Chapter 14

55 21 1
                                    

Matagal na

Malapit nang matapos ang aming klase. Ito na ang huling subject at ilang minuto nalang din ay matatapos na kami. Sa nangyari saming dalawa ni Tanyo nung isang gabi ay hindi ko magawang magalit sa kanya dahil hindi naman ako ang komocontrol sa kanya.


Kahit masakit ay tatanggapin ko. He's right. Tama nga siguro siya, hindi nga siguro pwede na maging kami dahil alam na alam niya na marami ang hindi papayag samin. Ang mga tao sa paligid namin, baka sasabihin nila na kargador ang nakarelasyon ko. Hindi papayag ang mga kakilala ko, ang mga kaibigan ko. At lalong lalo na ang pamilya ko. Si daddy at mommy. Advance siguro siya.



Pero wala talaga akong magagawa, gusto ko talaga siya, hindi gusto kundi mahal. Mahal ko na yata siya. Pero iniisip kong lust and infuation lang ito, pero hindi talaga. Ngayon lang ako nabaliw sa kanya, ngayon lang ako naghabol. Ewan ko kung nagsasabi ba siya nang totoo na wala siyang gusto kay Rita dahil bigla lang naman gumaan ang aking pakiramdam nang marinig ko yun sa kanya.

Nagbell na rin sa wakas, at dali dali akong lumabas dahil naghihintay na siguro si Tanyo sa akin sa kotse ko. Maraming nagbabanggaan sa daan para lang makalabas sa mahabang corridor.  Nang makalabas na ako ay naaninag ko na kaagad ang aking kotse pero bigla nalang akong nadismaya nang wala pang Tanyo ang nakikita ko na nakasandal sa kotse ko.


Pumunta ako sa kotse ko. Wala akong choice kundi hintayin hintayin si Tanyo hanggang sa dumating siya. Napagdesisyonan ko na sa labas muna ako maghihintay habang nakasandal ako sa kotse ko. Ano naman kaya ang ginagawa nina Tanyo? May ginagawa kaya sila? I don't know.




Halos 30mins akong naghintay sa kanya dito sa labas nang kotse ko ay wala paring Tanyo ang nagpapakita sakin. Naglaro nalang ako sa aking cellphone Wala paring Tanyo ang dumating. Halos wala nang mga estudyante ang nakikita ko dito sa paaralan namin. Lahat ay nagsiuwian na at ako nalang siguro ang hindi pa umuuwi.



Napagdesisiyonan ko nang puntahan ko nalang kaya si Tanyo para makita at malaman ko kung ano ang ginagawa nila. Pagpasok ko ulit sa paaralan ay halos wala ka nang marinig na mga estudyante kasi napakatahimik na nang corridor. Hindi ko alam kung saan ang Classroom ni Tanyo.



Ang alam ko lang kasi ay pag ang mga third year college ay dito sa kaliwa banda lahat nang mga classroom dito. At sa kanan naman ang mga taga fourth year college, kaya napagdesisyonan ko na sa kanan pumunta kasi fourth year college naman si Tanyo.




Pati rin rito ay halos wala na ring mga estudyante. Ako nalang yata ang nakikita na nagpaligoy ligoy dito sa paaralan namin. Tinitingnan ko ang bawat mga classroom kung makikita ko ba si Tanyo ngunit wala parin.


Pero may narinig akong ingay sa ikalawa sa pinakahuli na classroom na nagtatawanan, boses babae at lalaki na parang sila lang dalawa, pamilya ang kanilang mga boses kaya sinundan ko ito nang dinig. Nang makarating ako sa classroom na yun ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sina Tanyo at Rita.


Sina Tanyo at Rita. Nagtatawanan silang dalawa, wala silang kasama kundi sila lang. Tabi silang dalawa sa pag upo. Nakita ko kung paano nakahawak si Rita sa mga matitigas na mga braso ni Tanyo habang ang kanyang ulo ay ipinatong sa balikat ni Tanyo. How fucking sweet. Dito pa talaga nila magawang maglandian? Naninikip na naman ang aking puso. Gustong gusto nang lumabas ang aking mga luha ngunit pinipigilan ko lamang ang mga ito.

Sinubukan kong itext si Tanyo. Tiningnan ko siya kung babasahin niya. Nakita ko kung paano inalis ang mga kamay ni Rita na hanggang ngayon ay tumatawa parin at tiningnan niya ang kanyang cellphone.


"Rita, alis na ako, naghihintay na si Madam sa labas." Paalam ni Tanyo kay Rita na nanlaki ang kanyang mga mata.


"Gusto mo ba siya?" Biglaang tanong ni Rita na kinalamig ni Tanyo. Ba't hindi siya makasagot?



Hindi ko na hinintay ang sagot ni Tanyo dahil alam na alam ko naman na hindi niya ako gusto. Lumaba na ako. Binilisan ko ang aking paglakad para hindi maabutan ni Tanyo na umiiyak ako. Pinunasan ko na rin ang aking luha. Pumunta agad ako sa Kotse para sabihin na kanina pa ako naghihintay.


Sumandal ako sa kotse para sabihin niya na kanina pa ako naghihintay pero nakatingin lang ako sa kawalan. Ramdam na ramdam ko na papalapit na siya sakin.


"Madam, pasensya na kung pinaghintay kita nang matagal may ginawa kasi kami nang kaklase ko." Sabi ni Tanyo habang ako ay hindi parin tumitingin sa kanya.

"Okay lang." Tanging sagot ko at pinagbuksan na niya ako nang kotse.



Sinimulan na niya ang pagmamaneho pero hindi parin ako tumitingin sa kanya sa halip ay sa bintana ako nakatingin para hindi niya makita na umiiyak ako. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sakin kasa segundo.



"Anong nangyari sayo?" Biglaang tanong niya.


"Wala. Wala ka na dun." Sagot ko hindi ko parin siya nilingon.


"Alam kong ako ang dahilan kung bakit basa ang mga mata mo. Wala akong gusto sa kanya." Ani Tanyo.




"Alam mo naman pala ang sagot bakit ka pa nagtatanong." Sabi ko.




"Itigil mo na ya-"


"The fuck?! Paano ko ititigil ito, Tanyo?! Paano ko ito ititigil na gusto kita?! Gustong gusto kita! Hindi lang gusto kundi mahal! Anong magagawa m-" naputol ang sasabihin ko dahil hininto muna niya ang ang sasakyan sa tabi nang kalsada.

"Anong magagawa ko?  Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko Peach! Sa tingin mo ba madali lang ang magpanggap na hindi kita gusto?! Noon pa kita minahal Peach! Noon pa kita gusto! Matagal na kitang mahal! Pero pinipigilan ko lang ito dahil alam kong marami ang hindi papayag. Hindi ito pwede, pinigilan ko kasi hindi papayag ang dad mo! Pero anong magagawa ko sa sarili ko? Na sa puso at isip ko ay ikaw lang naman ang inaalala ko." Sigaw niya at hinahampas niya pa ang manibela na kinagulat ko.



Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig sa mga sinabi ni Tanyo sa harap ko. Mahal niya raw ako noon pa? Unti unti siyang lumapit at hinawakan nang kanyang dalawang kamay ang aking mukha at dahan dahan akong hinalikan sa aking labi. Ramdam na ramdam ko kung paano siya kasabik sa paghalik sakin. Agad din siyang tumigil at tumingin sakin.




"You're just lying, Tanyo." Sabi ko at napangisi siya.


"No. Hindi ako nagsisinungaling. Hindi nga ako makapaniwala na napaamin mo ako." Sabi niya at ngumisi siya.





********

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now