Chapter 8

59 26 1
                                    

Selos

"Ate, pamilyar nga ang kuya ni Miguel. Sino nga yung Miguel?" Tanong ni Chase sa kanyang kaklase na si Miguel.




"Tanyo ba?"




Bigla akong nanlamig sa mga narinig ko. Sa mga sinabi nang classmate ni Chase na si Miguel. Kuya niya si Tanyo?! Oh damn this fucking shit. Wala na. Finish na.




"Ah, oo. Si Kuya Tanyo nga. Diba ate?" Pang aasar ni Chase.





Mag isa lang ba dito si Miguel? Nasan ang kuya niya? Nasan ang mga magulang niya?





"Ali ka na, Chase. Wala pa kasi sila nanay at tatay kaya wag na natin silang hintayin. At si Kuya, hindi ko alam kung nasan yun." Sabi ni Miguel na akmang tatayo na.




Akmang tatayo na rin sana kaming dalawa ni Chase nang may narinig kaming mga yapak na papasok dito. At sa kinagulat ko ay si Tanyo. Si Tanyo nga may kasama siyang babae na kaedad lang niya. Kapatid ba nila to? Hindi pwede, may magkapatid bang naglalandian? Sino to?.





Napatingin si Tanyo sa gawi namin lalo na sakin. Walang bakas ang kanyang emosyon. Hindi mo masasabi kung nagulat ba siya o ano. Napatingin rin ang babaeng kasama ni Tanyo samin at sa akin.



"Oh, nandito na pala sina Kuya at Ate Rita , Chase."



"Peach." Sabi ni Tanyo.




"Sino siya Tanyo?" Tanong nang babaeng pangalan ay Rita.





"Anak nang amo ko. At itong isa ay kapatid niya na kaklase pala ni Miguel." Sabi ni Tanyo sa babaeng si Rita..




Habang ako ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Dahil bigla nalang kumurot ang puso ko nang makita ang babaeng si Rita na kanina pa nakadikit ang mga kamay sa braso ni Tanyo. Wala rin akong planong makipag kilala sa Rita na ito kasi hindi rin naman siya nagpapakilala. Why would do it in the first place?




"Kuya samahan niyo kami sa basketball court." Ani Miguel sa kanyang kuya.



"Sige." Sagot ni Tanyo habang si Rita ay sunod parin nang sunod kay Tanyo.




Sumunod nalang ako kay Chase na nag una na palang lumabas kanina pa. Gusto ko nang umuwi, ayaw kong makita ang mga taong nandito ngayon sa harapan ko. Nilock agad ni Tanyo ang kanilang bahay. Masasabi mo talagang maganda talaga ang bahay nila kahit maliit lang makikita at makikita mo kung gaano ka linis ang kailang bahay.



Nagsimula na sila Chase at ang iba pang mga kasamahan niya sa pag skaskateboard. Habang ako ay nakatayo lang sa puno sa tapat nang kotse ko na tinitingnan ang ginagawa nang kapatid ko. Nakita ko sina Tanyo at Rita na bumili ang nang soft drinks.




Bakit parang may lumalabas na mga usok galing sa ilong ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama. Okay, aaminini ko na! Nagseselos ako! Nag seselos ako kay Rita na dapat ako ang nasa sitwasyon niya na kasama si Tanyo! Dahil i'm freaking inlove with Tanyo! I'm fucking jealous at them!



"Hindi ka na naman mapakali." May taong bigla nalang nagsalita sa likod ko. At pamilyar siya.





Nilingon ko kung sino ang nagsasalita sa likod ko. At bumungad sa akin si Tanyo. Akala ko ba sasamahan niya si Rita sa pag papanood nang skateboarding?




"Ba't ka nandito? Diba kasama mo yung girlfriend mo?" Sabi ko sa kanya ngunit nagulat nalang ako nang naglahad siya nang isang softdrinks na nakabalot sa isang cellophane. At binigay sakin.




"Hindi ako umiinom nang ganyan." Sabi ko pero tinanggap ko naman at napangisi nalang si Tanyo sa ginawa ko.






"Hindi ko girlfriend si Rita. At wala akong girlfriend." Sabi niya.




Sinong niloko niya? Halos magkahalikan na nga silang dalawa ni Rita kanina tapos sasabihin niya lang na wala siyang girlfriend? Walang girlfriend my ass.





"Sinong niloko mo? Luma na yan." Sabi ko with a sarcastic tone.



"Nagsasabi ako nang totoo. Kaibigan ko lang si Rita. Noon pa, kaya ganun ang turingan namin."




Heh! Oo inaamin ko, maganda rin naman si Rita. Morena nga lang, hindi ko alam kung mabait ba ito o hindi kasi sa palagay ko ay hindi. H I N D I S I Y A M A B A I T. Kanina niya pa nga ako tinatarayan.




"Ba't ka nandito? Ayun siya oh! Nag iisa, hinahanap ka niya. Alis na"




"Nagseselos ka ba?" Tanong niya na kinabigla ko.



Grabe naman no? Ang lakas naman talaga nang hangin dito. Mas malakas pa sa sinabi ni Tanyo. Ang kapal kase eh. Porket may gusto ako sa kanya!.




"Mahangin ka naman masyado. Bawasan mo nang konti kasi hindi yan tatalab sakin. Ako? Magseselos? Selos my ass!." Sabi ko sa harapan niya at umalis na.


Ang kapal din naman niyang pangunahin ako. Hindi niya alam ang nararamdaman ko! Pero bakit parang nababasa niya ang nararamdaman ko. Umalis nalang ako sa kina tatayuan ko at napag desisyonan na pumunta nalang sa kotse. Nakita ko pa siya na nandun parin sa lungga kung saan ako nakatayo kanina habang nanonood sa aking kapatid.




Bigla tuloy akong nakonsensya sa ginawa ko. Nakokonsensya ako dahil natapon ko ang softdrinks na binigay niya sakin. Binili niya ba talaga yun para sakin? Hindi man lang ako nagpasalamat sa kanya. Tapos, tinapon ko pa ang wala pang nababawasan na softdrinks.  Pumasok nalang ako sa loob nang kotse at nagmuni muning mag isa. Ayaw ko nang lumabas, wala na akong gana pang lumabas. Siguro, hihintayin ko nalang si Chase kung kailan matatapos ang kanilang laro na skateboard, kahit nabobored na ako dito sa kotse.





Gusto ko na sanang lumabas sa kotse pero hindi ko na magawa dahil nahihiya na akong makita muli ang pagmumukha ni Tanyo. Dahil ngayon lang ako nagkaganito, ngayon lang ako hindi mapakali dahil lang sa isang lalaki.




Aaminin ko na matagal na akong may gusto kay Tanyo, nagsimula itong nakita ko siya sa Storage room. Dahil nasisinaw ako sa kanyang kagisigan. Oo na, abs ang isa sa nagustuhan ko sa kanya. Dahil na rin sa magandang hubog nang kanyang katawan ay may gwapo rin siyang mukha na mala Adonis. Sinasambahan ko na naman kung anong meron sa kanya.



Fuck! I can't believed i'm really fall for him.

******

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now