Chapter 28

53 23 0
                                    


Pag iisipan



Pagdating ko sa San Francisco International Airport ay sumalubong sakin maraming tao na kakadating rin tulad ko. Ang iba ay pupunta sa kanilang mga destinasyon. Ang sabi ni dad sakin ay mag aabang raw si Lavender pagdating ko sa airport, ngunit wala pa siya. Kaya nagpasyahan kong maghanap sa kanya baka sakali nasa paligid lang siya.






Hinanap ko muna si Lavender sa paligid. Nag aliw aliw ako, habang dala dala ko ang aking dalawang mabibigat na maleta, pero kaya lang. Napagdesisyonan kong kinuha ang cellphone ko sa gucci kong sling bag at nag take ako nang mga selfies and pictures sa sarili ko.





Napansin kong may tumatawag sa aking likuran kaya napagpasyahan kong lingunin ito kung sino, at nakita ko ang maganda kong pinsan na si Lavender na tumatawag sakin. Mas lalo siyang gumanda, by the way.





"Peach!." Tawag sakin ni Lavender at agad ko rin itong nginitian at lumapit.





"Lavender..." sabi ko at niyakap namin ang isa't isa nang napakahigpit.




"You look prettier now than before, Peach! Ang ganda mo na!"




"You too, Lav. By the way, pwedeng sa bahay mo muna tayo mag usap? I'm tired sa byahe.." sabi ko at sumimangot ang pinsan ko. Ang ganda niya talaga.




"Okay, pero siguraduhin mo talaga na mag chichika tayo, baka tulugan mo lang ako." Sabi niya at tumawa nalang kaming dalawa.






Inalalayan ako ni Lavender sa isa kong maleta. Akala ko may kasama siyang mga bodyguard niya. Tinanong ko siya kung meron, pero ang sinabi niya ay wala raw. She don't need a body guards around her. Hindi siya gusto may umalalay sa kanya, kahit hindi ito ang hinihiling ni tito sa  kanya. Pero wala na rin silang magawa. Lavender is the only daughter of tito and tita Galpez, kaya sinunod nalang nila ito ang gusto niya.






Sumakay kaming dalawa sa ford na SUV na kotse niya. Nasa front seat kaming dalawa. She knows how to drive. Lahat kaming magpipinsan ay marunong, except for Chase, he's too you to do these stuffs. Habang nagmamaneho si Lavender ay nagkukwentuhan kaming dalawa pagkatapos, magtatawanan. Basta, ang ingay naming dalawa sa loob nang kotse niya. Pinaandar din niya ang kanyang radio at kumanta nang Malibu Nights... natawa nalang ako.






Nadaanan namin ang Hollywood na statue board. Ang ganda talaga dito sa California, mainit pero malamig ang klima nila, di tulad sa Pilipinas. But i like Philippines. Ang daming palm trees sa Santa Monica. Lahat yata nang mga tao rito, maski babae o lalaki ay marunong mag drive. Of course! Kailangan talaga.






Hininto muna ni Lavender ang kanyang kotse sa tapat nang coffee shop. Sabi niya paiinomin niya raw muna ako nang kape para hindi ako makatulog mamaya sa aming chika, libre niya na daw. Umorder siya nang dalawang medium na cappucino na starbucks at dalawang strawberry half cake para saamin.






Habang nag oorder siya ay naghanap ako nang aming mauupuan.  The people around me are almost american, and most of them are foreign, like me, came from the other country. May nakita akong dalawa yatang pinay na siguro ay nagtatrabaho basi sa kanilang mga suot, most of them are OFW.






"One for you, and one for me.." Ani Lavender at ibinigay sakin ang isang starbucks at isang strawberry cake. Nag thank you ako sa kanya.








Pagkatapos niyang ibinigay sa akin ang coffee at cake ay tumitig pa siya sakin, na parang nagsasabi na magsimula na akong magkwento pero wala talaga akong gana makipag usap ngayon, ang gusto ko lang ngayon ay ang mag pahinga dahil pagod na pagod ako sa aking byahe. But this is Lavender, no one can refuse her so i decided to join her. Kahit wala sa bokabularyo kong makigkwento.







"I heard that you're the new CEO in Villa hotel for the mean time? Is that true, Peach? I heard it on Violet.." Tanong ni Lavender habang sinisimsim ang kanyang starbucks at kinakain ang kanyang strawberry cake. Agad na rin akong tumango sa kanyang tanong.

Ginaya ko na rin ang ginawa niya dahil kanina pa ako sa eroplano gutom na gutom. By the way, alas dyes na pala ngayon dito sa California, all the street lights are still on, at marami pang tao. Siguro sa Pilipinas wala nang naglalakad ngayon sa mga oras na ito.







"Itanong ko nalang kaya ngayon, Peach ang chismis natin? Para pagdating natin sa bahay ko ay makapagpahinga ka na. Is that okay with you?" Tanong ni Lavender at agad akong napatingin sa kanya.







"Yeah, go on." Walang gana kong sabi at ngumiti lang siya.







"How's your life as the CEO? I heard you have a relationship, is that true?" Ani Lavender na  kinalaki  nang mata ko.








Lahat ba talaga nang nagiging issue ko sa Pilipinas ay maabot dito? No other than Violet. Siya ang mahilig magsabi kay Lavender, magkakunsyaba silang dalawa pagdating sakin, in the end ako ang kawawa saming tatlo. Unlike Dark na walang pakealam.








"Seriously, Lav? Lahat ba nang mga nagiging issue ko sa Pilipinas ay madadating dito? Oh, no other than, Violet. Sino pa nga ba?" Sagot ko sa aking sariling tanong at tumikhim nalang si Lavender at ngumisi...







"So, Who is this guy, nga?" Tanong ni Lavender.







"Tanyo, his name. By the way, can't we talk about him? Were already broke up. He didn't fight for us, Lav. He didn't fight for me. So, what's use if i tell him to you?" Tanong ko at umirap nalang sa ire.







Ayaw ko nang buksan nang topic si Tanyo sa kahit kanino. Galit na galit ako sa kanya! Hindi ito kadaling mapapawi, dahil sa sobrang sakit. Nakita at naramdaman ko ang pag 'Oh' ni Lavender bago niya sinipsip ang kanyang starbucks at hindi na nagsalita. Siguro, narealized niya na hindi ko talaga gustong pag usapan ito.








"You should move on, Peach. Find a new guy. And then, date him." Ani Lavender.






"Hindi ganun kadali, Lav. By the way, may boyfriend ka na ba? Hindi mo na kasi sinasabi samin." Pag iba ko nang usapan. Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata sa tanong ko.







"That is not my priority, Peach."

"Talaga lang ah?"


"Yes. By the way, why don't you join me? Model agency? Your perfect body will suits there. Sige na! I will help you.. Victoria Secret? Calvin Klein?" Ani Violet at nalaglag ang aking mga panga.





"I'm not into modelling, Lav-"


"You should atleast try it! Para naman magka benefits ka. Malay mo isa ka na sa mga model nang kagaya nang pinapasukan ko." Ani Lavender.





"Pag iisipan ko." Tanging sagot ko.






"By the way, aalis na tayo? Kailangan na tayong umuwi dahil maaga pa ang photoshoot ko sa Penshoppe bukas. And you should rest now."






******

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon