Chapter 36

64 24 0
                                    

Elope

"Thrym's dad and i were already made a decision that you and Thrym will get arrange marriage." Sabi ni dad na kinalaglag nang aking panga!








Lahat nang mga tito at tita ko ay nakangiti pati sina Mommy at Thrym! Mga pinsan ko ay nalaglag din ang kanilang mga panga sa mga narinig na sinabi ni dad at ang dad ni Thrym sa akin. Mukhang matagal na itong alam ni Thrym, hindi niya lang ito sinabi, kaya siguro sumuko na siya sa pangungulit sakin na bigyan ko siya nang second chance dahil may alas siya. Ang fixed marriage! Hindi ko ito matatanggap!








Tiningnan ko si Tanyo at nakita kong nakatingin siya sakin na parang nag aabang nang aking sagot! Nakita ko ang kanyang seryosong reaksyon, hindi ko masabi kung ano ang nasa isip niya, i can't read him. Pero nakita kong lumunok siya sa kanyang lalamunan at ganun parin ang kanyang emosyon, but i saw he Clenching his fist hidely, nakita ko kung paano niya kinuyom ang kanyang mga kamao. Tiningnan ko si Chase na parang galit sa mga narinig niya, pati sina Violet at Dark.







"Dad?! What?!" Sabi ko kay Dad na ngayon ay ngumingiti parin kasama ang daddy ni Thrym.




"Yes, the both of you will get marry soon." Sabi naman ni Dad! Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko at tumayo ako at tinalbog ko ang mesa kung kaya't nagulat sila sa ginawa ko.







"Dad! I can't. Hind ito pwede dad! I can't marry him! I can't marry with the person i don't lov-"



"But, you two were inlove each other." Giit naman nindad.




"Before! Noon pa yun dad! And it was a lust!"





"Ate's right, dad." Singit naman ni Chase. Nakita ko si Tanyo na nakikinig parin samin.






"Wag kang makisali dito, Chase." Ani dad.





"Peach, your dad is right. Para na rin ito sa kompanya niyo." Sabi naman nang daddy ni Dark na kapatid ni Daddy. Si Thrym ay nanatili paring tahimik.







"I don't fucking care!" Sabi ko at umalis sa kanilang harapan.





Hindi ko na kinaya kundi ang umalis nalang sa bahay. Hindi ito pwede! I can't marry Thrym! No, not ever. Hindi ko siya gusto! Si Tanyo ang gusto at mahal ko! Wala nang mas hihigit sa kanya. Hindi ako dapat magpakasal sa taong hindi ko naman mahal! Kung dahil lang ito sa Kompanya namin kaya magpapakasal ako kay Thrym. No!, hinding hindi ako kahit pa si dad ang nagpumilit. And mommy? Wala man lang siyang ginawa? Hindi man lang ba nila inalala ang aking mararamdaman?







Napagdesisyonan kong puntahan ang kotse ko at aalis ako sa bahay na ito. Nanatili parin siguro si Tanyo sa loob. Papasok na sana ako nang makita ko ang pinsan kong si Violet, Lavender at Dark na naghahanap sakin.






"Peach..." ani Violet.





"Hindi ko ito pwedeng gawin, Vi. Sana man lang inalala muna ni dad kung ano man ang mararamdaman ko. Hindi ako pwedeng magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal." Sabi ko at tumulo na ang aking mga luha.







"I'm sorry, Peach. Wala kaming magawa." Ani Lavender at tumango lang ako sa kanya na parang sinasabi ko na okay lang. Niyakap nila akong tatlo. Mabuti pa ang mga pinsan ko, naiintindihan nila ako. Agad din silang humiwalay at may sinabi si Dark.







"Punta ka sa Botanical. Susunod si Tanyo sa iyo." Ani Dark at nakangiti ang dalawang babae kong pinsan habang ako ay nanlaki ang aking mga mata.







"What do you mea-" pinutol ni Dark ang sasabihin ko.







"Pinagplanuhan na namin ito. Kinunsyaba namin si Tanyo. Mahal ka parin niya hanggang ngayon, walang nagbago. Ginawa niya ang lahat para sa pagbalik mo. Narinig namin ni Violet ang plano nang dad mo." Paliwanag ni Dark sakin habang ako ay hindi parin makapaliwanag. Nagsalita si Violet.








"Nagplano kami ni dad na si Tanyo ang kukunin niyang maging Doctor para magkita kayo." Sabi naman ni Violet.







"Pumunta ka na, Peach. Yan ang sasakyan ni Tanyo." Sabi naman ni Lavender sabay turo sa itim na SUV na ford. Kay Tanyo. Agad akong tumango at sumakay na.

"Thank you.. " sabi ko sa kanila.






Agad agad akong pumasok sa kotse ko. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun nang mga pinsan ko. At hindi rin ako makapaniwala ang ginawa ni Tanyo. Ginawa niya ang lahat para sa pagbalik ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon sa mga oras na ito, may halong galit dahil na namn kay Dad na pinipipilit akong magpakasal kay Thrym, may halong lungkot na sa nararamdaman ko at may halong saya dahil sa mga narinig ko galing sa mga pinsan ko tungkol kay Tanyo.







Sa gitna nang aking pagmamaneho ay iyak ako nang iyak sa mga pangyayari. Akala ko ba sila na ni Rita?.. hindi naman talaga ako nakakamove on kay Tanyo. Binigyan ko lang ang sarili ko nang limitasyon. Pagdating ko sa botanical park ay nagulat ako nang makita ko ang itim na SUV na ford na kapareha sa nakita ko sa bahay kanina. Kay Tanyo! Pumasok ako at wala nang mga tao dahil gumagabi na. Nakita ko ang anino ng isang lalaking mukhang si Tanyo. Nilapitan ko ito at siya nga. Pero tiyak ako na nararamdaman niya ang presensya ko. His clean manly cut hair makes me more fall.







"Do you accept it? The marriage?" Tanong sakin ni Tanyo at humarap na rin siya sakin. His hell gorgeous looks are now more attractive than before! Lumunok ako sa aking lalamunan.







"No. How can i accept it? Marry the man i don't even love? Sakit lang ang mararamdaman ko." Sabi ko sa kanya. At nakita kong titig na titig siya sakin!







Ang laki na talagang nagbago kay Tanyo! Sabi sakin ni Violet ay isa daw siya sa mga pinakamagaling na doctor dito sa La Fortuna. Nakapagtapos raw siya nang limang taon sa kanyang piniling kurso, ang medical. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. How much he knows how i fucking missed him for over five years.







"I don't want to marry him. His my fucking ex! And i don't feel any sparks in him. I love someone, Tanyo. And it's you. It's you that i want to marry. It's you, the man i never give up to love. Ikaw parin." Sabi ko at tumikhim siya. Nalalag rin ang kanyang panga.






"Then, let's elope together."



******* 

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now