpapanggap. Wala silang nagawa kundi ipakilala ang isa't isa bilang magkasintahan sa mommy niya. Gulat na gulat ang mommy niya. Bakit daw hindi niya sinasabi rito na may boyfriend na siya? Ngalingaling sabihin ni Georgina sa ina na hindi niya boyfriend ang nagkatawang-taong jerk na iyon. Mabuti na lang at hindi nagtaka at nagtanong pa si Tita Der kung bakit walang kaalam-alam ang mommy ni Georgina sa "relasyon" nila ni Lander dahil magaling siyang magdahilan.

Nagustuhan ng mommy ni Georgina si Lander. Katulad ng pagkakagusto ni Tita Der sa kanya para sa anak nito. Vocal na vocal din ang mommy niya sa pagsasabi na napakaguwapo ni Lander. Pinigil ni Georgina ang sariling itirik ang mga mata sa nakitang reaksiyon ng walanghiya. Tuwang-tuwa ito. Nadagdagan na naman ang kayabangan ni Lander sa sarili dahil sa pamumuri ng kanyang ina.

Mabilis na nag-click ang kanilang mga ina. Tuwang-tuwa ang mommy ni Georgina nang malamang fan ito ni Tita Der. Nagtuloy-tuloy ang pagdadaldalan ng dalawang ginang hanggang sa imbitahan sila ni Tita Der na mag-merienda sa mansiyon ng mga ito. Hindi naman nagdalawang-isip ang mommy niya at agad na pinaunlakan ang paanyaya ni Tita Der. Kasalukuyang nagba-bonding ang mga ito habang sila ni Lander ay nasa pool area. Ang sabi ni Lander kay Georgina ay tamang-tama na naroon siya para bigyan ito ng moral support sa pagpa-practice mag-swimming para sa nalalapit na championship game ng interschool swimming competition. Tinarayan lang niya ito at imbes na panoorin mag-swimming, nagbasa si Georgina ng fashion magazine. May magagawa pa siyang makabuluhan. Hinayaan lang niya si Lander na mag-swimming nang mag-swimming hanggang sa lumawit ang dila nito.

Sa tuwina ay napapantastikuhan si Georgina. Parang siya lang ang nag-aalala sa sitwasyon. Hindi man lang niya nakitaan ng pag-aalala si Lander dahil nalaman na ng mommy niya ang "relasyon" nila. Kampante lang ito. Para pa ngang pabor na pabor ang nangyayari dito.

Personal ding humingi uli ng tawad si Tita Der kay Georgina pagkatapos ng araw na ipinakilala siya ni Lander bilang nobya dito. Oo nga at nagustuhan ni Tita Der si Alice para kay Lander, pero mas masidhi ang pagkakagusto ng ginang na si Georgina na ang makatuluyan ng anak balang-araw. Bagay na bagay daw kasi sila ng binata sa isa't isa. Hindi alam ni Georgina kung ano ang dapat sabihin pagkatapos niyon. Nabahala siya dahil mukhang nasentro na sa "relasyon" nila ni Lander ang buong atensiyon ni Tita Der.

Ayon kay Lander, nakausap na rin Tita Der si Alice. Ipinaalam ng ginang sa babae na may girlfriend na ang anak nito. Na-disappoint at nanghinayang daw si Alice. Tila naman nabunutan ng tinik si Lander dahil sa wakas ay titigilan na ito ni Alice. Wala nang setup date mula kay Tita Der ang kailangan nitong takasan. Nagtagumpay nga sila sa plano ngunit nalaman naman ng mommy ni Georgina ang pagpapanggap nila.

"Georgie baby?" narinig niyang tawag ni Lander.

Napipilitang tiningnan ni Georgina ito. Nakita niyang nasa gilid ng pool si Lander at nakatunghay sa kanya. "What?"

"Will you hand the towel for me, please?"

Nakasabit lang sa tabi niya ang asul na tuwalyang tinutukoy nito. "Ayoko nga. May mga kamay at paa ka naman, ipapaabot mo pa sa akin."

Tumawa si Lander.

Napasimangot siya. Damn. How the hell happened that his laughter sounds good to me now?

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Where stories live. Discover now