Chapter 7: Nightmare

6.3K 135 1
                                    

Elle's POV

Lumakad na kami sa garden at umupo sa ilalim ng puno. Umupo ako sa damuhan at ganun din naman siya pero medyo malayo sakin. Tiningnan ko ang paligid. Sobrang tahimik. Hindi ba siya natatakot dito?

"Aze." tawag sakin ni Haven. Kapag tinatawag niya talaga ako sa pangalan ko doon ko lang nalalaman na seryoso siya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ah, nothing." sambit niya.

"Alam mo ba sabi sa akin ng kaibigan ko dati. Stars are always watching and taking care of you. Hindi ko alam dati ang ibig sabihin noon kasi maliit pa ako nun, pero nung time na pinasok iyong orphanage ng mga magnanakaw doon ko nalaman na siguro nga totoo. Gabi kasi nangyari ehh." nakangiti kong sambit habang nakatingin sa langit.

"You came from an orphanage?" Tanong niya.

"Oo ehhh." sagot ko.

"Is it hard?" May bahid ng pagkaseryoso sa boses niya.

"Ang ano?" Tanong ko.

"Is it hard when you don't have a parents?"tanong niya.

"Nung una sobrang hirap pero nung tumagal nababawasan, siguro dahil natatanggap ko na." sagot ko ng may bahid ng lungkot sa boses.

"Iniisip ko na lang na may dahilan ang diyos para mangyari ito sa'kin. Wala rin namang mangyayari kung magpapaka lungkot ako." sagot ko nang nakangiti habang nakatingin sa langit.

"You're so positive." sambit ni Haven.

"Ikaw asan parents mo?" Tanong ko sa kanya.

"They are far away from here." sambit niya.

Malayo?

"Ahhh/" nasabi ko na lang. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Lumingon ako sa pwesto niya at nakita kong natutulog siya. Napatitig ako sa kanya. Ang peaceful ng mukha niya.

Hindi kita mabasa. Hindi ko malaman kung ano nasa isip mo. Sino ka ba talaga Haven?

Nagulat naman ako ng magsalita siya.

"Quit staring." sabi niya ng nakapikit parin.

"Hindi kita tinititigan." pagtanggi ko.

"Whatever." sabi niya at biglang bumangon sa pagkakahiga. Nagsimula siyang maglakad.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Home." maikling sagot niya.

"Okay bye." paalam ko.

"You should go home too." sabi niya habang nakatalikod sakin.

"Sige, maya~maya siguro." sambit ko. Hindi na siya sumagot at naglakad na paalis. Nang siya'y makaalis ay nanatili lang ako sa pwesto ko. Tinatanaw ko parin ang kalangitan.

Naalala ko na naman ang pangyayaring yun. Bakit hindi ko malimutan? Sino ba talaga ako?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang sakit pa rin pala. Agad kong pinahid ang luha ko at tumayo na. Nagsimula na akong lumakad at umuwi na. Nakarating ako sa aking apartment at nagsimula ng maghanda para sa pagtulog. Nahiga ako sa kama.

Ito ang unang beses na nakausap kita ng seryoso Haven.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip.

**********Kinabukasan********

Elle's POV

"Run! Baby run! " sigaw ng isang babae sa isang batang babae

"Mom!!! " sigaw ng batang babae

"Ha you think you can live? I'll make sure that you're both going to live in hell." tumatawang sabi ng lalaking nakamaskara.

"Leave baby leave" sigaw muli ng babae.

"Mom" Umiiyak na sabi ng batang babae habang tumatakbo.

"Catch the kid." sigaw ng isa pang nakamaskarang lalaki.

Takbo ang ginawa ng batang babae. Umiiyak parin ito.Hindi niya namalayan na maaabutan na siya ng lalaki. Naabutan siya nito at itatarak na sana ang kutsilyo.

"MOM!!!!"

What the hell? anong klaseng panaginip un? At sino yun?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon