Prologo de Historia

6.6K 159 12
                                    

Ika-12 ng Agosto, año 1788

Minamahal na Carmen,

Mahal ko, Labis akong nalulungkot sa balitang aalis ka papuntang España. Natatakot ako. Parang awa mo na,wag mo kong iiwan. Gusto sana kitang makita sa huling pagkakataon. Sana'y magpakita ka sa ating tagpuan. Naway matugunan mo ang hiling ko.

Nagmamakaawa,

Baste

Ako si Sebastian Navarro. Anak ng butihing pamilya ng mga Navarro na sina Don Segismundo at Doña Gaudencia Navarro. Isa akong principales ( noble ) sa bayan ng San Ignacio. Labis ang aking pagdadalamhati nang malaman ko na aalis ang aking pinakamamahal na Carmen. Kaya ngayon ay sakay ako ng karwahe namin papunta sa daungan kung saan ako sinabihan ni Carmen na magkita kami. Ngayon ay natatanaw ko na sya sa malayo. Kumakaway ako sa kanya.

" Sebastian? " tugon nya kasabay ng paglingon.

Agad siyang tumakbo papunta sa akin...

" Mi amor, wag mo akong iwan! " pagmamakaawa ko sa kanya.

" Aalis na ako. Hindi tayo para sa isa't Isa Baste! Mula ngayon buburahin kita mula sa mga ala-ala ko. " wika niya habang naglalakad papunta sa barkong Esmeralda.

Para akong natabunan ng mga kalangitan sa nasabi nya. Naiwan nalang akong parang istatwang naka-umbok sa lupa. Hindi ako makapaniwala! Iiwan na niya ako! Pagkatapos nang lahat lahat ng iyon, lahat ng pangako ay napunta lang sa wala.

Naramdaman ko na may tumulong luha sa mata ko. Paalam na Carmen.

Nilapitan ako ni Mang Berting at tinapik ang balikat ko.

" Señor, tama na iyan. Tara na po. " wika nya.

Sumakay nalang ako sa karwahe at humihikbing nakayuko.

Paalam na Carmen. Paalam na mahal ko.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now