Chapter 12

60 23 0
                                    

Matagal na




"Ate, pagkatapos nang klase ko, sunduin mo ako. Pupunta kami nang mga kaklase ko kina Miguel." Sabi ni Chase sa gitna nang pag dadrive ko.

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Chase sakin na susunduin ko raw siya mamaya dahil may pupunta sila nang mga kaklase niya sa bahay nila Miguel. In short, makikita ko rin si Tanyo.

Pinarke ko ang aking sasakyan sa labas nang eskwelahan nina Chase. Binuksan na ni Chase ang pinto sa kotse bago siya lumabas. Kinuha niya muna ang kanyang mga gamit sa backseat at nag paalam na agad siya sakin.

Habang nag dadrive ako ay nag isip isip ako kung ano ang mangyayari mamaya. Makikita ko kaya si Tanyo?  Kasama niya naman ba si Rita mamaya? Nandun kaya silang dalawa  sa bahay nila? Oh gosh, why i'm so over thinking that?

Pagkatapos nang klase namin ay agad na lumabas ako sa aming paaralan. Nakita ko na kaagad si Tanyo na nakasandal sa kotse ko na halatang hinihintay ako. Naligaw siya nang tingin sakin kaya ko binilisan ang paglakad papunta sa kanya. Nag ayos rin siya nang tayo nang makita na ako.

"Tanyo, pupunta muna tayo paaralan nina Chase, pupunta kasi sila nang mga kaklase nila sa bahay nila Miguel. Sa bahay niyo." Sabi ko sa kanya at nag iwas agad ako nang tingin.

"Sige, madam." Tanging sagot ni Tanyo at pinagbuksan niya ako nang pinto at tuluyan na akong pumasok. Lumibot na rin siya saking harapan at pumasok na rin.

Habang nagmamaneho si Tanyo at papunta sa eskwelahan nina Chase ay wala kaming imikan. Walang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang mamangha sa kanyang mukha. Damn that gesture. He has a adorable eyes. Mahaba ang pilik mata niya.

Pagdating namin sa eskwelahan nina Chase ay nakita na namin sila kasama ang kapatid ni Tanyo na si Miguel at ang dalawa pang kasama nila. Agad na silang pumasok at sumakay silang apat sa likod, habang kaming dalawa ni Tanyo ay hindi parin nagsasalita. God, gusto ko nang makausap siya.

Ang ingay nang mga kasamahan ni Chase at ang kapatid ko rin, halos silang lahat lang ang nag babasag nang katahimikan samin. Bigla tuloy akong napaisip na na a out of place na kaming dalawa ni Tanyo sa loob nang kotse. God, matagal ko na talagang gusto si Tanyo.

Nang nakarating na kami sa bahay nina Tanyo ay isa isa nang lumabas sina Chase at ang kanyang mga kaklase. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay bigla nalang nagsalita si Tanyo, at nilingon ko agad siya. Sa wakas, nagsalita narin siya.

"Madam, ako na magbubukas." Sabi niya at ngumiti at tumangon nalang ako bilang sagot. Agad naman niyang binuksan at lumabas na agad ako. Nag una na rin siya, sumunod siya sa mga bata.

Pagpasok ko sa bahay nila ay narinig ko na ang tawanan nila Chase. Nauna na rin kasing pumasok si Tanyo at nahuli ako. Nabigla nalang ako nang makita ko si Rita na nakangiti dahil nandito na si Tanyo ngunit napawi agad ito nang makita ang aking presensya. Ba't ayaw niya sakin? Wala akong pakealam sa kanya.

Niyaya ni Rita si Tanyo sa kusina at lumingon muna si Tanyo sakin na para bang nag papaalam na pumunt muna siya sa kusina  hindi ko nalang siya pinansin. Umupo ako sa upuan nila.




Pagkatapos nang ilang minuto ay hindi parin tapos sina Chase sa kung ano man ang ginagawa nila. At napagdesisyonan kong tumingin tingin muna sa bahay nila Tanyo. May narinig akong tawanan, sinundan ko ito at nakita ko si Rita na nagluluto at si Tanyo na tumitingin lang sa kanya. Nagluto si Rita nang Manok na tinola.


Nakita ko kung paano sinubuan ni Rita si Tanyo sa kanyang nilutong Tinola. Si Tanyo naman ay parang nasasarapan kasi nakangiti ito, para silang mag asawa. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang naglabasan ang aking mga luha sa aking mga mata habang nakikita sila. Agad akong nagpaalam sa kapatid ko na lumabas muna para mag pahangin kahit hindi naman.


"Labas muna ako, Chase."  Paalam ko kay Chase at tumango naman ang kapatid ko bilang sagot niya at nagpatuloy sa kanilang ginagawa.




Dali dali akong lumabas sa bahay nina Tanyo na luhaan papunta sa labas para mawala na rin itong sakit na aking nararamdaman. Paglabas ko ay halos madapa na ako dahil sa paglalakad ko. Umabot ako sa kotse ko. Sumandal nalang ako at nakatingin sa langit habang ang mga luha ay hinay hinay kung pinahid gamit ang aking panyo.





Nagulat nalang ako sa kilid ko na parang may pamilyar na anino pero hindi ko nalang ito pinansin. Agad agad itong lumapit sakin ngunit wala parin akong pakealam. Nang magsalita siya ay tumigil ang mundo ko.





"Itigil mo na yan, walang namamagitan sa aming dalawa ni Rita." Sabi nang boses sa gilid ko at hinay hinay ko itong nilingon at nakita ko si Tanyo.




Fuck! Walang namamagitan? Palusot lang yan. I'm not stupid to believe it. Hindi rin ako tanga para maniwala. Dali dali kong pinunasan ang aking luha bago lumingon kay Tanyo na nakatingin lang sakin. Ngunit hindi ito nawala sa halip ay mas lumala ang aking mga luha.





"Why do you care?! Wala kang pakealam dito. Umalis ka na. Samahan mo si Rita." Sabi ko sa kanya.






"Sasamahan kita." Sagot niya. Fuck! Ano bang gusto niya?! Paasahin ako?








"Fuck! Ano bang gusto mo Tanyo?!"






"Wala akong gusto kay Rita."





"Fuck you! Wala kang gusto sa kanya! Pero gusto kita! Gustong gusto kita Tanyo! I'm fucking inlove with you! Matagal na kitang gusto, noon pa! Pero kay Rita ka palaging tumitingin. Bakit? Dahil ba immature ako?! Bata akong mag isip?! Ganun ba? Na si Rita ay mas matanda pa sayo. Ganyan naman talaga ang mga gusto niyong mga lalaki." Sigaw na sabi ko sa kanya.




Nakita ko ang nalaglag niyang mga panga at tumingin sakin. Pinahid mo ang aking mga luha. at iniwas ko ang tingin sa kanya. Hind ko kaya.







"Hindi ito pwede." Tanging sabi niya.







"Hindi talaga pwede!". Giit ko.







******

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now