Capitulo Uno

3.8K 99 7
                                    

Nagising nalang ako sa aking silid at saka masakit ang ulo ko. Maririnig ko ang mga hagulhol ni ina mula sa baba. Sa aking pagtataka, lumabas ako mula sa silid at bumababa.

Nakita ko si ina na umiiyak at si ama na pinapatahan si ina sa kanyang pag-iyak. Narinig nila ang yabag ng aking mga tsinelas at napalingon naman silang ina sa kanilang nakita.

" Anak? " napatigil si ina sa pag-iyak at mukhang nataranta.

" Bakit po ina? May problema ba? " nagtataka kong tanong.

Agad namang tumakbo si ina at ama papunta sakin at niyakap ako nang mahigpit...

" Akala namin na hindi ka na gigising pa. Limang araw kanang nahimatay mula nong umalis si binibining Carmen ng San Ignacio. " paliwanag ni ama habang hinihimas ni ina ang ulo ko.

Napahawak ako sa mga bisig ni ina nang maramdaman kong umikot ang paningin ko. Mukhang nahihilo ata ako. Napaupo ako at parang nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko.

" Anak? Ayos ka lang? " nag-aalalang tugon ni ina.

Bakas sa mukha nya ang labis na pagkabahala. Inalalayan ako ng mga katulong papunta sa aking silid.

Mula pa kasi noong bata pa ay sakitin talaga ako. Malinaw pa sa aking mga ala-ala ang mga panahon na isinugod ako sa paggamutan. Labis na nabahala si ina sa aking kalagayan.

Nagdaan ang mga oras na ako ay nasa loob ng aking silid. Wala akong magawa kundi magsulat at magbasa nang biglang kumatok ang pinto at bumungad sa akin si Francisco na siyang tagasilbi ko. Binatilyo na si Francisco na nasa dalawampung taong gulang ngayon at mahigit sampung taon na siyang nagsilbi sa pamilya namin.

" Señorito, si ginoong Esteban ay nasa ibaba hinihintay po kayo. " wika nya sa akin.

" Ganon ba? Oh sya. Pakisabi sa kanya na nasa kwarto ako at pakisabi din na kanya na patunguhin siya dito sa taas por favor. "  tugon ko sa kanya.

" Masusunod po señorito. " tugon siya. Nagbigay galang siya saka umalis. Ilang sandali pa ay may kumatok ulit sa pintuan ko.

" Maari ka pong pumasok " wika ko.

" Buenos días amigo ( Good morning my friend ). Kamusta kana? Balita koy ikaw ay nagdadalamhati dahil sa pag-alis ni binibining Carmen. " tugon ni Esteban habang nakaupo sa silya.

" Maayos naman. Para akong natabunan ng buong kalawakan nang sinabi nya sakin na hindi kami para sa isa't isa! " maluha kong tugon kay Esteban.

" Ayos lang iyan amigo. Marami pang mga babae sa buong mundo at makakita ka pa ng mas mabuti pa kaysa sa kay binibining Carmen. " nakangiti nyang tugon habang pinunasan nya ang luha ko.

Si Esteban Ignacio ay anak nila Don Agusto at Doña Faustina Ignacio. Naging makaklase ko siya noong nag-aaral ako sa pagtugtog ng piyano. Palangiti at palakaibigan itong si Esteban. Nag-simula ang pagkakaibigan namin nong ipinagtanggol ko siya sa harap ng mga nanglalait sa kanya kaya hanggang ngayon matalik kami na kaibigan ni Esteban.

" Siya nga pala Sebastian, nagtanong si Ginoong Natividad kung interesado kabang bumili ng aklat. " wika ni Esteban.

" Oo naman. Pupunta na tayo sa bayan. Maayos na naman ang pakiramdam ko. " tugon ko habang nagbihis panglakad.

Lumabas na kami ni Esteban sa bahay at sumakay kami sa aming karwahe papunta ng bayan.

Kakausbong palang ng bayang ito kaya napansin namin na maraming nagtungo dito upang manirahan at magtrabaho.

Ang bayan ng San Ignacio ay nasa gita ng tatlong makapangyarihang bayan. Ang bayan ng San Miguel, Rondello, at San Jose. Ang unang nanirahan dito ay ang pamilya Ignacio, sumunod ang mga pamilya Agustin at pamilyang Buenaventura at panghuli ay ang aming pamilya, ang pamilya Navarro.

Nasa bayan na kami. Nakatingin ako sa isang simbahan na itinatayo pa. Malapit na itong matapos sabi ni Esteban. Dumating kami sa tindahan ng aklat ni Ginoong Natividad.

" Ginoong Esteban at Señorito Sebastian. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? " tugon ni Ginoong Natividad.

" Nais ko lang pong bumili ng aklat. " wika ko sa kanya.

Dali-daling pumunta sa likod si Ginoong Natividad at kumuha ng aklat. Napatingin ako sa mga pahina.

" Eto po ang bayad Ginoong Natividad at mauna na kami. " tugon ko kay Ginoong Natividad.

" Paalam ginoo at señorito. Mag-iingat kayo. " kumakawayng sabi ni Ginoong Natividad.

Habang sumasakay kami ni Esteban pauwi, nakakita ako ng isang pamilyar na mukha. Isang babaeng parang dalawpung taong gulang na din na naglalakad kasama ang kanyang tagasilbi. Nakasuot siya ng isang berdeng baro at saya at naka payong siya.

Nauwi na siya?

Si Cecilia?

Tama nga ako. Ang babaeng iyon ay si binibining Cecilia Agustin. Ang unica hija ng San Ignacio. Bakit ganyan ang titulo nya? Kasi anak siya ng gobernador ng bayan na si Don Fidel Agustin. Siya nga! Si Cecilia.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now