Chapter 5

79 26 1
                                    

Facebook


"Ate! Gising na daw." Sigaw nang aking kapatid.

Maaga akong nagising dahil may pasok kami ngayon. Dali dali agad akong nagtungo sa banyo at hinubad ang aking mga damit at binuksan ang malamig na shower. Maagang maaga ay ang lamig na nang tubig. Nang makatapos na ako ay nagbihis agad ako nang aking uniform.



"Ate! Matagal ka pa dyan? May sasabihin kami ni Dad sayo pag nakarating ka na sa baba."


"Shut up, Chase! Umalis ka na."
Sabi ko kay Chase na kanina pa talaga ako iniinis.

Nagsuklay agad ako nang aking buhok at ginamitan nang hair dryer para mas madaling matuyo. Nilagyan ko pa nang maliit na make up aking aking makinis na mukha at umalis na. Naalala ko kung ano ang sinabi ni Chase! Oh god! Baka nakita nila yung loptop ko!

Pagbaba ko sa hagdan, nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko sina mommy, daddy, at Chase na kumakain na habang ang mga kasambahay namin ay nabubusy sa paghahain sa mga pagkain sa mesa. Magkaharap sina mommy at daddy, habang si Chase naman ay nasa gilid nilang dalawa. Umupo agad na rin ako sa gilid nina mommy at daddy na ngayon ay magkaharap kami nang aking kapatid.



Natamaan ko si Chase na nakatitig sakin at parang nagpipigil nang kanyang tawa dahil parang nang asar siya.! God, anong problema nang kapatid ko?! Sa halip na pansinin siya ay binigyan ko nalang siya nang mamaya-ka-lang-sakin-look, at nagpatuloy na ako sa aking pagkain. Kumuha ako nang kanin, bago ko tinusok ang bacon gamit ang aking tinidor ay biglang nagsalita si Chase.




"Dad, ano yung nakita natin sa loptop ni Ate kagabi?" Tanong ni Chase kay Dad kung kaya't napatingin sila daddy at mommy sakin na parang may tinatago silang  sekreto sakin.




"Peach? Kilala mo na pala si Tanyo? Nakita kasi namin sa facebook mo kagabi sa loptop mo." Sabi ni dad.






Biglang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni dad! This fucking feeling! Noo. Don't tell me! Don't tell me na inaad na nila si Tanyo! God! Ang tanga tanga ko! Nakalimutan kong i log out ang aking facebook account!






"Inadd friend narin namin si Tanyo, anak. At wala pang limang minuto yata ay inaccept ka na niya agad." Sabi naman ni mom na ngayon ay kinakain ang kanyang vegetables salad.





What the?! Nooo. Don't tell me na, na friend na kami ni Tanyo?! Godd baka isipin nang Tanyo na yun na naghahabol ako sa kanya! Sinulyapan ko ang aking walang kwentang kapatid na si Chase ngayon ay pinipigilan niya ang tumawa sa harap nang parents namin. Inirapan ko nalang siya. Nawalan na akong ganang kumain kaya umalis na ako.





"Aalis na ako, mom. Dad." Paalam ko kina mommy at daddy at hinalikan sila sa kanilang mga pisnge.



"Bye, Chase." Paalam ko sa sirang ulo kong kapatid.






Pumasok na agad ako sa aking kotse at nilagay ang aking bag sa kabila nang katabi kong upuan at sinimulan nang paandarin ang aking sasakyan papunta sa aking eskwelahan! Lunes ngayon, kaya sigurado akong traffic na naman kasi maraming estudyante ang nag aaral ngayon.

Agad kong pinarke ang aking sasakyan sa malapit na parking lot dito sa aming eskwelahan. Bumaba na ako. Nakita ko kung paano karami ang nag aaral dito. Pagpasok ko palang ay sa akin na agad nakatuon ang mga atensyon nang lahat nang estudyante. Narinig ko pa silang nabulong bulongan tungkol sa akin.


"Ang ganda niya."




"Shit! Gusto ko siyang ligawan"




"Villamonte daw yan, anak nang may ari nang Villa hotel. Mayaman daw."






"Immature nga lang."



Hindi ko nalang pinansin ang kanilang mga nonsense na mga pag uusap at nagpatuloy sa paglalakad. Hinanap ko na ang aking classroom sa bawat rooms na madadaanan ko ay tinitingnan ko ang bawat list of names nang mga estudyante.











Nang matapos na ang aming klase ay agad na akong lumabas sa aming classroom. Ganun parin, nagsiksikan parin ang mga estudyante sa corridor. Habang naglalakad ako ay nadatnan ko ang pamilyar na mukha! Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?!


Si Tanyo! Dito rin siya nag aaral?  Nakita ko siya na pinalilibutan nang mga babae. Nagtatawanan at nag titilian ang mga ito, ang iba ay humawak pa talaga sa braso niya! Naligaw si Tanyo nang kanyang pagtingin at agad rin itong tumingin sakin, nag iwas agad ako nang tingin. Ayaw ko sa presensya niya!







Nagmamadali akong maglakad. Lakad-takbo ang ginawa ko. Marami rin akong nakabangga na mga estudyante. Naramdaman kong sumusunod si Tanyo sakin dahil nawala na siya sa kanyang lungga.





Nang umabot na ako sa kotse ko ay nilingon ko na kaagad siya.


"Ikaw na naman?! Sinusundan mo ba ako? Pati rito?" Bulyag ko sa kanya.




"Dito ako nag aaral. At sabi nang dad mo ay sasabay na raw ako, dahil pupunta rin naman ako sa hotel niyo. May kakarga lang kami." Sabi niya. Ang kapal niya.







Nakita ko ang kanyang suot. Nakasuot siya nang maayos na damit! Godd. With matching manly cut hair pa ang kanyang buhok. Estudyanteng estudyante talaga siya. Hindi talaga akalain na maraming magkakagusto sa kanya. Dahil sa looks pa lang ay pasadong pasado na! He looks so decent! Oh god! Why i am praising him?





"At sinong nagsabi sayo na papasakayin kita?! Atsaka, hindi ka rin ba marunong pumara at mag commute? Wala ka bang pamasahe?" Tanong ko.





"May pamasahe naman ako at kaya kong mag commute pero sabi nang dad mo ay sasabay nalang daw ako at ako nalang daw ang mag dadrive." Sabi niya.





Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya! Hindi ako makapaniwala na sinabi yun ni dad sa kanya! Sumunod nalang ako dahil mukha namang hindi siya nagsisinungaling. Binigay ko na kaagad sa kanya ang aking susi, bago kami pumasok dalawa. No choice talaga ako kundi sundin ang daddy ko!





Sinimulan na niya ang pagmamaneho sa aking kotse, feel na feel talaga niya na sa kanya yan! Tumingin nalang ako daan. Habang siya ay nagmamaneho. Naligaw ang aking mga mata sa kanyang mala adonis na mukha! Ang haba nang pilik mata niya! Mas mahaba pa talaga sakin.




Ramdam na ramdam ko talaga ang awkwardness naming dalawa na may boundary sa pagitan namin dahil sa pagiging tahimik namin. Ni isa ay walang nagsalita sa amin.




******

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now